22 - Science

46 2 0
                                    

Ashton's POV


Ayun. Napagalitan kami. Bakit daw kami naghuhubad sa oras ng klase. Wala pa daw siya. Sobrang kinabahan pa daw siya kasi baka anong mangyari.


Jusko, ano namang pwedeng mangyari? As if namang-- basta. Madami kaya kami.


Sabi pa niya, pagbibigyan niya daw kami at hindi daw 'yun aabot sa office basta wag na wag na daw naming uulitin.


Ehhh, naglalaro lang naman talaga kami ah?

Tss. Hayaan na. Well, second day na namin ngayon. Oo, second day.


"Okay sige. That's all for today.. wait for your next teacher."


THAT'S ALL FOR TODAY?! THAT'S ALL FOR TODAY EH WALA NAMAN SIYANG TINURO! WALA NAMAN KAMING GINAWA!


Harujusko, nagiinit ang dugo ko. Joke lang. Gusto ko nga 'yun eh. Hahahahaha!


Pagkalabas ni Rossy, nagsimula nanamang magdaldalan. Ang galing lang. Kasi persday palang, marami nang magkaka-close.

Sabagay, baka magkakaklase sila last year. Oo, pansin ko nga 'yung iba kakilala nila Benj eh. Op nga ako eh.

Syempre, hindi naman ako dito nga nagaral last year. Paulit ulit?


Maya maya, pumasok na sa room 'yung sumunod na teacher namin.


"Good morning class."


"Good morning miss." Sabay sabay kaming tumayo at bumigkas.


Hahahahaha. Bumigkas.

"I'm Mrs. Sophia-Rosales Kabe. You're Science teacher." Pagpapakilala niya. "Now, I want to meet you all.. one by one." Dugtong pa niya.

Introduce yourselves nanaman?! Bwisit na bwisit talaga ko sa ganito. Promise.

Di nalang ako nakinig kasi bwisit na bwisit na ko. Paulit ulit kaya. Grade 10 na kami uy! Diba pwedeng magkakila-kilala nalang kami ng kusa?

"Hi everyone. I'm Jason Kezia Ledesma." Di ko alam kung bakit pero narinig ko talaga 'yung sinabi niya.

Well, siguro malapit kasi siya.

Pero, teka. Jason talaga?! Jason, pangalan niya?!

Pagkaupo niya, tinanong ko siya, "Hoy! Pfft! Seryoso? Jason?!"

"Fuck you. Do I look like I'm joking?" Sabi niya sabay turo sa seryoso niyang mukha.

Tumawa nalang ako. HAHAHAHAHA. JASON.

"Bagay naman sa'yo eh." Sabi ko sa kanya.

Kumunot 'yung noo niya. Na may kasamang pagtaas ng isang kilay.

"Kasi mukha ka namang lalaki eh! Hahahahahahaha!" Pangaasar ko sa kanya.

"Ha-ha-ha." Sarcastic niyang tawa. "That was soooo funny." Irap niya.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tawang tawa ko sa reaksyon niya.

"Huy pre ikaw na." Siniko pa ko ni Benj.

"Ha?" Tanong ko.

"Ikaw na magpakilala!" Malakas na bulong niya.

Napatingin naman ako sa teacher namin na nakatingin din sa'kin.

Tumayo naman ako agad.

Napansin kong tumatawa sa bandang harap si Clyde at Kian. Pati narin ang tarantadong si Benj sa tabi ko.

Paglingon ko naman sa bandang bintana, nakita kong nakangiti sa'kin si Alex. Nag-thumbs up pa siya.

Ngumiti din naman ako pabalik.

"Hello everyone. I'm Ashton Blue Cassio." Pakilala ko at tsaka umupo.

Bigla namang nagsalita si Ms., "Next time, be alert ha? Later na ang chit chat with girlfriend." Kindat pa niya sabay tumingin kay Kezia.

"AYIIIIEEEEEEE." Kantyaw ng buong klase.

"Ma'am, kahapon pa po 'yan." Natatawang nangaasar na sabi ni Kian.

Tumawa naman ang buong klase kasama si Ms. Napaka-feeling close ng hayup na Kian na 'yun. Mukha namang magsasaging.

Maya maya, natapos nang magpakilala sila isa isa, nagsimula nang magsalita ulit si Ms.

"Your first activity here in my class will be done as a group.." Paliwanag niya. "Mahahati ang buong klase sa dalawang grupo.."

"Bale, ganito ang gagawin natin.. the two groups will compete each other.. for a crown.


Yes, a crown. Magtutulungan ang bawat isa sa magkabilang grupo para ayusan at alagaan ang pambato nila.. A guy, and a girl..

This is Mr. And Ms. Science enthusiasts.. This is not just like those other contests.. Yes, may similarity siya sa iba.. pero etong contest na 'to, gagawin natin in a Science way.


Talent portions should be connected to science. Questions will be connected to science. Outfits will be connecfed to science. Everything is about science.

Ngayon, ayokong ma-stress sa paghahati sa inyo. Kayo-kayo na ang bahala kung sino sino ang magkakagrupo. Get prepared. Aalmin ko bukas ang mga plano niyo.. see you tomorrow."

Pagkatapos ng mahabang nobela niya, umalis na siya ng classroom. Wooh!

Tumayo si Kian. "Oy! Tayo tayo magkakagrupo ah!" Tsaka niya tinuro 'yung row namin.

Nagsimula nang magingay ang buong classroom. Pasimuno talaga 'tong hayop na 'to kahit kailan.

Uwian na, kaya nagsitayo na kaming lahat. Nagkumpulan ang TEAM B.

Jusko, ALAM NA.

"Basta ah! Sa bahay nila Ashton, now na." Benj.

Lumapit sa'min si Alex pati 'yung mga kaibigan niya. "Uy, join nalang kami sa inyo.. di namin kaclose 'yung kabilang grupo eh." Pacute na sabi ni Alex.

"Wag kang magpacute! Hindi bagay sa'yo! Hahaha, sige sa'min na kayo." Sabi ko.

Natuwa naman 'yung dalawang babae sa likod niya.

"Nakakaasar ka talaga! Hahaha. Thanky!" Pacute talaga.

"Pst! Ericca!" Tawag ni Kezia 'dun sa babaeng kausap niya kanina sa canteen.

Lumapit naman 'yung babae.

"Dito ka nalang sa'min sumama!" Tuwang tuwang sabi niya.

"Uy, thank you! Hahaha. Sige sige." Sagot naman nung Ericca.

"Sooo, okay na ba tayo?" Clyde.

"Tara!" Benj.

~

Home Sweet HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon