3 - That thing called Punyeta

107 4 2
                                    

Ashton's POV

Ngayong araw na to uuwi si Benj. Parang tanga sabi ko wag na muna siya umuwi eh. Kaso mapilit ang gago.

Uwing uwi na.

"Bro, sana naman sa susunod tagalan mo dito, noh?"

"Pakyu. Matatagalan pag balik ko."

"Mangungulila nanaman ako sa'yo. Ilang taon akong nagtiis.."

Tignan mo to. Di pinapansin yung drama ko.

"Pupunta ka lang dito pag may patay?"

Tumawa siya. "Gago."

"Ano? Papatayin ko na ba si Bret para di ka na umalis?" Binato niya ko ng unan.

Tangina talaga nito. Akala niya nagbibiro ako. Papatayin ko talaga yun.

Pero nagbibiro naman talaga ko. Peace hehe.

"Sumama ka nalang."

Ay. Oo nga noh?! Pucha bat di ko naisip yun?!

Tumayo ako para magimmapake na sana. "Joke lang uy!" Napahinto ako.

Pinakyu ko siya gamit daliri ko. Tapos dumiretso ako sa kwarto ko. Kukunin ko na mga gamit ko.

"Uy gago, seryoso ka?!" Pumasok siya sa kwarto ko.

"Oo. Sa wakas! Makikita ko na yung unit mo! Hooo!"

Parang ayaw niya kong isama pauwi. Pero asa namang magpapapigil ako. Hahahaha!

~

Pagkadating sa unit nya, humiga agad ako sa pagod.

"Aalis muna ko ah. May pupuntahan lang!"

"Huh? Uy uy! Kakarating lang natin!" Hinila ko siya pabalik.

"Hindi nga pwedeee! Basta."

"Sama nalang ako!"

Tinignan niya lang ako. Tsaka nagdirediretso palabas. Sumunod naman ako agad sa kanya.

Habang nasa kotse, inatake ako ng gutom.

"Pre, 7/11 muna tayo."

Umirap siya. Teka. Bat ba ang init init ng dugo neto ngayon?!

"Nagmamadali akoo. Ikaw nalang bumaba."

Maya maya hininto niya yung kotse sa tapat ng 7/11. Halatang nagmamadali si Benj kaya binilisan ko narin.

Magha-hatdog nalang ako!

Lumapit agad ako sa hotdog station. Kumuha ako ng bun tsaka hotdog.

Wait. Nasan yung hot sauce?

Yun!

Bigla nalang may babaeng lumapit sakin.

Actually, sa tingin ko sa station talaga ang pakay niya. Hindi naman sakin.

Pero nakatitig siya sakin. Kaya nakipagtinginan muna ko sa kanya.

Tinaasan niya ko ng kilay. Aba't--

Tsaka ko napansin na may hawak din siyang hatdog.

Hinihintay niya lang pala yung hot sauce.

Tinry kong ibuhos yung hotsauce sa sandwich ko pero ayaw niya.

Kingina neto. Pahirap pa.

Kitang nagmamadali na ko eh.

Napansin kong naaatat na yung babae.

Kaya nilabas ko na yung buong kapangyarihan ko sa hot sauce na to.

1..

2..

3!

*PRRRRTTT

"WHAT THE FUUUUUCK?!" sigaw nung babae.

"Shit! Sorry miss! Sorry!" Pupunasan ko sana yung dibdib niya pero umatras siya at hinarang yung kamay niya.

"Sorry?! Tignan mo yung ginawa mo!"

Alam ko. -_- Nakikita ko naman.

Bat ba ang iinit ng dugo ng mga tao ngayon?!

"UUGGGGHH!"

Umalis agad siya sa harap ko. Inutusan ko eh. Dejoke. Sa sobrang inis. Hahahahahahahahaha!

Tawa ka pa. Nakapurwisyo ka na nga. Masama yan.

Inubos ko muna yung hatdog ko. Oo. Inubos ko muna yung hatdog ko. Tsaka ako bumalik sa kotse.

"Tagal ah?" Nginitian ko lang siya. Yung pakyut. Kahit kyut na naman na ko.

~

"Pre, ano ba kasing ginagawa natin dito?"

"Sumama sama ka eh. Papakilala nadin kita sa isa ko pang bestfriend."

"Uy Benj! Akala ko ba ako lang?" Tinawanan niya lang ako tsaka siya nag doorbell.

Ang ganda nung bahay.

Ganto yung bahay na gusto ko eh. Ang ganda talaga.

Maya maya may lumabas na babae sa pinto.

Isang babaeng nagpupunas ng dibdib niya.

Nagkalakihan kami ng mata.

Shit.

Punyeta.

~

Destined sila! Hahahahahaha lol. Sorry kung minadali. Ready na naman yung chapters 4-5 eh! :*

Home Sweet HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon