Ashton's POV
Nakakainis. Nakakabwisit. Papansin talaga tong si Bret. Akala mo siya yung bida. Pwe.
"Pa, bat ba kasi sinama mo pa yan?" Sinamaan ako ng tingin ni Bret. Tinaasan ko naman siya ng noo.
Mas matangkad yata ako sakanya noh. Mas matanda din. Pero parang hindi naman.
"Hayaan mo na. Minsan lang humingi ng pabor yang kapatid mo eh." Minsan? Minsan? Gaano kadalas ang minsan, Pa? Yak. Hahahahahah
"Sige pre. Una na kami. Salamat ah?" Sabay tapik ko sa balikat ni Benj. "Salamat sa Two months.. two weeks.. ten--"
Tinulak niya ko.
"Gago! Babalik ka pa dito mamaya! Hahahaha! Next month pa lipat mo. Wag kang hatdog!"
Ay. Hahahahahaha!
"KJ mo! Drama scene na sana eh! Mala-Kenji at Athena!"
"Sabi na nga ba bakla ka eh! Hahahaha!"
"Ano? Di pa ba kayo sasakay? Dalian niyo na."
Pasakay palang sana ako sa shotgun seat nang harangin ako ni Bret.
Dinilaan niya ko tapos tsaka siya sumakay.
Okay. NAPAKAISIP BATA TALAGA!
Sa likod nalang ako. Okay narin. Wala akong katabing engkanto.
Kakadating lang ni Papa.. AT ni Bret. Di ko talaga maintindihan kung bat kailangang sumama niyan eh! Papansin kahit kailan. 17 na siya pero 7 years old kung umarte.
Pumunta sila dito para puntahan namin yung bahay na sinasabi ni Papa. Titignan palang naman.
Sinabi sa akin ni Papa na may nakatira pa daw dun, aayusin nadin daw nila para makalipat na ko.
Mansyon DAW eh.
Kasing mansyon ba nung bahay ng kaibigan ni Benj na sobrang sungit at akala mo maganda? Ganun gusto kong bahay eh. Napakaganda kasi. Classy.
Nagingay nanaman si Bret. Pinagmayabang niya yung mga pinuntahan nila ni Papa NA HINDI DAW AKO KASAMA.
"Nagpunta kaming baguio sa bahay nila agnes.. yung HINDI KA KASAMA."
"Andaming strawberries.. ang asim pero ang sarap.. dun sa pitasan dun kami kumain.. yung HINDI KA NAMIN KASAMA."
"Sumakay din kami ni Papa sa kabayo.. yung HINDI KA NAMIN SINAMA! HAHAHAHAHAHAHA"
Narindi na ko sa pinagsasabi niya kaya kinuha ko yung earphones ko, sinalpak ko sa tenga ko. Pinlay yung music. Tinodo yung volume. At tsaka pumikit.
Nakatulog ako buong byahe.
~
Saglit na saglit lang naman yung byahe kaya nabitin yung tulog ko. Ansakit tuloy ng ulo ko.
Pagkababa ng kotse, nakita ko yung bahay ni Kezia-akala-mo-maganda. (Pinakilala siya ni Benj sakin nung araw na binugahan ko siya ng hot sauce! Hahahaha) Anak ng-- wag nyong sabihing magiging kapitbahay ko yan!
"Eto na." Nakangiting sabi ni Papa.
Lumingon lingon ako. "Saan?"
"Eto!" Tinuro niya yung malaking mansyon sa harap ko.
Seryoso ba to?
"Oo na pa, maganda nga yan! Pero asan na nga?"
Umiling lang siya tsaka nagdirediretsong pumasok.
Sa bahay nung Kezia. Kezia-akala-mo-maganda.
Pucha!
Hinila ko siya. "Pa! Baka nagkakamali kayo! Makakasuhan pa tayo ng trespassing niyan eh!"
"Tumigil ka Ashton. Sumunod ka nalang at manahimik ka diyan."
Ginawa ko nalang yung sinabi ni Papa. Bahala siya pag nakasuhan siya diyan. Tigas ng ulo.
Pinindot ni Papa yung doorbell. Mga tatlong beses. Tsaka may lumabas na isang lalaki.
Ang haggard ni Koya.
"Good afternoon, Sir." Nagshakehands sila. "Come in."
Seryoso ba toooo?! O nagkakamali lang ako? Baka kaparehas na kaparehas lang to ng bahay ni Kezia-akala-mo-maganda (sorry. Consistent akooo! Hahaha)
Pinaupo niya kami sa sala.
Ang ganda talaga ditoooo! Pero itong ito talaga yung bahay niya eh!
Tinawag nung lalaki yung maid nila tsaka inutusan kumuha ng kape.
Pagbalik nung maid, may dala na siyang hatdog. Joke! Kape pala. Kape. Hahahahaha!
Humigop ng kape si Papa. "So, makakalipat na ba kayo as soon as possible?"
"Uhm.. please give us time sir.." napayuko siya. "I seem to have a huge problem with my daughter."
"Masyado nang matigas ang ulo niya. Hindi ko na siya macontrol.." ngayon, hinawakan niya naman yung sentido niya. Halatang pagod na pagod na siya.
"Hijo, hindi naman kasi kinocontrol ang mga anak." Napatingin ako kay Papa.
Kaya pala, Pa. Kaya pala.
Tumingin yung lalaki kay Papa. "Mr. Cassio, hindi ko na po alam ang gagawin sa anak ko."
Sandali, hindi kaya yung anak na tinutukoy niya.. ay si..
"Dad?!" Napatingin kaming lahat sa kanya. "What's happening?"
Tumayo yung lalaki. "Kezia, sila na ang magmamay-ari ng bahay. You see--"
"DO I LOOK LIKE I GIVE A FUCK?!" Napaka talaga nitong babaeng to. Pati tatay niya.. nako.
"YOU CAN'T MAKE ME LEAVE!" Sigaw niya tsaka tumakbo pabalik sa itaas.
Napasapo ng noo yung lalaki. Tumayo naman si Papa at lumapit sa kanya.
"Mr. Ledesma, how about we make a deal?"
Napatingin siya kay Papa.
"You can live in this house. Until she's ready. Pero.." tinignan niya ko. "My son will be living here too."
Nanlaki yung mata ko sa mga sinabi ni Papa.
ANO DAAAAAW?!
Tinignan din ako ni Mr. Ledesma. Napabalik naman ang tingin niya kay Papa. "Pero sir, I can't.. Kailangan ko hong magtrabaho para samin ni Kezia. And.. yung bagong trabaho na nahanap ko, malayo po dito."
"Then, leave her."
Napatayo ako.
"I'm sure, wala namang gagawing masama ang anak ko sa kanya." TEKA. ANO TO?! "Halika muna sa labas. Let's talk about this."
Lumabas sila at naiwan akong nakanganga. Si Bret, tumatawa tawa pa.
"Choosy ka pa! Ang ganda nga nung babae eh! Kasama mo yun araw araw! Gusto mo, palit tayo." Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Seryoso ba to?! Nangyayari ba talaga to?!
~
Kezia's POV
Kinausap ako ni Dad. Sabi niya sakin hindi na daw ako aalis ng bahay. Such a relief.
Pero sabi niya, ako lang daw ang hindi aalis. Kailangan niyang pumunta ng davao dahil nandun yung bagong business na tinayo nila ng mga kasosyo niya.
Okay lang naman saken. Mas masaya nga 'yun eh. Wala na yung ama kong-- ugghh.
Now, I have freedom.
~
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! DITO PALANG NAGSISIMULA ANG KWENTOOOO! MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.