Chapter 7: Hunters

2.3K 44 2
                                    

Sa library, sina Zero at ang kanyang Papa.

"Nag sisimula na naman daw umatake ang mga hunters"anya. Bigla naman nag dilim ang mukha ng kayang ama.

Who would believe that this man is his father kung tutuusin parang kapatid lang sila. Of course, Vampires are immortal at kasama na doon ang hindi pagtanda.

"Saan mo nakuha ang impormasyon na yan?" Tanong nito sa kanya.

"Kay Eon, ayon sa Tita nya"

"Ahhh! Claire, who possessed clairvoyance"

"You know her?"

"With that ability?" Kunot noong tanong ng ama nito sa kanya.

Kunti lang ang nakaka-alam at yun lang na bibilang sa organization na kinabibilangan nya at ng kanyang ama ang nakaka-alam.

Tumahimik ito at may inaalala. Nagulat siya nang mabasa niya ang iniisip ng kanyang ama. Isa kasi ito sa mga taong hindi niya nababasa ang isip sa isipan nito ay may imahe ng isang batang babae na may kahabaan ang maitim na buhok na umiiyak habang yakap-yakap nang isang lalaki. Si Erick ang lalaking kayakap ng batang babae.

"I know Eon and Erick when they are small" sabi ng ama ni Zero sa kaniya. that girl is Eon, ang batang umiiyak na kayakap ni Erick? tiningnan siya ng kanyang ama bago ito nag patuloy.

"Naging kaibigan ko ang ama nila, their father was the clan's leader and the guardian of the west" ibig sabihin malakas talaga ang ama nila Eon para makuha ang titulong guardian of the west. "Hindi nga lang ako nakilala nang dalawa dahil ang mga guardians noon ay palaging may suot na ski-mask"

May apat na distrito ang kanilang lugar na pinamumunuan nang Head ng Vampire Association, sa bawat distrito ay may na atasang mag bantay upang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng tao at bampira at sa mga bampirang mang gugulo tulad ng mga Pureblood hunters.

Ang kanyang ama ang naatasang mag bantay sa kanilang lugar, ang kanyang ama ang tinatawag na Guardian of the North na naaayun rin sa  Earth ability nito.

Si Erick naman ang nakakuha sa titulo ng kanyang ama na Guardian of the West at siya naman ang Guardian of the South. Nananatiling misteryo pa rin hanggang ngayon kung sino ang  Guardian of the East. Walang sino man ang makapagsabi kung ano ang hitsura nito dahil palagi daw itong nakasuot ng ski-mask kahit sa ordinaryong pagtitipon.

Di ba't palagi din nakasuot nang ski-mask ang dalawang espiya ng Vampire Association. hmmm... ang dalawang espiya ang naatasang mang hagilap nang kung ano-anung impormasyon na makakatulong sa apat  na Guardians, both are strong. Pag ang dalawa kasi ang kumilos ay tapos na ang magiging trabaho sana nila at wala na ang dalawa sa eksena bago pa man sila makarating kaya hanggang ngayun ay hindi pa niya nakikita ang pag mumukha ng dalawa. (naka ski mask nga!)..

"Alam ko na ang tungkol sa kaniya, she is a pureblood kaya itinago ni Erick ang totoong  identity ng kapatid "

"Tsss! No wonder hindi kayo nagalit sa pag papakasal ko sa kanya" sarkastikong saad niya sa ama pero parang baliwala lang dito sinabi niya.

"Yes, a pureblood with a very powerful bloodline. Himura's Clan was well-known because of their Fire ability and being a Samurai. Matagal bago natalo ng mga hunters ang pamilya nila kahit kaunti lang ang bilang, iilang beses din na pa ulit-ulit  ang ginawang  paglusob ng mga hunters pero hindi nila ito ma talo-talo  hanggang sa unti-unting lumiit ang maliit na bilang ng mga Himura at gayun na din ang sa huli."

"Akala ng angkan ng Himura ay natapos na doon pero hindi pala. Pagkaraan ng dalawang dekada ay bumalik muli ang mga hunters, sa kabila ng paghahanda ng mga Himura sa tulong ng premonition ni Claire ay natalo pa rin ang angkan nila  dahil hindi nila napaghadaan ang pag doble nang bilang ng mga hunters. Huli na ng dumating ang tulong. Tanging si Eon at Erick at isang babae ang nakaligtas sa angkan ng Himura"

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon