Dun sa bahay ni Kez, gulo ang iniwan ko.Ngayon naman, sa bahay ni Ash? Gulo ang dinatnan ko.
Nasa front door nila ko.
Nakatingin kay Ash. At kay Bret. Nagbabangasan sila ng mukha.
Parang Mayweather VS Pacman.
Joke. Walang yakapan na nangyayari dito ngayon.
"Gago! Hindi ko kasalanan na may lahi kang tanga!" -bret.
"Tangina mo! Bobo! Magkapatid tayo tanga!" -ash.
Makes sense.
Lumapit sakin yung maid nila tsaka ako inabutan ng juice. "Sir" inangat ko yung kamay ko. Senyas ng pagtanggi.
*PAK
"Hindi kayo titigil hangga't hindi kayo natatamaan ng payong ano?" Sabi ni Tito Caleb pagkatapos ibato yung payong sa dalawa.
Folding umbrella pa yung binato niya. Kaya pagkatama kay Bret, biglang bumukas. Hahaha!
"Hindi na kayo nahiya sa bisita. Benjamin, pasok."
Tangina. Benjamin. Ge
"Sorry, bro! Di kita napansin" Okay lang sanay na kong di napapansin. Jok! Hahahaha. Jok.
Lumapit si Tito Caleb kaya nagmano ako. Yung dalawa naman, nanahimik na.
"Pagpasensyahan mo na Benjamin. 'Tong nagkapatid kasi. Kakamatay lang ni Papa, nagbabangasan na. Sabagay, parati naman silang ganyan."
Tumango ako. "Ayos lang po"
"Sige, mauna na muna ko sa burol. Bret, sumama ka na sa akin kaysa mabato ko ulit kayo ng payong." Naunang maglakad si Tito Caleb palabas ng bahay. Sumunod naman si Bret.
"Bro!" *shoulder bump
"Thank you bro ah. Akala ko di ka na pupunta eh."
Nginitian ko siya. "Tol, nakakapagod yung byahe."
"Halata nga. Ni di ka man lang nagabalang pigilan kami ni Bret." Umupo siya sa sofa. (Wow. Puro sofa.)
"Sanay na ko pre. Haha!"
"Ako din pre eh. Sanay na.." sabay tingin sa kawalan.
Ba. Lakas maka-music video sa videoke. Kingina.
"Drama mo?"
"Sa sobrang sanay, sawang sawa na ko." Hinawi niya yung buhok niya. Shet ang hoooot! Jok. Di ako bakla. Hahahahaha!
"Bro, di bagay."
Tumawa siya. Makungkot na tawa.
Si Ashton ba to? O si Kezia?
"Yang pagmumukha ng kapatid ko? Ansarap durugin."
"Kalma bro."
"Kaya talaga sana ikaw nalang yung naging kapatid ko eh." Lumingon siya saken.
"Tangna pre. Ang bakla mo tumingin!" Hinawi ko yung mukha niya kasi alam kong sinasadya niya 'yon.
Tangina neto. Porket pogi.
"Di ka parin nagbabago Benjamin Catama the third."
Nakakatouch yung pagkakabuo niya sa pangalan koo. Wooow. ./.
"Pre mukha ka paring tuod!" Tangina.
"Uwi na ko pre!" Tumayo ako para kunwaring aalis.
Pero di niya ko pinigilan.
Nasa pinto na ko.
Tsaka ako humarap.
"Seryoso, pre? Seryoso?"
"Alam ko namang hindi mo itutuloy pre eh. Labs na labs mo ko eh. Diba?" Tumakbo siya saken tsaka ako niyakap.
Pucha.
"Uurrrghh miss you bebe ko!"
"Inamo!" Pinilit kong alisin yung yakap niya.
After few minutes, I succeed! Hahahaha!
"Leche. Ikaw din. Wala kang pinagbago! Mani ka parin!"
"10 pa tayo nung inaasar niyo kong mani ah? Nakakamiss."
"Bat mo namimiss? Mani ka parin hanggang ngayon."
"Mani. Hahahaha!"
Mani po. Dahil sa apelyido niya. Cassio. Cashew. Nuts. Cashew nuts. Mani.
Oo na. Corny naaa!
Eh bata pa kami nung inimbento namin yan eh.
"Pre naalog ni Bret masyado utak mo! Pahinga mo yan"
"Di ah! Hahaha! Ako pa ba? Talo lagi yun saken.. ay pre, oo nga pala. Ikaw ang dapat magpahinga. Pagod ka. Nakahanda na yung kwarto mo sa taas. Tara."
Tutal isang backpack lang naman ang dala ko, hindi na kami namroblema sa bitbitan.
Sinamahan lang ako ni Ash sa kwarto ko. Tsaka ako iniwan.
Para makapagpahinga daw ng maayos.
Hay salamat.
~
Sabaw, part 2. Ge. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
Fiksi PenggemarNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.