Sa mga di po nakakaalam, Leauge of Legends is an online game. Hihi. Yun lang.
Ashton's POV
Dumiretso kami sa isang computer shop. Malamang eto yung venue ng tournament.
Pag dating palang namin, andami nang sumalubong kay Benj. Puro bumabati sa kanya. Wow. Peymus.
Yung isang kasama naman namin, walang ibang expression. Laging nakataas ang isang kilay. Nagmamaganda nanaman. Tsk.
3 v 3 ang laban ni Benj. Mukhang mga pro talaga yung mga tao dito. Hmm.
"Dyan muna kayong dalawa. Magsisimula na yung game eh" Iniwan ako ni Benj sa isang sofa. Kasama si.. nevermind.
Isipin nalang natin na wala akong kasama.
Magkatabi kami sa sofa pero ang layo ng pagitan namin. May malaking space sa gitna namin..
Bigla nalang may sumingit 'dun.
"Hi Miss. Naglalaro ka?" Tanong nung lalaki.
Pero hindi siya pinansin. Hahaha.
Halata sa mukha ni Kezia ang pagkabagot. Inirapan niya yung lalaki at pinilit umurong palayo sa katabi niya.
"Miss, ako nga pala si--"
"Don't you dare lay a hand on me." Pagpuputol niya sa lalaki.
Umalis nalang yung lalaki.
Pagkaalis nung lalaki nagsumiksik siya sakin at kinapitan yung braso ko.
Nanlaki yung mata ko sa kanya at inabot ng ilang minuto bago ko marealize kung anong nangyari.
"Di naman maaamang umamin Kezia."
Inirapan niya ko. Hindi ba to nahihilo kakairap? "Are you some kind of stupid or what?" Tumawa nalang ako.
Gets ko naman. Kinapitan niya ko para hindi na siya lapitan ng mga lalaki. Pwe. Assuming. Akala mo naman maraming lalaki ang lalapit sakanya. Eh isa lang naman 'yon.
"Simula na ng game!"
Nagsimula na ring dumagundong ang shop.
Maraming nanunuod. Nakikiabang. May mga nagpupustahan pa nga.
Yung katabi kong kapit na kapit parin sa braso ko, halos pumikit na sa sobrang bored.
Kalagitnaan ng game, wala na kong alam sa nangyayari. Ayoko namang umalis sa pwesto ko.
Sarap kaya ng pagkaka... gawa ng sofa.
Excuse me, wala akong pake sa kapit ni Kezia noh. Parang may sanga nga na sumabit sa'kin eh.
~
Natapos yung game, panalo sila Benj.
Ayaw na ng rematch. Ilang oras din yun. ilang oras kaming nakaupo dito.
Nagsitayuan na yung mga tao sa shop. Nagtipon tipon sila sa counter. Pinaguusapan yung prize etc.
Si Kezia naman umupo sa tapat ng isang computer. Lumingon siya saken. "Marunong ka nito?"
Hehe tutal, di naman marunong tong babaeng to, at hindi niya naman alam kung ano ang marunong sa hindi, papakitaan ko lang to. Hehehehehehehehe.
"Oo naman. Baka bumilib ka pa."
"Paturo naman." Pasweet siya magsalita. Di ako sanay. Okay. "Di ako marunong eh."
Umupo ako sa tapat ng isang computer sa tabi niya.
Maya maya nagsimula na kami.
Hindi ko inexpect yung mga nakita ko.
Walang tutorial na naganap saming dalawa.
HINDI NIYA KAILANGAN 'NON.
Di ko napansin na nanonood na pala samin lahat ng tao sa shop.
"Ang angas nung babae."
"Walang palag si kuya."
"Dimaig."
Oo na. Utas na ko! Ang kati kaya ng character niya! Pero-- akala ko ba..
Natapos yung 1v1 namin.
PANALO SIYA.
WEAK NA! WEAK NA! OO NA!
Nagsihiyawan yung mga tao sa loob nung lumabas yung VICTORY sa screen ni Kezia.
"Pang finals to eh!"
"Main event!"
"Bonus!"
Lumapit sa'min si Benj.
"Nice Kez!"
"Akala ko ba?!---" takang takang tanong ko.
"Sa tingin mo, magkakaroon ako ng account kung hindi ako marunong?" Ngumiti siya.
Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip 'yun?!
Natawa nalang ako. Ang tanga ko. Hahahahaha.
Nagtawanan kaming tatlo.
Pero may napansin ako kay Kezia..
Ang ganda pala ng ngiti niya?
~
MAIKLIIIII HAHAHAHAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.