13 - Vacation over

37 3 0
                                    

Ashton's POV

Konti nalang pala, ilang araw nalang, pasukan nanaman. Tapos na ang bakasyon.

Sa totoo lang, walang kwenta 'yung bakasyon ko! Hahahahahahaha! Ramdam kong walang kwenta.. pero naging masaya ako.

Ang gulo. Pero parang ayoko pa talagang pumasok eh. Babalik nanaman ako sa dati kong school? Atleast, kasama ko si Benj.

"Hoy Kezia. San ka magaaral?" Tanong ko sakanya.

"Di ako nagaaral."

Weh? Dinga? Ang galing galing niya magenglish tapos di siya nagaaral?

"San ka natuto magenglish?"

"Habitat. Moron."

Busy siya sa pinapanood niya kaya ganyan kasungit. Ay hindi. Kahit naman hindi busy, napakasungit niyan eh.

"Kezia, bakit ang sungit mo?"

Tinignan niya ko tapos kumunot yung noo niya.

"Bakit? Hindi mo ba napapansin na ang taray taray mo? Sino ba nanay mo?"

Pinatay niya yung pinapanood niya, pagkatapos, humarap siya sa'kin.

"Gusto mo talagang makilala mom ko?" Tumango ako. Yung hindi siguradong tango.

"Wait lang ah?" Nawala ata yung kasungitan niya? Gumaan bigla yung loob ko.

Umalis siya sa pwesto niya. Mga ilang minuto nung bumalik siya. May dala na siyang... KUTSILYO?!

"Sure. Magkakakilala na kayo ng mommy ko. Kaso nga lang, sorry ah? Kasi di ako makakasama, ikaw nalang magpakilala magisa sa mom ko..." sabi niya habang tinititigan yung kutsilyo.

"Asan ba mommy mo?" Kinakabahan kong tanong.

Inalis niya yung tingin sa kutsilyo at tumingin sa'kin. "Andun. Sa libingan niya."

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" At dun na ko nagsimulang tumakbo.

Nagsigawan kami habang nagtatakbuhan at naghahabulan... SA BUONG BAHAY.

"MASUNGIT PALA AAAAH!"

"MASUNGIT KA NAMAN TALAGA AAAAH?!"

"MAY MASUNGIT BANG NANANAKSAK?!"

"KILLER TAWAG DON! PERO MASUNGIT KA PAREN! WAAAAAAH!" Nagpapatintero kami ngayon sa sofa. Kingina naman oh. Nakakatakot siyaaaa!!!!!!

"SASAKSAKIN NA KITA PARA WALA NANG MAGSUNGIT SA'YO KAHIT KAILAN!"

Puta naman ooohhh!

Tumakbo ko sa kusina at hinarang naman yung lamesa. "PAG NAWALA AKO, WALA KA NANG GWAPONG HOUSEMAAAATE!"

"PAKYU!" Ang lutong nun ah?! "PAG IKAW NAWALA, WALA NANG ULUPONG SA BUHAY KO! MAS MASAYANG MAG-ISA!"

Nilusutan ko siya tsaka dumiretso paakyat sa kwarto ko. Pakshet. Ang creepy talaga ng babaeng 'yon!

Nagtago ako sa gilid ng cabinet ko. Oo na! Isip bata na! Pero kaseeee ayokong-- waaaaah! Kahit alam ko na hindi naman ako kayang patayin nito.. natatakot paren ako!

"WAG MO KONG TAGUAN! PAG NAKITA KITA, BABALATAN TALAGA KITA!"

Narinig ko na yung mga yapak niya na pumasok sa kwarto ko. Napa-sign of the cross nalang ako

"Masungit pala ha." Rinig kong bulong nya. YUN PARIN BA YUNG PINUPUTOK NG BUTSI NIYA?! YUNG TINAWAG KO SIYANG MASUNGIT?! JUSKOOOOO!

Nakita kong papalapit na siya sa kama ko.

Nung hinahalughog niya na yung kama, lumapit ako sakanya at hinablot siya. Backhug.

"BITAWAAAAAN MOOOOO KOOOOOOO!" nagpupumiglas siya. HAHAHAAHAHAHAHAHAHA.

Hinugot ko yung kutsilyo sa kamay niya na napansin kong.. laruan lang pala. binato ko 'yon sa sahig.

"Lakas ng loob mo ha." Sabi ko habang tumatawa.

"Walangya ka! Manyaaak!" Natatawa narin siya.

Hindi parin ako bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya. Grabe! Para siyang kiti kiti.

Pagbwelo niya, tumumba kami sa kama.

"LET. ME. GO!" Tsaka niya ko siniko sa tiyan.

Pero hindi ko parin siya binitawan.

Kiniliti ko siya para medyo manghina siya. SUCCEEEEEEEESS! WAHAHAHAHAHAHA

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Pagpupumiglas pa niya.

"ANG TIBAY MO AH!" sigaw ko tsaka ako lumuhod at kiniliti siya lalo habang nakahiga.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

*BLAG

Napahinto kaming dalawa.

"Shet" gulat na gulat na sabi ni Benj.

~

Benj's POV

So, enrollment na pala. Oo. Actually, pwede pa namang magenroll bukas. Pero, mas trip kong magenroll ngayon.

Pumunta muna kong KFC para bumili ng makakain. Pagkatapos, dumiretso ako sa bahay nila Ashton. Para sabay sabay na kaming mag-enroll.

Pagdating ko sa bahay nila, napansin kong bukas 'yung pinto. TIGNAN MO TONG DALAWANG TO! HINDI NA TALAGA NADALA!

Nagdire-diretso nalang ako sa loob.

Shet. Anong nangyari dito?! Ang kalat. Tapos 'yung sofa nila, grabe. Sobrang gulo.

Parang may dumaang ipo-ipo. Punyeta. Pagsilip ko sa kusina, kalat yung mga pagkain sa sahig, at yung lamesa, nakatumba na.

Kinabahan ako bigla.

Baka kung ano nang nangyari 'dun sa dalawa.

Nakarinig nalang ako ng sigawan galing sa taas. Nagmadali akong umakyat at sinundan 'yung ingay.

PUNYETA. Nabitawan ko 'yung hawak ko. Napansin nila 'yon. Kaya napatigil silang dalawa.

Tama ba yung nakita ko?! Totoo ba 'yon?! NAG-AANUHAN BA TALAGA SILA?!

"Shet" sabi ko.

~

Next chapter, lalabas na 'yung mas maraming characters. Hahahahaha!

Home Sweet HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon