Konting kembot nalang ang storyang 'to. Malapit nang matapos. Part two? Sequel? Depende. :)
Kezia's POV
Tapos na. Oo. Ganun kabilis. Di ko alam. Parang minadali ko lang lahat. Ayokong balewalain lahat ng pagod namin pero nag-aalala talaga ako kay Faye.
Last portion 'yung Question & Answer. Pagkatapos na pagkatapos 'nun, dumiretso kaagad ako sa backstage. Nandun sila. Inaalalayan si Faye.
Umiiyak pa'rin siya.
Lumapit agad ako sa kanila. "Ano bang nangyari kanina?" Bungad na tanong ko.
Walang sumagot. Pinapaypayan nila si Faye habang umiiyak pa'rin.
"Nag-aalala din ako kay Faye. Sagutin niyo naman ako."
Nasa likod ko lang si Ashton habang hinihimas 'yung likod ko. Napatingin ako sa kanya.
Lumapit sa'kin si Ericca pagkatapos nilayo ako sa kanila at tsaka niya kinuwento sa'kin 'yung nangyari.
So, ayun nga. Nalaman ko ang inaasal ni XC. Tapos ngayon, nawawala pa siya. Ganon ba talaga siya kaduwag? Pano nila 'to maaayos kung tatakasan niya lang.
Napalingon ako, at nakita ko naman agad si Alex kasama si Shane. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Nasan si Cassandra?" Tanong ko sa kanila.
Oo, medyo maangas 'yung pagkakatanong ko. Hindi nila ko masisisi. Naiinis ako sa kaibigan nila.
Tinaasan agad ako ng kilay ni Shane. Magsasalita na sana siya nang pigilan siya ni Alex.
"Walang kasalanan dito si Cassandra. Kaya wag kang umasta na parang siya ang dahilan ng pag-aaway 'nung dalawa." Palaban na sabi ni Alex.
"Walang kasalanan? Sabagay. Hindi nga naman kasi kasalanang maging malandi. Hindi naman kasalanang maging makati. At mas lalong hindi kasalanang makasira ng relasyon." Kumunot 'yung noo niya sa sinabi ko.
Nagtantsahan kami ni Alex ng tingin. Naramdaman na ng iba sa backstage 'yung tensyon na namamagitan sa'min. Kaya naman hinila agad ako ni Blue.
"Kumalma ka, okay? Wag mo masyadong isipin 'yon. Kaya ni Faye 'to." Paalala sa'kin ni Blue.
Tumango naman ako.
"Blue, umuwi na muna tayo." Sabi ko.
"Pa'no sila?" Tanong niya.
"Kaya na nila 'to. Diba sabi mo?" Nahihilo na kasi talaga ko. Parang... babagsak ako kahit anong oras.
Sumandal ako sa didib ni Blue. Bigla nalang akong napapikit. Kinapitan niya ko. Pagkatapos, umalis na kami. Bago 'yun, narinig ko pang nagpaalam siya sa barkada.
Pagdating sa bahay, dinala niya agad ako sa kwarto para daw makapagpahinga na ko. Sinunod ko naman siya kaya natulog ako.
Ashton's POV
Halatang nagaalala si Jason kay Faye. Ako din naman nag-aalala. Sabi ko na nga ba eh. Akala ko si Faye na ang makakapag-patino kay XC. Mukhang mali pa 'yata ako.
Isa pa, nag-aalala din ako kay Jason. Madami na nga siyang inaalala, pagod pa siya. Kamusta naman 'yung katawan niya diba? Nako.
Di nalang ako makikisali sa problema nila XC. Bahala sila. Ayusin nila 'yon. Mag-usap sila.
Habang natutulog si Jason, naisipan kong ibili na muna siya ng makakain sa labas. Pumunta muna ako ng 7/11.
Kinuha ko siya ng chocolates, Ice cream pati sandwiches para may lakas siya pagkagising niya. Mas gaganahan siya sa chocates at Ice cream. Hahaha.
'Nung nabayaran ko na yung order ko sa counter, aalis na sana ko. Kaso, bigla akong hinarangan ng isang babae...
Si Alex.
"Uy! Asht. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa'kin.
"Ah, wala. Eto, binilhan ko lang ng pagkain si Jason." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Eh ikaw?" Tanong ko pabalik.
"Bumili lang nito." Inangat niya 'yung hawak niyang plastic. Alak?
"Samahan mo muna ko." Napaisip naman ako sa alok niya. Baka kasi magising na si Kezia 'dun eh. "Please." Dugtong niya. Kaya naman pumayag na'rin ako.
Kaibigan ko 'din si Alex. Ayokong isipin niyang awkward ako sa kanya.
Naghanap kami ng pagpupwestuhang lamesa. Nakahanap naman kami kaagad.
"So, bakit ang aga niyong umuwi?" Tanong niya sa'kin.
"Nahihilo na kasi si Kezia." Matipid na Sagot ko. Medyo gusto ko naring matapos 'to kasi nga baka gising na si Kezia.
"Ahh," Naalala ko 'yung muntikan nilang pag-aaway ni Jason kanina. Kaya siguro ayan. Medyo awkward rin siya.
"Sige. Mauna na ko Alex. Si Kezia kasi. Baka gising na 'yun." Sabi ko. Tatayo na sana ko kaso bigla bigla siyang nagsalita.
"Ashton, pwede bang kahit ngayon lang... ngayon lang naman. Sa oras na 'to mismo... 'wag mo munang banggitin si Kezia? Please." Naluluha 'yung mata niya habang sinasabi niya 'yan. Ibig sabihin, hindi pa siya lubusang nakaka-move on.
Umiling ako. "Mauna na ko." Naglakad na ko palabas pero hinabol niya ko.
Hinawakan niya 'yung braso ko nanaging dahilan para mapahinto ako.
Umiiyak na siya.
"Wala ba talagang pag-asa sa'kin? Wala ba?" Humahagulgol niyang sabi.
Inalis ko 'yung kamay niya sa braso ko.
"Sorry Alex. Alam mong mahal na mahal ko si Kezia. Walang ibang may pag-asa sa'kin kung hindi siya... Pasensya ka na Alex. Pero buong pag-asa ko, nasa kanya na."
Lalong lumakas ang hagulgol niya dahil sa sinabi ko. Wala na kong pakialam. Kinausap ko na siya. Sapat na 'yung isang beses na pinaliwanag ko sa kanyang wala akong nararamdaman para sa kanya.
At hindi ko kailangang ulitin ng ilang beses ang sarili ko para lang ipaliwanag sa kanya na hindi ko siya mahal.
~
LAST TWO CHAPTERS MAYBE? TAS GAGAWA AKO NG BAGONG STORY. WIHIHIHIHI.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.