Zero's POV

2.2K 48 0
                                    

"Damn it!" Pa sigaw ni Zero.

Galit siya. Galit na galit dahil sa kapabayaan ni Erick, hindi man lang ito nag-iisip. Muntik na silang mapahamak, pati si Vanessa ay nadamay pa sa gulo. Nang makita niya si Vanessa na kasamang pinalilibutan ng mga kalaban ay hindi na siya nag dalawang-isip na protektahan ito. Dahilan para ma distract si Eon,muntik na itong matamaan ng baril kanina kung di lang ito nakabawi at naka-iwas. Oo nga at gusto niyang pag higantihan si Erick gamit ang kapatid nito pero hindi sa ganung paraan. Hindi naman siya ganuon kasama para ipahamak ang babae. Na kokonsensiya  siya  at para pagtakpan ang ginawa niya ay kinompronta niya ang lalaki at naki-pag bangayan dito.

Nag tagisan sila ng salita, hindi rin kasi nag patalo si Erick dahil ayun dito siya daw ang dapat sisihin sa lahat-lahat.Balak pala nitong puntahan siya para komprontahin dahil sa ginawa daw niyang pang-gagamit sa kapatid nito. Lalo tuloy uminit ang ulo niya sa mga sinabi nito. Siya pa ngayun ang may kasalanan kung hindi lang sana nito inagaw si Vanessa sa kanya ay tahimik sana ang lahat at wala sanang ibang tao ang masasaktan.

"stop it! "hindi man lang kayo nahiya!" awat ni Vanessa sa kanila. Pumuwesto ito sa gitna at pilit silang inilalayo ni Erick sa isa't isa.

Kung hindi lang kay Vanessa ay binanatan na niya ang lalaki.

"sige lang. Wag 'nyu na kaming pansinin. Ituloy 'nyu lang. Wag na kayung mahiya. Hindi naman kami nakikinig ni Eon" marahas na napalingon siya sa nag sasalitang si Rouge. Siniko nito ang katabing babae na nakapikit kanina na ngayo'y nakatutok ang mga blankong mga mata sa kanya. Natigilsn siya. Simpleng tango lang ang nakuha niyang reaksyon dito bago uli ito pumikit.

Tama nga naman si Vanessa, hindi na siya na hiya. Hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ni Eon. Alam na kaya ng babae na si Vanessa ang tinutukoy niya?.. Damn it! Hindi talaga siya nag-iisip. Ahh! To hell I care!

"O,tapos na kayo!?" Tanong ni Rouge. "Ang tahimik naman." Naka sukbit na ngayun  sa tainga nito ang isa sa pares ng earphones ni Eon..  Tahimik pa rin ang babae. Di niya alam kung bakit bumalik na naman ang inis niya. Full blast.

Kaya hiniritan niya uli si Erick.. "Sa susunod mag-isip ka naman para hindi malagay ang buhay ni Vanessa sa panganib" hindi man lang sumagot si Erick.

Then he heard a deep sigh. Na palingon uli siya sa gawi nina Eon.

"That's the big one, so far" puna ni Rouge kay Eon sabay kalabit dito na ikinabigla naman ng huli.

"Naman! Nag re-relax lang. Breath-in, breath-out" Gusto niyang itirik ang mga mata sa palusot na ginawa ng babae. Man, she's a terrible liar!.. Alam niyang nasasaktan niya si Eon sa ikinikilos niya pero hindi niya maiwasang mag-alala pa rin kay Vanessa.

"Let's go" Sabi na lang niya sa babae para di na ito mahirapang mag sinungaling pa..

"Okay" sagot nito sa kanya. Hindi na niya ito nilingon pa at na una na siyang umalis.Sa labas na lang niya hihintayin ang babae para na rin sermunan. Bigla tuloy nag balik ang humupang galit niya kanina para sa babae.

Galit siya dahil sa pang iiwan nito sa kanya kanina. Paano kung napahamak ito? Paano kung natamaan ito ng baril kanina, sigurado siyang hindi ordinaryong bala ang ginamit ng mga kalaban. Talagang hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung nangyari ang kinatatakutan niya. Oo nga at may alam si Eon sa pakikipaglaban pero paano na lang kung-.. Natigilan siya.. Tsk. Tsk. Tsk. He is getting soft towards Eon. Normal lang siguro iyun dahil nakikita niya ang bunsong kapatid niyang si Ayen kay Eon kaya hindi niya makuhang makita na nasasaktan ang babae at gamitin ito sa paghihiganti niya. At isa pa, may kasunduan na sila ng babae.

Napaisip siya. Magagawa kaya ni Eon na pa ibigin siya? Paano na lang kung hindi?.. Naman! Pa ulit-ulit na lang..

"Ba't ang tagal ng babaeng 'yun?" aniya sa sarili. Hindi siya nakatiis kaya napatigil siya sa paglalakad at sumandal sa pader para doon na lang mag hintay. 'Di nga nag tagal ay lumabas na ang babae, kumikibot pa ang mga labi nito at parang gigil na gigil.. (scoff) Nasisiguro niyang para sa kanya iyun..Nag simula na itong maglakad patungo sa direksyon niya.

Pambihira!- Nilagpasan kasi siya ng babae.

Di man lang siya nito napansin dahil may malalim itong iniisip base na rin sa malayong tingin nito. Ano kaya ang iniisip nito?..new strategy? .. maybe. He thinks. Oh, how he hated this.. For blood sake, he is a freaking mind reader!

Then he heard her sighed, again.

" what's with the big sigh?" tanong niya saka umalis sa pagka-kasandal at hinarap ito. Kung hindi lang siguro siya na iinis ay bumunghalit na siguro siya ng tawa dahil sa reaksyon nito.Na paigtad ito at nagpapadyak. Childish! Parang si Ayen pag nagugulat.

"shit! Ba't kaba nang gugulat?. Parang nag bungee jumping puso ko sa ginawa mo!" nandidilat na sabi nito na hawak pa ang didbdib. Para namang tumitibok ang puso nila.

"kung sinu-sino kasi iniisip mo" panghu-huli niya sa babae na hindi naman kaagad nito naintindihan. Maya-maya ay tumaas ang kilay nito tanda na nakuha nito ang ibig sabihin sa huling sinabi niya.

"bakit ka pa andito?" pambabaliwala nito sa sinabi niya..

"ang tagal mo kasi" at walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay nito. Darn! that spark again. "halika ka na nga" natigilan naman ito sa ginawa niya..

"bilisan mo, hinihintay na tayo ni Bullet sa labas" sabi na lang niya para pagtakpan ang kung ano man ang nararamdaman niya ngayung mag kahawak ang kamay nila na agad-agad din niyang in-ignora..

Mas na una pang nakapasok si Eon sa kotse kaysa sa kanya. Wala rin namang problema iyun sa kanya. Tinanguan siya ni Bullet hudyat iyun na may sasabihin ito kaya binasa niya ng isipan nito. Iniisa-isa ni Bullet sa kanya ang napag usapan nito at ni Claire kanina. Inutusan kasi niya ito na pumunta sa bahay ng mga Salazar para ipakuha ang iba pang mga gamit ni Eon.

 Naningkit ang mata niya ng masilip sa isipan nito ang mga tickets na itinago ni Bullet sa likuran niya mismo. Pasimpleng kinuha niya ang mga iyun habang hindi pa naka tingin ang babae sa kanya. Hindi pa ba ito tapos sa pang liligaw sa kanya? Parang may nag diwang sa loob niya sa konklusyon na iyun.

"anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Eon kay Bullet na ang tinutukoy ay ang violin case na katabi ng lalaki. Nakakunot ang noo nito tila ba hindi nito nagustuhan ang pag galaw nila sa gamit. Nag alangan namang sumagot si Bullet, pinabasa nito ang napag kwentuhan nila ni Claire tungkol sa case na yun. Importante daw kay Eon ang violin na iyun. Bigay daw iyun ng papa nito noong bata pa ito kaya ipina-bibigay ni Claire. Somehow, hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon ni Eon sa pakikialam niya.

"ipinakuha ko ang lahat ng gamit mo" bago pa man ito makabanat nang isasagot ay inunahan na niya ito. "asawa na kita ngayun, hindi ko gusto ang pag sulpot-sulpot mo dahil may naiwan o may nakalimutan ka sa bahay ng Tita mo" paliwanag niya. Kunot-noong tinitigan siya ng babae.

"so, paano ang mga tickets na to?" itinaas pa niya ang hawak na tickets..nakatingin lang ito sa hawak niya tila ba naguguluhan sa sinasabi niya. Hindi pala para sa kanya ang hawak niya ngayun. Kung kanina ay inis lang ang nararamdaman niya ngayun ay sobrang na iinis na siya sa kaalaman na yun.

"wala ka talagang balak na isama ako? sabi mo may trabaho ka ngayung hapon".

"balak isama, saan? Oo, may trabaho ako mamaya at pwede ba, wag mong ilapit-lapit sakin ang mukha mo". Hindi niya namalayan na napalapit na pala ang mukha niya sa babae, hindi naman niya magawang dumistansya. Na samyo pa niya ang mabangong hininga nito at ramdam pa niya ang pag talsik ng mumunting laway. Hay!.. Magaang itinulak ni Eon ang mukha niya papalayo, somehow, he likes the feeling of her hand touching his face. Pero parang may itinatago ang babae sa kanya. Pakiramdam niya ay naging isang linya na lang ang mga mata niya.

"so, anong ibig sabihin nito?"..

"oh!!!... I'm gonna be late!..shit! shit! bakit ko ba nakalimutan"..nataranta naman ito ngayun. Nang sa tingin niya ay wala talaga itong balak na isama siya ay mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka.."Uhmm..bakit?"..

"sasama ako, dalawa naman yan di ba.. unless may ka date ka na". ano bang pinagsasabi mo Zero para kang tatay kung maka-asta..

"w-walanautal naman ito ngayun.. lalo tuloy siyang na inis..

.....

......

Persuading, My Mate? (COMPLETED) unedited Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon