Kezia's POV
Napansin kong unti-unting nawawala 'yung boys. Isa isa silang tinatawag at nagsisiakyatan sa taas.
"Ano kayang meron 'dun sa taas? Bakit nagsama sama ang boys?" Tanong ni Maddie habang busy sa laptop.
Gumagawa na kasi kami ng plans para sa project namin. Yeah, masisipag kami eh. Haha!
"Baka nanonood ng porn?" Hula ni Ericca habang kumakain siya ng chips.
"Ericcaaaaa?" Sabay sabay naming saway sa kanya.
"Ay, oo nga pala puro babae tayo dito. Hehe. Gusto niyo?" Sabay abot niya ng chips.
Natawa nalang ako at napailing.
"Ikaw Kez? Any idea?" Tanong sa'kin ni Faye.
Nginitian ko lang sila.
"Alam niyo, may napapansin talaga ko kay Kezia eh. Anong meron Ms. Beautiful?" Maddie.
"Oo nga, iba talaga 'yung ngiti mo ngayon Kez. Plus blooming ka. Asan na 'yung masungit na Kezia? I'm kinda missing her! Joke! Hahahahaha!" Puna ni Faye.
"OP ako. Okay lang sanay na ko." Ericca.
Ngumiti lang ako at tsaka sinenyasan silang tatlo na lumapit sa'kin. Iniwan nila lahat ng ginagawa nila at nagmadaling lumapit sa'kin.
"Omg, sabi ko na nga ba may something eh!" Sabi ni Maddie habang kinikilig.
"Shh, wag ka nang maingay. Tuktukan kita diyan eh." Inambaan ni Ericca ng batok si Maddie. Haha!
"So, ano na nga? Chika na dali." Pangaatat ni Faye.
Umayos muna ako ng upo, ginaya naman nila ko. Ehem ehem.
"Well, guys ganito kasi..." ngumiti muna ko. Sandali kinikilig kasi ako eh! Hahahaha!
"Mamaya ka na kiligin! Tirisin kita dyan eh! Tignan mo." Hard pero kinikilig na sabi ni Ericca.
Lahat sila nagngitian sa'kin. Nababasa na ba nila? Hahahaha okay.
"Well, ganito kasi... uhm, anong gagawin niyo kung sa kaling merong guy na umamin sa inyo that he likes you... pero nung moment na 'yun, hindi mo pa alam ang isasagot sa kanya. So, you just laughed. Pero a while ago, you realized kung ano na 'yung isasagot sa kanya. Anong gagawin niyo ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Akala namin magchichika ka?" Faye.
"Oo nga, bakit naging Who wants to be a millionare 'to?" Maddie.
"Yah, wala man lang bang choices?" Ericca.
"Yun kasi 'yung sitwasyon ko ngayon guys." Sabi ko.
Nagsilabasan ang mga ngiti nila. Nagsilakihan ang mga mata at lalong lumapit sa'kin.
"Umamin sa'yo? Tinawanan mo? Tapos 'nung alam mo na 'yung isasagot mo, hindi mo alam kung pano?" Sunod sunod na tanong ni Ericca.
Dahan dahan nalang akong tumango.
Sabay sabay naman silang napahawak sa bibig nila. Tsaka isa isang umiling.
"Nako, patay tayo dyan." Iling ni Ericca.
"Ikaw naman kasi! Bakit huli na nung narealize mo?!" Nanghihinayang na tanong ni Maddie.
Kasi hindi ko pa naman talaga alam. Ilang minuto pa pagkatapos ko siyang iwan sa labas, tsaka ko nalaman kung ano ba talaga.
Naisip ko kasing... siya 'yung dahilan kung Pano ko nagawa 'yung ginawa ko kay Anthony 'nun. Siya 'yung dahilan kung pano ako nakamove-on.
Hindi lang 'yun... naalala ko rin 'yung mga panahon na napapatitig ako sa kanya. 'Yung mga panahong bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakadikit kami. Di ko alam, 'yun na nga siguro 'yun.
"Bakit? Hindi pa naman huli ang lahat ah? Sabihin mo!" Naeexcite na sabi ni Faye.
"Oo nga naman! Tama! Galing mo talaga Pey!" Tuwang tuwang sabi ni Ericca sabay batok kay Faye. Kinurot naman ni Faye si Ericca sa tagiliran. Nagtawanan sila.
"Hahahaha! Teka nga, teka. Sino ba 'to ha?" Maddie.
Tinitigan nila ko. Ngumiti naman ako. Sabay sabing,
"Yung baby blue ko."
~
Gabi na. Nagsialisan na silang lahat, halos wala naman kaming nagawa dahil puro daldalan lang kami.
"Blue, matutulog na ko ah?" Sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya.
Umakyat na ko sa taas pagkatapos kong maligo at magayos ng sarili. Humiga narin ako sa kama ko.
Nang biglang may nagbukas ng pinto. Napabangon naman ako.
"Oo nga pala, aalis tayo bukas pupuntahan natin daddy mo. Tsaka daddy ko narin.. Ibig kong sabihin, Papa ko... para ipapirma 'yung form." Pahinto hinto niyang sabi. Ang cute lang kasi hindi siya makatingin sa mata ko tapos tinatry niya pang maging masungit! Hahahaha.
Nginitian ko siya tsaka ako tumango.
Sinara niya na 'yung pinto. Humiga naman ako ulit sa kama ko.
Nang bumukas nanaman 'yung pinto.
"Oo nga pala, liligawan na kita. Sige. Bye."
Pagkarinig ko ng sara ng pinto, nagtago agad ako sa kumot at pinanggigilan 'yung unan ko.
O.M.G.
~
Urgh urgh urgh hahahahahaha!
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.