Chapter 13
Tulog parin si Eon ng puntahan ito ni Zero sa kwarto. Napapadalas yata ang pagtulog ng babae nang wala sa oras. Dapat sana ay gising na ito ngayun, gabi kung gumugising ang babae. Gabi na ngayun, ah..
Ano ba ang pinag-gagawa nito at ganitu na lang ito kung makatulog. Mukha narin itong isang bangkay. Pumayat ito at putlang-putla. Ilang tonelada bang dugo ang kailangan ng bababe? Hindi naman ito umaalis ng bahay. Kung umalis man ito ay maaga namang bumabalik at nagpapa-alam sa kanya. At kung aalis man siya ay may nakatukang nakabantay sa babae.
Madalang niya itong nakakakausap ng maayos sa loob ng apat na buwan dahil naging abala siya sa kanyang tungkulin bilang isang Guardian.. Obligasyon niyang protektahan ang grupong pinamumunuan niya laban sa mga hunters, kasama siya sa mga nag pa-patrolya nitong mga nakaraang buwan. Abala din sila sa ginagawang pagsasanay para pagtibayin ang pwersa nila. Mabuti na lang at natigil ang sekretong pagkilos ng mga hunters. Salamat sa dalawang espiya, napapagaan nito ang trabaho nila.
Para na talagang bangkay ang babae. Napailing siya. Bago umupo sa gilid ng kama nito.
"Ano bang pinag-gagawa mo na hindi ko alam, mabait kung asawa?" kausap niya sa natutulog paring babae. Mas matutuyuan siya ng dugo kaysa sa babae kung iisipin niya ang mga pwedeng dahilan.
He chuckled. Kumilos kasi ang babae paharap sa kanya na nakanganga. hay! naku. Makulit ito at makapal ang mukha. *sigh* Nangungulit parin ito sa kanya nang date. Errr.. araw-araw itong nangungulit sa kanya. Bilib din siya sa lakas ng loob ng babae kahit ilang ulit na niya itong inayawan ay hindi ito sumusuko sa kanya. Lahat ginagawa nito para lang mapansin niya.
Pagbibigyan sana niya ang babae dahil natutuliglig na talaga siya rito (sa araw-araw ba naman) kaya lang ay wala siyang panahon dahil marami siyang inasikaso noong nakaraan. Ngayun namang nag kapanahon siya ay ito naman ang hindi magkapanahon sa kanya. Pag-tulog kasi ang inatupag nito. *sigh* Mamaya pa siguro ito magigising. Nagpasya siyang lumabas ng kwarto at para narin maka-usap niya si Bullet.
..
..
"Morning, vamps". bati ni Eon sa dalawang lalaki at diri-diretsong tinungo ang pridyeder. Kumuha ng isang pitsel ng tubig, nilagyang ng limang piraso ng blood tablet at kumuha ng isang baso, umupo at hinarap ang dalawang lalaking nakatingin sa kanya. Nginitian niya ang mga ito. Nagka salubong ang kilay ni Zero.
Sige parin ang ngiti niya nang kumunot naman ang noo nito ay kinindat niya ang lalaki. Mas lumuwang ang pagkakangiti niya ng maging blanko ang mukha nito. Tumatalab din pala ang charm niya. Narinig mo ba sarili mo? Please wag ka kokontra, brain. Nagpatuloy sa napag-usapan ang dalawa at siya naman ay inatupag ang kanyang inumin.
"Ininom mo ba ang dinala ko para sayo?" tanong ni Zero nang matapos niyang ubusin ang isang pitsel na blood juice.
"Yep! salamat"..
Tiningnan siya nito. "Matapos mong matulog ng buong araw, bakit ang itsura mo ay mukhang hinarass pari ng pagkarami-rami?"
Muntik nang pumunta ang inumin sa ilong niya. She cleared her throat at pa singhot-singhot. Shit! Mukha nga pa rin ba?..
Bullet chuckled.. "libre ang dugo ko para sayo, Eon".
She smiled at him.. "Pass. Full tank na, eh. But I'll hold on to that offer."
"Hindi ka matutunawan pag ininom mo ang dugo ng lalaking yan" eksena ni Zero. Bullet snorted..
"Okay." yun lang at tumahimik at napapikit siya. It feels good. The rush of a blood on her system even if it's artificial. Ninamnam niya ang mga sandaling iyun. Napatingin siya sa dalawa. Nahuli niya ang mga itong nakatingin sa kanya. Weird ka rin kaya..
BINABASA MO ANG
Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited
VampireEon, persuaded her mate Zero (full time) pero para kay Zero ay Si Vanessa lang ang nag-iisang babaeng mahal niya. 'Pak-syet' Pero hindi sya basta susuko hanggang sa tuluyan nga nyang ma pa- ibig ang mate na si Zero, both her heart and brain agreed t...