Blue's POV
"Weeeeeeeh?" Pangasar na tanong ni Clyde. Eto, magugulat nalang 'to, durog na mukha niya.
"Wala! Kalimutan mo na 'yung sinabi ko!" Lumapit ulit ako sa may XBOX at kinuha 'yung controller.
"Ayoko nga! Joke lang uy bakit kanino ka ba umamin ha?" Naeexcite niyang tanong.
"Wala, manahimik ka. Bumaba ka na 'dun." Sabi ko sa kanya habang patulot na naglalaro.
"Ah okay.. Alam ko na itatanong konalang si Benj! O di kaya si Kezia." Binaba ko agad 'yung controller ko.
Lalabas na sana siya ng kwarto, "WAAAAAG!" tumalon ako at hinablot 'yung pantalon niya.
Aray ha. Ang sakit ng pagkakabagsak ko.
"Sino ba kasi?" Nagtatakang tanong niya.
"Basta wag na wag na wag na wag mong susubukang sabihin 'to kay Jason! Parang awa mo na! Jusko!" Mababaliw na ko!
"Teka, bat ba ganyan ka ka-OA umarte ano bang meron kay Kezia?" Unti unting nanlaki 'yung mata niya kasabay ng unti unti 'ring paglaki ng ngiti niya.
"Tangina! Pare, umamin ka kay Kezia?! Kelan paaaa?!" Wow, naintindihan ko 'yung mga sinabi niya this time. In all fairness.
Tumayo ako sa pagkakalampaso sa sahig. "Shh." Sinabi ko nalang habang pinapagpag ko 'yung katawan ko.
"Sandali lang at tatawagin ko si Benj! Kailangan niyang malaman 'to! Whooo!" Di ko na siya napigilan dahil masyado nang masakit ang katawan ko para kumilos pa. Humiga nalang ako.
~
"Pare! Kailangang malaman ni Kian 'to! Wait lang, tatawagin ko!" Naexcite na sabi ni Benj pagkatapos ikwento ni Clyde 'yung nangyari.
~
"Woooaaah! Totoo?! Tol, ipaalam din natin kay XC! Sandali lang ah!" Lumabas nga si Kian para tawagin si XC. Pagkatapos niyang marinig 'yung kwento 'nung dalawa.
Punyeta.
~
Nakangiti silang lahat sa'kin habang wala naman akong karea-reaksyon.
"Pare, ano bang sinagot sa'yo? Ikwento mo naman! Wihihihi." Benj.
Sinamaan ko muna sila ng tingin isa isa. Umirap ako kay Benj, "Tinawanan niya ko." Naglaho bigla lahat ng mga ngiti nila. "Kinurot pa 'yung pisngi ko." Dugtong ko.
"Ay, ganon." Benj.
"Awts." Kian.
"Aray ko beh." Clyde.
"Tinuturing mong negative 'yung pagtawa niya sa'yo?" Tanong ni XC habang nakatingin sa phone niya.
"Gago ka ba? Anong tingin mo 'dun? Positive?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Pero pwede na ring 'unidentified'" sabi niya nang wala paring tinag sa phone niya.
"Teka teka. Oo nga noh? Di naman porket tinawanan ka niya, ayaw niya sayo... kasi kung ayaw niya sa'yo, malamang sinampal ka niya. O di kaya nag-ew siya. Diba diba?" Benj.
Hay nako. Hindi ko na alam gagawin ko sa mga 'to. Masyado silang-- ugh.
"Oo nga naman. Galing mo bohosssz Xian Carl sutil." Sabay tapik ni Kian kay XC.
"May point. Bakit di mo ipaglaban?" Clyde.
"Anong ipaglalaban ko? Eh wala namang kami?" Pagkasabi ko 'nun, inangat ko 'yung middle finger ko at tsaka humiga ulit. Nagsiupuan naman sila sa tabi ko.
"'Yun na nga eh! Ipaglaban mo na magkaroon ng 'kayo'. Ayiieeee." Tinusok tusok pa ni Benj 'yung tagiliran ko.
Tinignan ko lang sila. Isa isa ulit.
Nagsisingisian nanaman ang mga gago.
"Teka, pano?" Tanong ko.
"Aysus pare. Hindi ka nga torpe, tanga ka naman! Hahahahaha!" Batok ni Kian sa'kin.
"Kingina mo pala eh." Hinila ko 'yung buhok niya.
"Oha, Ohaaa! Papalag si MisZxt3r SzUng!t kay D@rK 4n63L." Clyde.
Nginudngod ko naman 'yung middle finger ko kay Clyde.
"Tanga mo Ashton. Malamang, manliligaw." Sagot ni Benj sabay irap.
Ligaw? Lugaw? Langaw? Ligaaaw?
~
Sabawwwwwww hahahahahahaha
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.