Blue's POV
Di na'rin ako nakapag-recess sa canteen. Dahil sa paguusap namin ni Alex. 20 minutes lang kasi ang break.
Di na namin binalak ni Alex na bumaba. Kaya pumasok nalang kami sa classroom. Inayos ko 'yung gamit ko.
"Uy, okay ka na ah?" Paninigurado ko.
"Oo nga. Hahahaha. Tanggap ko na naman." Sabi niya habang may matamis na ngiti.
Naks.
Pumunta na ko sa upuan ko. Tsaka ko nilabas 'yung phone ko.
Jason :*
+63919*******
Hi Jason! San na kayo? Di na ko bumaba ah. Di narin naman na ko makakabili eh. :)
Sent 7:55AMok.
Recieved 7:59AMTignan mo 'to. Hanggang sa text napaka-sungit.
Nasan na nga kayo?
Sent 8:00AM
Sinalpak ko nalang sa tenga ko 'yung headset habang hinihintay si Jason. Ibig kong sabihin, Sila Jason.
Nangyari 'dun? Ba't kaya hindi na nagreply?
Maya maya, nagsipasukan na ang mga kaklase namin.
Natanaw ko narin sila. Napangiti naman ako agad.
Nakita ko 'din si Jason na nakahawak sa strap ng back pack niya. Mukhang badtrip nanaman eh. Nangyari dito?
Umupo siya sa pwesto niya.
Gaya ng dating gawi, makikipagpalit sana ko ng upuan kay Benj para magkatabi kami ni Kezia.
Kaso tatayo palang ako, hinila niya na si Benj at pinaupo sa upuan niya.
Teka. Anong problema niya? Sa'kin ba?
"Benj," bulong ko. Para di masyadong mahalata ni Jason.
Tumingin siya sa'kin.
"Anong problema ni Kezia?" Tanong ko.
"Malay ko dyan. Kanina pa 'yan naunang umakyat eh."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha?"
"Sabi niya kasi ang tagal mo daw. Kaya inakyat ka niya. Di na nga niya tinapos 'yung kinakain niya eh.. tapos, pag akyat naman namin, nakita namin siya pababa na. Kaya sinabay na namin paakyat." Paliwanag niya habang bumubulong.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.