4 - Jusko, House?!

73 4 1
                                    

Ang corny ng title hahahaha. Gets niyo?

Ashton's POV

Bigla nalang tumawag si Papa. Wow.

Ano kayang kailangan niya? Or ni Bret, maybe?

(Anak?)

"Po?"

(Nasan ka ngayon?)

Halatang walang pake to saken eh. Nagpaalam na ko sakanya na dito ako kay Benj, tapos-- Tsk. Nakakawalang gana talaga.

"Kay Benj."

(Saan?)

"Taguig."

(Good! Tignan mo nga naman.. Sakto...) Sakto? (Yung sinasabi ko sayong property na dati mo pa kinukulit sakin.. makukuha mo na.)

What property?

Ah. Naalala ko na. Matagal ko na siyang kinukulit. Sabi ko gustong gusto ko na talagang magsarili.

Ayoko nang makihati kay Bret.

"Anong meron?"

(Nakahanap na ko ng bahay at lupa na matitirhan mo. Pupunta ko diyan as soon as possible para dalhin ka don.)

Ah.

Wait.

Seryoso?

SERYOSOOOOO?!

(Ashton... still there?)

"Pa, seryoso ba to?"

(No time for jokes. Sige. I'll call you nalang. Maybe you can move next month. Pero pupuntahan muna natin next week para makita mo.)

*toot toot

Yun oh! Freeeedooooom!

Pakshet ang saya!

"Pre? Nyare sayo? Lawak ng ngiti mo?"

Hahahahaha! Kung alam mo lang pre. Hoooo!

Kezia's POV

Kinausap ako ni Dad kanina. Sabi niya lilipat na daw kami ng bahay.

Sabi ko "What if I don't want to?" Then, he slapped me.

Tapos nagsorry siya.

Lame, right?

Sabi niya aalis na daw kami next month kasi may notice na kami sa company na pinagtatrabahuhan niya.

Galing sa company yung bahay namin. Pati lupa. Provided na sa benefits niya sa trabaho.

Pero dahil nga he's fired, babawiin pati yung house. Aw. So sad. Pero as if naman na aalis ako diba?

They can't make me.

Hindi ako natatakot na makulong. Basura na naman ang buhay ko eh.

*beep

From: Faye
+639*********
Sistuur, tara mall! :* Hintayin kita dito sa bahay. Lavya

I took a shower and fixed myself. Tapos dumiretso na ko sa bahay ni Faye.

"Yaay! Dumating kaa!" Niyakap niya ko tsaka hinila papasok.

Pero hindi ko nagustuhan yung nakita ko.

Tumalikod ako at nagdirediretso palabas nang hilahin ako ni Faye. "Sis, nandito siya para makausap ka. Para magexplain."

Humarap ako sakanila. "Explain what? Na masyado akong tanga para hindi ko malaman na may namumuo sa inyo ng boyfriend ko? Ng EX boyfriend ko?"

"Sorry Kez. No, mali ka. Walang namumuo samen. It's just that una kong nalaman na hindi ka na niya mahal."

"In short, you lied to me."

"You never asked."

"Well, fuck you, Maddie!" I tried to leave.. but again pinigilan nanaman ako. But this time, ni Maddie na.

"Wag mong sayangin yung friendship natin sa isang lalaking sinaktan ka lang.. Kez, I know masakit but.. wala satin ang may kasalanan. Kaya hindi dapat madamay ang friendship natin.. Kez, I'm sorry for what I did. Hindi ko sinabi sa'yo kasi ayaw na ayaw kong masasaktan ka.. Alam mo yan.."

Hinarap niya ko sa kanya saka ako niyakap.

Then we both burst into tears.

~

"Ang daming nagbago sayo nung nawala si Anthony. Ang dami Kez! Nakakainis."

Nandito kami ngayon sa restaurant nila Faye. Kumakain, malamang.

"Tama si Faye. Grabeng laki ng pinagbago mo Kez."

Wala eh. Di niyo ko masisisi. Mahal ko eh.

"Wag mong idahilan na kesyo mahal mo. Leche." Okay. Alam na nila yung iniisip ko.

Inirapan ko sila. Tsaka sumipsip sa iced tea ko.

Pag naaalala ko, di ko talaga matanggap na iniwan ako ni Anthony ng ganon kadali. Nawala yung mga putanginang pangako niya.

Kapag naaalala ko siya nagfaflashback yung mga kasinungalingan niya.

Pero kasi.. mahal ko parin siya.

Bigla nalang akong naiyak sa harapan nila.

"Shh. Hoy wag ka nga! Iniiyakan mo 'yon? Isipin mo nga lahat ng pasakit na dala ng salot na yon sa'yo!"

Siya yung nagpasakit sakin ng malala.. pero mahal na mahal ko padin.

"Aba Kezia. Uso magsalita. Kinikimkim mo nanaman lahat eh!"

Habang binubungangaan ako ni Maddie, tapik lang ng tapik sa likod ko si Faye.

Si Anthony, yung lecheng 'yon.

Boyfriend ko siya for 2 years.

After nun anlaki ng pinagbago niya. Ewan. Parang bigla nalang siyang nagtransform. Nagiba narin tingin ko sa kanya.

Sinabi niya sa akin hindi na daw niya ko mahal. Wala daw siyang iba. Pero hindi na niya ko mahal.

Ansakit. Di ko yun matanggap nung una. Well, hanggang ngayon naman. Di ko parin matanggap.

Tapos nadagdagan pa yung pain nung nabasa ko yung conversation nila ni Maddie.

Alam na ni Maddie, bago ko pa malaman.

So inakala ko talaga, may relasyon sila.

Si Maddie at Faye naman, 4 years ko nang bestfriends. Marami kaming "tropa". Pero wala silang lahat ngayon. Nasa iba't ibang parte ng mundo.

"Makaka-move-on ka din sistuur." Sabay yakap ni Faye.

I hope so. I really hope so.

*kriiiiiiing

Daddy Calling...

"Excuse me lang guys ah." Lumabas ako para sagutin yung phone.

"Yes?"

(Go home. Pack your things. We're leaving.)

Fvck.

~

Home Sweet HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon