Chapter 9: Deer in the headlights

2.3K 42 4
                                    

Konsumidong nakatayo si Zero sa  harap ng stage na pinag iwanan ni Eon sa kanya. At ano ba ang pumasok sa kukuti niya at siya ang kusang sumama sa babae? Ano ngayun kung iba ang pagbigyan nito ng tickets? As if, he cares!... yes, you are! Ani ng isip niya.

 

Parang mababasag tuloy ang eardrums niya sa ingaw na nagmumula sa naka hilerang soundbox sa tabing kanan niya, idagdag pa ang ingay ng mga tao. Bago pa siya mabingi ay nakita niya si Eon na papalapit sa kanya, bagong bihis ito na animo namatayan na naman. Black shirt, black butt hugging skinny jeans, and an old pair of black rubber shoes.  Nakalugay pa ang mahabang buhok nito. She looked really cute and she looked like a rebel teenager.

“wear these para hindi ka mabingi mamaya” may ibinigay itong bagay na katulad sa suot nito. Nang hindi siya kumilos ay ito na ang nag suot sa kanya ng earpiece, proteksyon iyun sa katulad nilang very sensitive sa tunog. Napapikit siya sa kunting pagkadaiti ng katawan nito sa kanya at ng masamyo ang bango nito. Memories of his last dream flooded…

Whoah! get a grip!

 

Tinitigan niya ang mukha nito.

“done” she said. Hindi nga nito napansin. Masyado itong tensed. Napansin  niyang  hindi ito mapakali.

“what’s wrong?” puna niya sa babae. Nagulat ito sa tanong niya, nag-iwas ito nang tingin tsaka nag pagpag ng pantalon. A habit of hers.

“yeah! Ahm, na te-tense ako” pag-amin nito sa kanya.

He chuckled. Obvious naman kasi.

 

“why?”

“I’m gonna sing, later. Medyo, kinakabahan ako dahil andito ka.” paliwanag nito sa kanya na hindi tumitingin sa kanya.

“you don’t want me here?”  he asked innocently. Pakiramdam niya ay may itinatago pa ito sa kanya.

Nataranta ito.

“no no no, hindi sa ganun kaya lang ngayun lang ako kakanta sa harap ng maraming tao at isa pa ,inayawan mo na ang dapat ko sanang pang haharana sayo di ba?”.

Isang tango lang ang nasagot niya.

“Eon!” isang matangkad na lalaki ang tumawag dito. Kinamayan nito ang babae at tinanguan siya  bago ito tumalikod. Familiar sa kanya ang mukha nito, di lang niya alam kung saan niya ito nakita.  Ah, the scent.

 

“tawag na ako.please stay. Hindi kita haharanahin, promise.” anito sa isipan niya.

He nodded. She smiled toothily. Now, she looked like a puppy.

Nag simula ng mag akyatan ang grupo nina Eon. Mag kasabay na umakyat sina Eon at ng lalaking tumawag dito kanina. Nagtilian ang mga babae sa likod niya at nagsigawan naman ang mga lalaki. Nasa kanya-kanyang pwesto na ang mga ito, hawak nang babae ay gitara. Ang lalaking tumawag dito kanina ay vocalist at gitarista pala. Nalaman niyang Vash ang pangalan ng lalaki dahil sa mga fans na kanina pa isinisigaw ang pangalan nito. Ni hindi siya nahirapang alamin iyun.

Ano kaya ang nasa isipan ng lalaki? Gusto man niyang basahin ang nasa isip nito ay hindi pwede. Mararamdam kasi nang lalaki kapag ginawa niya iyun dahil hindi naman ito ordinaryong tao lang. Isa pa, labag iyun sa code of honor niya ang basta-basta na lang naninilip sa isipan ng iba pwera na lang kung kinakailangan.

Pumailanlang ang pamilyar na tunog  sa ere  - ang “hall of fame” ng The Script na sinundan ng kantang “Hurricane ng 30 seconds to mars”. Hindi na niya napansin ang iba pa dahil ang mga mata niya ay nakatutok lang kay Eon na masayang nag gigitara hindi man ito ngumingiti ay kita naman sa mata ang kasayahan.

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon