Blue's POV
Inuna naming puntahan ang bahay namin.. pampanga. Syempre mas malapit dito eh.
"Woah. Ang ganda naman pala ng bahay niyo Ashton eh? Pa-arbor." -Ericca
Nagsitawanan sila. Binatukan naman ulit ni Krstal si Ericca.
Ganda nilang tignan kapag nagsasakitan. Joke lang! Hahahahahaha!
Pinindot ko 'yung doorbell. Tsaka naman lumabas si Papa.
Tinignan niya muna akong maigi. Pagkatapos tinignan ding isa isa 'yung mga kasama ko. Sabi na eh.
"Ashton?" Weird.
"Pa?" Paggaya ko sa kanya.
Lumapit siya sa'kin ng kaunti at bumulong, "Sino 'yang mga kasama mo?" Tanong niya.
Lumingon muna ko sa kanila. At tsaka ako humarap ulot kay Papa, "'Yung isa, future ko. 'Yung dalawa, kaibigan niya." bulong ko sabay kindat.
Tumawa naman siya at kinindatan din ako.
"Oh, lika na. Pumasok kayo." Nakatawang sabi niya. Tsaka binuksan pa lalo ang pinto.
Nagbigay daan siya samin kaya nagdire-diretso kami papasok.
"Pa, sabi mo nakabuntis si Bret? Asan na siya?" Pagungkat ko kay Papa habang naglalakad kami papuntang sala.
"Maupo na muna kayo." Alok niya. "Sandali lang Ashton, ipapaayos ko lang 'yung merienda niyo."
Umalis si Papa at iniwan kaming apat sa sala.
"Sinong Bret? Bret nakabuntis? Omg." Krstal.
Umiling nalang ako. Medyo wala ako sa mood kasi masama pa ang loob ko kay Bret.
Maya maya bigla nalang kaming nakarinig ng mga yapak sa hagdan.
"Paaa! May tao ba sa baba? Pupunta dito mamaya si Jell--" Napahinto siya sa kakasigaw nung nakita niya kami.
Tumayo ako. "Hoy Bret! Tatay ka na, ganyan ka pa rin umasta?!" Nabubwisit kong tinanong sa kanya.
"Wala kang pakialam!" Sigaw niya pabalik.
Nanahimik nalang ako at bumalik sa pagkakaupo. Kumalma ka Ashton. Papapirma mo lang 'yung form tapos okay na.
Pagbalik ni Papa sa kusina, kasama niya na 'yung maids. May bitbit na pagkain.
"Pa, di narin po kami magtatagal. Pakipirmahan nalang 'tong form nang makaalis na po kami." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
Fiksi PenggemarNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.