26 - Torpe

53 5 0
                                    

Clyde's POV

Nagkita kita ulit kami para tumambay sa bahay nila Ash. Wala eh, nakasanayan na. Tsaka parte narin to ng project namin sa science. maguusap usap narin kami.

Syempre, kasama 'dun ang jowa ko. Si Maddie kong mahal. Jowa daw. Yak. Asa.


Pag ako talaga nakakuha ng pagkakataon? Liligawan ko na yan. Aamin na ko dyan. Kaso wala eh. Iniisip ko kung meron ba kong paninindigan. Hay.


ETO rin naman yung dahilan kung bakit medyo natatahimik ako nitong mga nakaraang araw. nababagabag kasi ako ng pagkatao ko. ang duwag ko masyado.


Habang naglalakad kami papunta kila Ash, Nakatingin lang ako kay Maddie. Nang hindi niya alam.


Minamasdan kita, nang hindi mo alam

Pinapangarap kong Ikaw ay akin

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit

'Wag ka lang titingin sa'kin

At baka matunaw ang puso kong sabik.

Ang ulol mo Clyde. May pakanta kanta ka pang nalalaman diyan! Peste ka! Hahahhahahahahahahahaha.. hahahahahahah.. hahahaha.. haha.. ha.. ha.


Napayuko nalang ako. Pero bumalik ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko 'yung nakakabaliw niyang tawa.

'Yung tawa na hindi naman ako ang dahilan.

Ang drama mo talaga Clyde. Akala mo naman may Kayo. Walang kayo. There was never you. Ano daw? Hahahahahaha.

Nakatitig lang ako sa kanya. Ibig kong sabihin, sa kanila pala. Napansin ko lang na magkakasama ang lahat, pwera sa kanilang dalawa. Si Kian at si Maddie.

Pero sandali. Bat ka nasasaktan?

Tangina Clyde, crush pa ba 'to?

~

Blue's POV

Naiinis ako. Naiinis ako. Oo, naiinis ako kay Kezia. Lintik na 'yan. Alam niyo ba 'yung ginagawa niya 'nung umamin ako sa kanya? Aba.

Pagkasabing pagkasabi ko na gusto ko siya, Tinawanan niya ko. Hindi lang bastang tawa, 'Yung malakas na tawa. Pagkatapos kinurot niya ng madiin 'yung pisngi ko. Tsaka niya ko iniwan.

Bwisit, anong ibig sabihin 'nun? Pinaglalaruan niya ba 'yung nararamdaman ko? Akala niya ba nagbibiro ako? Kasi sa totoo lang, hindi ako natutuwa.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, nakita ko siyang nagbubukas ng TV. Humarap siya sa'kin at nginitian ako.

Inirapan ko naman siya. Naiinis talaga ko eh. Akala ko sasaklmalin niya ko o kukuha ulit siya ng pekeng kutsilyo. Pero hindi. Tumawa lang siya. As in 'yung tawang tawa pagkatapos nun, umiling siya at binaling ulit ang atensyon sa TV.

NAKOOOO! KONTI NALANG. KONTI NALANG TALAGA. NAGTITIMPI LANG AKO EH. PAG DI AKO NAKAPAGTIMPI HAHAMBALUSIN KO TO... NG PAGMAMAHAL. YAK.

Maya maya, dumating nanaman 'yung mga mahihilig mambulabog. Wala ako sa mood. Kaya umakyat na muna ko.

Naisip kong gawin nalang ang isang bagay na nagpapasaya sa'ming mga lalaki.. hulaan niyo.

Syempre XBOX! Ano pa ba? Medyo nageenjoy na ko sa nilalaro ko nang may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Uy! Marunong ka pala niyan Ash?" Nakakabwisit na tanong ni Clyde. MALAMANG. MALAMAAAANG.

"Oh? Bat nandito kang tuod ka?" Tanong ko sa kanya habang tuloy parin ang laro.

"Ayoko munang makihalubilo 'dun sa baba eh.." Malamyang sabi niya.

Napahinto naman ako sa sinabi niya. Pinause ko muna 'yung nilalaro ko tsaka ko sinave. Sayang nuh. Hahahahaha!

Tinignan ko siya, "Teka nga, may problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pare kahit naman mga gwapo magkakaproblema din noh." Malungkot na sabi niya.

Tignan mo 'to. Parang gago. Ang daming alam.

"Ano namang magiging problema ng mga rapper? Di nakainom ng memory plus?" tumawa ako pagkasabi ko 'nun. Hahahahahaha!

Pero wala siyang pakialam sa sinabi ko. Aba, sayang effort ko 'dun ah!

Nakatulala lang siya.. nakaangot. Kala mo nalugi.

"Gago, ano ba kasi 'yun?" Humarap pa ko lalo sa kanya.

"Pare... kasi nasasaktan ako." Tsaka siya tumingin sa'kin.

Kumunot naman 'yung noo ko sa sinabi niya. Nasasaktan? Saan?

"Nalunok mo 'yung mic?! Ikaw kasi eh! Dinadaig mo si Eminem kapag nagrarap ka!" Pangaasar ko sa kanya.

"Tangina mo ka umayos ka nga Seryoso kasi Matatawag mo pa bang crush 'to kung nasasaktan na ko Ikaw pare napapansin mo ba sa mga galaw ko Sa tingin mo Crush ko lang ba si Maddie?!" Tangina. Rap god.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko, "Pare nakakatakot ka na.. Wala talaga kong naintindihan eh. Pwera dun lang dun sa... Crush.. tsaka Maddie." Nanlaki 'yung mata ko 'nung naraealize ko na.

"ANO PARE CRUSH MO SI MADDIE?!" Sigaw ko habang inaalog alog ang buong pagkatao niya.

"Wag kang sumigaw pag ikaw narinig ng mga 'yon sa baba leche ka pupugutan talaga kita!" Ratatatatatatat. Bla bla bla.

Pero teka nga. Seryoso?! AKALA KO WHOLE THIS TIME, AYAW NA AYAW NIYA KAY MADDIE. HAHAHAHAHAHAHAHA!

"Pare binata ka na.." nakangiti kong sabi sa kanya. "Ayan nga oh, may tagos ka." Sabay turo sa may pwetan niya.

Agad naman siyang tumayo at tinignan 'yung pwetan niya. HAHAHAHAHAHAHAHA "San pre san ituro mo"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sakit ng tyan ko! Hahahahahahahaha!

"Tangina naman eh kanina ka pa pre.. tulungan mo naman ako sa problema ko oh di ako makakaganti sa'yo hangga't lutang ako."

Tumigil ako sa katatawa kahit di ko pa'rin talaga mapigilan. Kabobohang taglay nito eh. Ano yan? Nagagawa ng pagibig? Hahahahahahahaha--

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nasasaktan ha?" Hinubad ko 'yung tsinelas kong suot at tsaka nag-indian sit sa kama ko.

"Nagseselos kasi ako kay Kian bida bida 'yung hayup na 'yun eh kala mo si Jollibee." Bwisit na sabi niya.

"Aba magingat ka nga kay Kian nako. Kilala mo 'yan. Hahahahahah!"

"'Yun na nga eh so ano nang gagawin ko ngayon?"

Humiga ako sa kama ko at ginawang unan ang braso ko, "Sus, simple lang. Unahan mo na lahat. Umamin ka na." Cool kong sabi.

"Di ko alam nahihirapan ako! Hindi kaya ganun yun kadali!" Aw. Paiyak na siya. Joke hahahahahahahaha!

Saya mo Ashton ah. Parang walang nangyari kanina. Sige.

Bumangon ako at bumalik sa pagkakaupo ko kanina. Humarap ulit ako sa kanya, "Sus. Sasabihin mo lang naman ah? Ang dali dali lang pare!"

"Wow ah bakit nakaamin kana ba sa isang babaeng gusto mo?!" Tanong niya.

Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Oo." Sagot ko sa tanong niya. "Pero parang nagsisisi na ko ngayon."

~

Oh so late update! Kasi naman eh, bagong update 'yung wattpad. Ang panget. Di ako makapagsulat. Kaya hiniram ko 'yung tab ni Papa kasi hindi updated wattpad niya. Wahahahahaha.

Home Sweet HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon