chapter 8: Thousand Mile Wish

2.1K 44 0
                                    

sa bahay ng kuya niya...

hindi alam ni Eon kung dapat ba niyang ika-inis o ika-galit ang pakikipa-bangayan ni Zero sa kuya niya ngayun. Sinisisi nito ang kuya niya dahil sa nangyari kanina, naging pabaya daw ito at hindi nag-iisip kaya muntik na silang mapahamak.

(sigh) ka tabi niya si Rouge na tahimik lang din na nakamasid sa dalawang lalaking nag babangayan.

inilabas niya ang ang kanyang Ipod at pinasak nalang basta ang earphone sa tainga niya kaysa marinig ang pag tataasan nang boses ng dalawa. She closed her eyes and blocked every word Zero uttered. Bawat kasi salitang binibitawan nito ay parang sampal sa puso niya..

Napapikit siya nang mariin nang magsimula na namang mag taasan ang boses ng dalawa.

"Stop it!" narinig niya ang pag saway ni Vanessa sa dalawa. "hindi man lang kayo nahiya"..

"Sige lang. Wag 'nyu na kaming pansinin. Ituloy 'nyu lang. Wag na kayung mahiya. Hindi naman kami nakikinig ni Eon".. sabi ni Rouge na halata ang amusement sa boses at pasimple pa siyang siniko. Kaasar! pandamay, ah!

sakto namang pagmulat niya ay ang mata ni Zero ang sumalubong sa kanya. Tinangoan lang niya ito bago siya pumikit ulit..

hay! salamat at natahimik na.. nahiya marahil ang dalawa sa sinabi ni Rouge..

"O, tapos na kayo?" tanong ni Rouge. "ang tahimik naman" at walang-sabi na kinuha ang isang earphone na nakapasak sa tainga niya. wala talagang H ang lalaking ito. hindi na niya sinita pa ang lalaki dahil sanay na siya dito.

Close sila ni Rouge. Ito kasi ang nag-aalaga sa kanya pag iniiwan siya ng kuya niya noong bata pa siya. Baby pa lang daw siya ay kaibigan na ito ng pamilya nila kaya pinag kakatiwalaan ito ng kuya niya. Si Rouge ang naging kuya niya. Binantayan sya nito at inalagaan hanggang sa na pagpasyahan ng kuya niya na itago siya at ipa kupkop siya kay Tita Claire... Mas naging close pa sila ng lalaki nang makapareha niya ito sa trabaho.. kaya lang pag tinutupak siya ay hindi niya kinikilala ang lalaki tulad nalang kanina.. (hehehe)..

buti na lang at napag titiisan siya nito kung hindi eh, wala siyang kakampi sa buhay.. kidding! gwapo si Rouge kaya lang playboy. Ito ang older o binatang version ni Daniel Padilla.

"Sa susunod mag-isip ka naman" narinig niyang sabi ni Zero sa kapatid. "para hindi mapahamak si Vanessa sa pinag-gagawa mo".. (sigh) ah! there you go again!.. You are really bad for my ego, Zero!.. piping pang hihimutok niya.. parang nakikinita na niya ang susunod pang mga eksena sa buhay pag-ibig niya. Gasgas sa puso lang ata ang matatamo niya sa lalaking yun.. Oy! Oy! Oy! sumusuko ka na ata! sita nang utak niya. hindi pa naman! kahit alam niyang tagilid siya sa puso ni Zero. Alam niyang si Vanessa ang babaeng tinutukoy ng lalaki na mahal na mahal pa nito. (sigh!) What?!. hindi ako dense oi para di ko ma gets agad..

"that's the big one, so far" sita ni Rouge sabay siko sa kanya. Binabantayan pala nito reaksyon niya.

"Naman eh! Nag re-relax lang. Breath-in" sabay hingang malalim.. "breath-out" sabay buntong-hininga.. Rouge just give her a quizzical looked.. Alam niyang wala syang ma itatago kay Rouge kaya hindi nalang niya ito kinibo para hindi na ito mag-usisa pa. usyusero kaya ang lalaking ito pag dating sa kanya..

"lets go" si Zero iyun at siya ang tinutukoy nito.

"okay" nag paalam muna siya kay Rouge. Niyakap naman siya nang kuya niya at tatawagan nalang daw siya nito pag uwi niya.. si Vanessa naman ay hindi mag kanda-ugaga sa pagpapasalamat at paghingi nang tawad sa inasal ng kapatid niya kanina..

"hindi talaga ako hinintay nang bruho" iniwan kasi siya ng lalaki. Naka kasakit na talaga ang isang yun. Hindi niya sukat-akalain na ganito ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig niya. Nang humungi siya ng love-life ay simple lang naman ang gusto niya - na mahalin siya nang lalaking minamahal niya at mag sasama sila habang buhay.. Bakit naging komplikado ang lahat? Ano ba ang nagawa kung masama, Lord?.. Naging mabait naman ako, ah..

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon