Kailangan masakto sa 24 'yung "EX"?! Ehem ehem @asdfghjkloink
Ashton's POV
Ayokong isiping baka ganun na nga. Pero pano kung ganun na nga? Anong gagawin ko kung ganun?
"Ayusin mo nga! Marami tayong kakain, bakit tatlong kanin nilagay mo dyan sa pinggan?" Sita sakin ni Kezia.
Bigla naman akong nagising sa katotohanan at inayos 'yung ginagawa ko.
"Sorry, sorry." Pagpapasensya ko.
"Huy! May problema tayo!" Nagulat nalang ako sa biglang pagsulpot ni Benj. Napaharap naman kaming parehas ni Kezia sa kanya.
"Huh? Ano?" Tanong ni Kezia sa kanya.
"Si Alex!" Parang problemadong problemadong sabi ni Benj.
"Hindi niya kabisado 'yung table of elements!"
"Ooh. Tsk tsk." Sabi ni Kezia at tsaka bumalik sa ginagawa niya kanina.
"At tsaka sooooobrang hirap din niyang turuan. Mamamatay na ata ako." Bigla nalang ring pumasok si Ericca sa kusina.
"Oh, eh pano to?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hindi pa talaga namin alam." Iling ni Benj.
Napalingon naman ako kay Kezia nang narinig kong naghu-humming siya.
Mahihirapan nga kami kay Alex. Pano na 'to?
Maya maya pumasok si Alex sa kusina, "Guys! Una na muna kami ah? Uh, may gagawin pa kasi kami sa school." Paalam ni Alex. Oo nga pala, may club kasi sila sa school.
"Di narin kami makakasabay maglunch. Ah, una na kami! Bye Asht.. on." Pagkasabi niya nun, tumingin siya kay Kezia.
"Sige bye! Ingat kayo." Sabi ko naman.
Tumango naman siya at tsaka umalis na.
Nung nawala na si Alex, "Call them na. Ready na 'yung food." Utos sa'kin ni Kezia.
"Ako na, ako na!" Presinta ni Ericca. Lumabas siya at tinawag nga sila.
Nagtatawanan silang pumasok sa kusina. Pero napahinto sila nang makita ang problemado naming mukha.
"May problema ba?" Tanong ni Faye.
"Malaking problema." Sagot naman ni Benj.
Kumuha na sila ng kanya kanyang upuan. "Bakit, anong nangyari?" Tanong ni Kian sabay inom ng tubig.
"Bobo kasi si Alex." Sabi ni Ericca.
Tumawa naman silang lahat. Muntikan pang mailuwa ni Kian 'yung iniinom niyang tubig. Yak. Hahahahaha.
"Anong ibig mong sabihin?" Natatawang tanong ni Faye.
"Sobrang hirap niyang turuan. Mukhang mahihirapan tayo sa question and answer portion." Paliwanag ni Ericca.
Nagsimula na kaming kumain habang naguusap-usap.
"Ouch. Pano na 'yan?" Malamyang tanong ni Clyde.
"Edi gumawa tayo ng device na nakakabit sa tenga niya tapos tayo 'yung sasagot sa tanong sa kanya." Pagmamalaki ni Kian sa plano niya.
"Wow, Scientist." Pangaasar ni Clyde.
"Bakit ba kasi hindi nalang si Kezia 'yung pinili natin?" Lahat kami napatingin sa sinabi ni Maddie.
"Oo nga naman. Maganda si Kezia. Plus lagi siyang highest sa science." Dugtong ni Faye.
"Oo nga! Bat nga ba kasi hindi?" Tanong ni Ericca.
"Bakit hindi?" Tinignan nila kong lahat pagkasabi ko nun.
"Agree 'yung escort! Ipush na natin si Kezia!" Sigaw ni Kian.
Nagingay silang lahat.
"Shh. Nasa hapagkainan kaya tayo." Saway ni Kezia.
"Basta Kez, ikaw na ah? Yie." Pangaasar ni Clyde.
"Teka. Ano bang loveteam niyo ni Ashton? Ashton and Kezia.. Keton.. Ketong! HAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan din silang lahat sa sinabi ni Kian.
Natawa nalang si Kezia.
Ayan nanaman.. yung ngiti niya.
Kezia's POV
The next day, sa school, wala kaming nakitang Alex. Excused silang tatlong magkakaibigan dahil sa club chuchu nila.
Nung tinanong kami ni Ms. kung sino na ang pambato ng grupo namin, sinabi naming ako at tsaka si Blue.
Mas madaling sabihin kasi wala yung Alex. Walang malantod na makereng tuod na hitad.
"Anyway, magkakaroon ng meeting ang mga pambato dito at sa isa pang section. Ms. Eser, Mr. Caguisa, Ms. Ledesma and Mr. Cassio, pumunta kayo sa Science department after class. That's all." Mrs. Kabe.
At sinunod nga namin ang sinabi ni Miss. After class, pumunta kami sa Science department.
Pagkadating namin sa Science department,
Parang pinagsisisihan ko na na sumali pa ko dito.
"Kezia?"
"A-Anthony.."
~
Ang EGGS. Este, EX. Bow.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.