Blue's POV
Parang nagsisisi ako dun sa ginawa ko kay Alex. Kasi naman naiintindihan ko siya. Alam ko ang pakiramdam nang tawanan lang pagkatapos mong ilabas ang nareramdaman mo.
Hindi ko naman kasi alam ang isasagot sa kanya 'nun. Kaya tinawanan ko lang siya. Di ko alam ang gagawin ko eh. Di ko alam ang sasabihin ko.
Hindi kaya ganun din 'yung nararamdaman ni Kezia para sa'kin? Hindi rin kaya siya sigurado?
Puta. Masakit umasa.
Pero desidido na ko. Liligawan ko siya. At gaya ng sinabi ni Benj,
Ipaglalaban ko. Ipaglalaban kong magkaroon ng "Kami".
Gaya ng araw araw naming ginagawa, nagsipuntahan ang tropa sa bahay at sabay sabay kaming pumasok.
Pagpasok ko pa lang. Si Alex na ang unang napansin ko. Halatang apektado parin siya sa nangyari kagabi.
Todo ang pagiwas niya ng tingin sa'kin.
Teka. Umiyak ba siya? Namumugto 'yung mga mata niya eh.
Tsk. Ano ba naman kasi 'yan Ashton! Lalo akong nakokonsensya nito eh!
Nagsiupuan na kami sa kanya kanya naming pwesto. Nakipagpalit muna ako kay Benj para magkatabi kami ni Kezia.
Pero hindi ko talaga maiwasang maisip 'yung nangyari... nakokonsensya talaga ko.
"Huy! Okay ka lang?" Pangangamusta ni Kezia habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
"Okay lang. Bat mo natanong?"
"Okay lang? Kahit hindi ka mapakali dyan? Sige. Sabi mo eh." Pagtataray niya.
Wala ako sa mood para sabayan ang pagtataray niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Iniisip ko parin kung anong gagawin ko kay Alex.
Siguro dapat kaming magusap?
Ang tanga mo Ashton. Anong siguro? Dapat talaga kayong magusap!
Ayokong mawala lahat ng pinagsamahan at pagkakaibigan namin ni Alex dahil lang 'dun.
Breaktime,
"Mauna na kayo sa canteen. May gagawin lang ako." Sabi ko sa kanila habang inaayos 'yung gamit ko.
Sumangayon naman silang lahat at sabay sabay na lumabas.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
Fiksi PenggemarNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.