Ashton's POV
"Kumalma kayooo! Kalma!" Kian.
Lahat kami sobrang natataranta na. Di na namin alam ang gagawin. Nakaupo ako sa couch katabi si Kezia.
Si Kian, Clyde at Benj naman, paikot ikot sa sala. Samantalang si Maddie, nasa pinto. Walang alam sa nangyayari.
"Would some one please tell me what's going on?"
Huminto naman sa paglalakad si Clyde. "Alam mo ba, na baka may posibilidad na magkasama si Faye at XC?! Alam mo ba, ha?! Alam mo baaa?!"
"You're too loud. Ano naman ngayon?"
Lahat kami, sabay sabay na tumingin sa kanya.
"Hey, may nasabi ba kong mali?"
"Shh shh! Ayan na. Wag na kayong maingay. Nagriring..." Benj.
Lahat kami lumapit sa kanya para pakinggan 'yung phone. Lahat ng tenga namin, nakatapat sa phone ni Benj.
"I-loud speaker mo nga! Dali!" Inagaw pa ni Clyde 'yung phone kaya muntik nang malaglag. Mabuti nasalo ni Kian.
"WAG KA NGANG MALIKOT--" Benj.
(Hello?) Boses ni XC.
"Ayan na. Ayan na." Clyde.
"Shh! Ang iingay niyo!" Kian.
"Wala na kasing magsasalita!" Ako.
"Hello, pre?" Benj.
(Oh? Napatawag ka?)
"Ahh, pare.. ano kasi.. nasaan ka ba ngayon?" Tanong ni Kian.
(Nasa seaside.. bakit?)
(Wala, lumilibot lang.. bakit ba?)
"Ano, pare sinong kasama mo?" Ako.
(Teka nga.. bakit ba? At bat parang ang dami nyo diyan?..)
"Sagutin mo nalang!" Kezia.
(Okay. Ang weird niyo. Kasama ko si Faye--)
"WAAAAAAAAAH SABI KO NA SABI KO NA SABI KO NAAAA" Clyde.
"TAMA NGA AKO! TAMA ANG HINALA NATIN GUYS!" Kian.
"MAGSISIMULA NA ANG KARIMARIMARIM NA PANANARANTADO NI EXSIIIIII!" Benj.
"Oh my god. What's happening?" Maddie.
"Shit." Kezia.
*TOOT TOOT
Ay. Punyeta binabaan kami.
"Sandali, tatawagan ko ulit." Sinubukan ulit namin siyang tawagan.. pero nakapatay na yung cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.