Benj's POV
"Sige. Basta kapag babalik ka na, dapat pogi ka na ah! Hahaha!"
"Mukhang di ako makakaalis ah? Pano pag inborn pogi?"
"Hahaha! Shut up."
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Ledesma.
Malawak. Magara. Malinis.
Oh! Di ako dito nakatira. Chill. Pero yung bestfriend kong si Kez, oo.
"Pero iba talaga kapag ikaw yung nagsasabi ng 'shet eeeep'! Parang ang sosyal sosyal. Hahaha!"
Nasa kalagitnaan kami ng paguusap. Tawag niya dito "chitchat". Ewan.
Tumawa siya. "You never failed making me laugh! I hate you."
"Syempre. 7 years old palang tayo, ako na nagpapatawa sa'yo. Walang bago!"
Tumigil siya sa kakatawa. Tas parang sinapian ng kung anong malungkot na labsong.
"Yah.. I know. You're the one who makes me laugh.. Who comforts me.. And who listens to me.. every damn situation."
Walangya. Magdadrama nanaman to panigurado.
"No! Don't give me that look! Hindi kita paglalabasan ng sama ng loob 'ulit' or so what ever okay? I'm just..." Yumuko muna siya. Huminga. "I'm just very thankful for your existance when I'm in need." Naging teary eyed na siya. Ay puu--
Nasapo ko naman yung noo ko. Pucha. Di daw siya "maglalabas ng sama ng loob o whatever" pang nalalaman. pero iiyakan nanaman ata ako.
Porket gwapo?! Iiyakan mo?
"Wag ka ngang umiyak.. baka maniwala ako niyan sa sinasabi nila."
Tinitigan niya ko. "Na?"
"Na Heartbreaker ako."
Pinagpapalo niya ko ng unan. "Hahahahahaha!"
"Fuck you! Napaka-conceited mo talaga! Ew."
Tumayo siya tsaka umakyat.
"Uy Kez!" Nilingon niya ko.
"Whaaat?"
"Magiingat ka dito ah? Wag ka nang masyadong pasaway. Lalo kang napapagalitan ni Mang Jerome eh."
Dahan dahan siyang bumaba papunta sa pwesto namin kanina. Tsaka umupo ulit sa sofa. "Bat kasi kailangan mo pang pumunta ng Pampanga?"
"Kasi nga, yung bestfriend ko.."
Pinanlakihan niya ko ng mata. "Ako ang bestfriend mo!" Dinuro niya pa yung sarili niya. Haha!
"Oh.. edi second bestfriend!"
Dinaan niya nalang ako sa irap. Hahaha. "So, bakit daw?"
"Kasi yung lolo niya.. wala na."
Napayuko siya. "Sabagay, nung namatay si Mommy, nandiyan ka. Nung namatay si Lola, nandiyan ka. Nung namatay si Kuya, nandiyan ka din.. Sige. Dahil patay yung lolo niya, dun ka muna." Ngumiti pa siya ng parang bata.
Pucha ang weird ng babaeng to.
"Wag mo kong tignan ng ganyan Benj. Ano ba."
Tinawanan ko lang siya.
"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!.. NO. NO NO NO NO NO! THEY CAN'T CANCEL THEY'RE INVESMENT! KAILANGAN NATIN 'YON!.. WHAT?!.. FUCK THEM!!! UGH---"
Si Mang Jerome. Nagwawala.
"There he go again." Tumayo na si Kez tsaka umakyat.
"Hep! Kezia, what the fuck happened to your grades, huh?!" Inirapan lang ni Kez si Mang Jerome.
"Nothing. I just.. fucked them." Kalmadong sagot pa niya."DON'T YOU DARE--"
Di na natapos magsalita si Mang Jerome, umakyat na si Kez. Napaka-bratinela talaga.
"Sorry po, sir."
"No, it's not your fault Benj. It's not."
Minsan, naaawa nadin ako kay Mang Jerome eh. Pero nakakaawa din naman si Kez. Ewan! Magulo. Sobrang gulo.
"Ah, sige po. Pasensya po talaga. Pakisabi nalang kay Kez, nauna na po ako."
"Sure thing hijo." Nginitian niya ko tsaka umalis.
Umalis na rin ako. Nakapagpaalam na naman ako kay Kez.
Kaya lang naman ako pumunta dito para magpaalam sa kanya.
Pupunta ako ng pampanga for 3 days.
3 days.. mahaba 'yun.
Mahabang panahon na walang aawat kay Kez na magloko. Tsk tsk.
~
PUNYETAAAAA! PINAKASABAW NA PILOT CHAPTER, EVER! SORRY! BABAWI AKO, I SWEAAAAR MWA!
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.