Blue's POV
Nandito ako sa labas ng canteen. Kasama ko 'yung mga lalaki. Sila Clyde, Kian, Benj at XC.
Nakadungaw lang kami sa loob. Hinihintay 'yung susunod na mangyayari.
"Ano na? Kinagat na ba?" Atat na tanong ni Kian sabay kamot sa binti niya.
"Ano? Rush na rush? Taeng tae?" Iritang sabi ni Benj.
"Ano na?! Saang stall na ba siya?!" Tanong naman ni Clyde.
Di ko sila pinapansin at hindi ko rin inaalis ang tingin ko kay Kezia.
Kinakabahan ako na kinikilig. Yung tiyan ko. Merong mga naglalaro.
"Ayun! Burger stall!" Malakas na bulong ni XC.
"Tol, bat ka bumubulong? Abnormal ka?" Benj.
Tinulak naman ni XC si Benj papasok sa loob. Muntik pa siyang masubsob.
Pero di ko parin sila pinapansin. Mga papansin eh.
"Oha. Seryosong seryoso ang doggy natin." Sabi ni Benj tsaka ako tinitigan ng mariin.
Napansin ko pang nagsenyasan sila at sabay sabay na tumitig sa'kin.
As if gagana. Concentrated ako dito noh. Focused mga brad. Hindi matitibu@g!
"Waepek. Sayang effort." Maktol ni Kian.
Tinusok nila ang tagiliran ko. Akmang kinukutuhan ako. Nagseselfie pa sa harap ko. Pero hindi parin ako nagpapatinag! Hindi!
"Ang tagal tagal naman. Ano ba yan." Kian.
"Ayaw gawin 'nung mga babae ng maayos 'yung trabaho nila eh." Clyde.
"Oo nga. Dadalhin lang naman nila si Kezia sa hotdog stand! Ganun ba kahirap 'yon?!" Pagiinarte naman ni Kian. May gestures pa eh. Kadiri.
"Ano ba! Parte 'yun ng plano! Para magtaka nga si Kezia kung bakit inaayawan siya ng ibang stalls! Ang tatanga niyo!" Paglalaban ni Benj.
Nanlaki 'yung mata ko nang makita kong hawak na ni Kezia 'yung special hotdog. Habang sila, busy pa'rin sa pagtatalo.
Hindi naman ata sila ganun kamanhid kaya napansin nila ang pagkataranta ko.
Sinundan nila 'yung tingin ko. Si Kezia.
"Pare, ang tagal kagatin. Feeling ko di ka niya bet." Pang asar na sabi ni Clyde.
Tahimik pa'rin ako. Nagtitimpi. At hindi sila pinapansin. Mamaya nalang ako babawi.
Hinawakan ni Benj 'yung bibig ni Clyde at tumitig nalang 'rin sa loob. Buti nakaramdam din.
Nabasa niya na 'yung nakasulat sa tissue. Lumingon lingon pa siya. Kaya napaurong ako.
'Yung puso ko. Ano ba naman 'to. Bakit naman ganito?!
Ramdam na ramdam ko. Para bang nagkakagulo 'yung mga ugat ko sa buong katawan.
Pano nga naman kasi kung hindi ang sagot niya? Pano 'kung itapon niya 'yung hotdog? Sobrang special 'nun. Ang effort ko magpagawa ng ganun. Rare 'yun!
Okay. Kalma Ashton. Kalma. Kalma Blue. Ano man ang maging desisyon niya, tanggapin mo. Kasi mahal mo siya. Kaya natin 'to.
Humigpit 'yung kapit ko sa pintuan ng canteen. Nanigas ang buong katawan ko. Matigas na malambot na hindi ko maintindihan.
Lalong hindi ko naintindihan ang nararamdaman ko nang biglang...
Kinagat niya yung hotdog.
Kinagat niya 'yung hotdog ko.
Naghiyawan sila Benj at nagwala. Pati sila Faye sa loob ng canteen nagsitilian na'rin.
"Brad, June 25, 2015. 9:34 AM. It's official!" Tuwang tuwang sabi ni Benj habang inaalog ako.
Langya, time keeper?!
Sinimulan na nila kong ipagtutulak papasok sa loob ng canteen. Lahat ng tao nakatingin sa'min. Lahat sila, confused sa nangyayari.
Halata sa mukha kong kinakabahan ako. Sino ba namang hindi?
Lalo kong naramdaman 'yung kaba ko, nang makita ko na ng mas malapitan si Kezia. Mas malapit. Mas maaliwalas. Kitang kita ko 'yung ngiti niya.
Sabay kaming lumapit sa isa't isa.
Umubo muna ko bago magsalita, "Kezia... Jason... baby... Pano ba 'to?"
Tumawa siya pero tinitigan niya lang ako. Habang nakangiti at hawak hawak pa'rin 'yung hotdog ko. (Ako bumili 'nun eh. Bat ba.)
"Alam kong iniisip mong ang duwag ko ngayon. Kasi, hindi kita tinanong sa personal... tinanong lang naman kita gamit ang hotdog." Tumawa pa ko.
"Kaya nga, Kezia, lumapit ako para makasiguro... kung ano ba talaga 'yung sagot mo..."
Nanlalamig ako. Nakatingin silang lahat sa'min. Ayoko ng ganito. Pero nandito na tayo.
Hindi niya pa'rin inaalis 'yung ngiti niya. Ano ba naman 'to?! dagdag pahirap.
Inayos ko ang sarili ko at lumuhod.
Rinig ko naman ang tilian sa buong canteen.
"Jason, naalala mo pa ba 'nung sinabi mo sa'kin na gusto mong magkaroon ng time machine?.. tinanong kita kung bakit... ang sabi mo, gusto mong balikan yung mga panahong masaya ka pa... 'yung mga panahong nagmamahal ka lang... at gusto mong baguhin 'yung panahong nasaktan ka ng sobra..."
Paluha na siya. Tapusin na natin 'to!
"Jason, kaya kong maging time machine mo..." nakangiti kong sabi.
"Kaso nga lang, Hindi kita ibabalik sa nakaraan... Pero, papasayahin kita. Mamahalin kita. At hinding hindi kita sasaktan... kailan man."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya sa mga sinabi ko. Umiiyak na siya.
"Ayokong umiiyak ka... kaya tapusin na natin 'to!" Tumawa ulit ako.. "Jason Kezia Ledesma...
"Will you be my girlfriend?"
Hindi na siya makapagsalita sa kakaiyak niya. Pinunasan niya 'yung luha niya pagkatapos kinagat niya ng ilang beses 'yung hawak niyang hotdog.
Natawa ako sa ginawa niya. Pero siguro alam ko na kung anong ibig sabihin 'nun.
And, yes. We're now, official.
~
SABAW SABAW SABAW ME MASABI LANG HAHAHAHAHAHAHAHAHA. SORRY GUYS. LABYU MWA.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanficNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.