Ashton's POV
2:00 AM at gising pa kami ni Kezia. Movie marathon and some midnight snack.
"Project Almanac" yung pinapanood namin. Sobrang cool nito. Sinubukan nilang sundin 'yung blueprints na iniwan ng Daddy nung bida. Para makagawa ng.. time machine. Oo . Time machine.
Habang nanonood, walang kumikibo sa'ming dalawa. Parehas kaming busy.. sa pinapanood namin. At sa kinakain namin.
Okay, okay. Kahit na, gusto kong magsimula ng conversation, hindi ko magawa. Kasi.. alam ko namang away lang ang ending nito.
"I wish, I can also have a time machine." Nabasag 'yung silence. Finally. At hindi ko inakala, na siya pa talaga ang unang magsasalita. Wow.
Pero wait. Gusto nya daw ng time machine?
"Ano namang.. rason?" Tinanong ko siya.
"Obviously, to time travel."
"Sa future? O sa past?"
"Past." Maikling sagot niya.
"Past? Pero mas masaya kung sa future diba? Bakit past?"
Bago niya ko sagutin, pinause niya muna 'yung pinapanood namin.
"Kasi may gusto akong balikan.. if possible, gusto kong baguhin." She looked at me. Then, smiled. A sad one.
"Ano?" Di na ko umaasang sasagutin niya pa. Pero I took the risk. Curious ako eh.
"Gusto kong balikan 'yung mga panahong masaya pa ko. 'Yung mga panahong.. nagmamahal lang ako.." Pinipilit niya paring ngumiti. Kahit nangingilid na 'yung luha niya.
"Tapos.. gusto kong baguhin 'yung panahong.. nasaktan ako.. ng sobra." Dun na siya umiyak ng todo.
Lumapit ako agad sa kanya at niyakap siya.
"Shh. Shh." hinayaan ko siyang yakapin ako. At umiyak sa dibdib ko.
Kahit na lagi kaming nagaaway nito, babae parin siya. Tao parin siya. Nasasaktan. Nahihirapan.
Kailangan niya ngayon, yakap.
Para maramdaman niyang, may tao sa paligid niya. Sasalo sa kanya. Sa mga oras na nahuhulog na siya.. sa sobrang sakit.
"Hahaha! Enough drama!" Inayos niya ang sarili niya. Kinuha 'yung remote. Tsaka pinlay 'yon.
Tinuloy namin 'yung panonood. Mas naging focused na siya sa panonood kaya, ako na rin.
Nung natapos 'yun, pinatay niya na 'yung TV. Sumandal siya sa couch at bumuntonghininga.
"Nice movie." Sabi nya.
"Buti tinapos natin noh?"
Tinignan niya ko. Tsaka siya tumango.
"Ano? Gugustuhin mo pa bang mag-time travel?" Kumunot 'yung noo niya. "Tignan mo kasi 'yung nangyari kay Cris.. nung ginusto niyang bumalik. Nung may binago siya sa nakaraan."
Nakatingin lang siya sa'kin.
"Diba, nasira niya lahat?.. nagulo niya."
Yumuko siya, "Gusto niya lang naman ng second chance..."
"Oo, 'yung second chance na naibigay sa'kanya. Nagtagumpay siya. Pero ano? Marami siyang nasira.. maraming nagulo."
Hindi na siya nagabalang sumagot pa. Nanahimik nalang siya at pinakinggan lahat ng sinabi ko.
"Alam mo Kezia, wala kang mapapala kung gugustuhin mo mang bumalik sa nakaraan. Masisira lang ang lahat...
Lahat ng nangyayari sa'yo ngayon, may dahilan.. walang tamang rason, para balikan mo ang isang bagay na tapos na.
At isa pa. Imposibleng balikan ang nakaraan. Imposible."
Nginitian ko siya bago ako tumayo.
"Sinasayang mo 'yung buhay mo.. dahil lang sa nakaraan mo."
~
Short but very dramatic update. Seryoso! Hoooo! Hahahahahahahaha. :)
Nababadtrip na talaga ko sa wattpad eh. Hindi makita 'yung chapter 12-14? Sorry. Aayusin ko po 'to.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.