Ashton's POV
Umagang umaga, ang lakas lakas mag-patugtog nung kasama ko dito sa bahay.
Parang wala siya kasama. Parang wala ako.
"Hoy, nakalimutan mo bang may natutulog sa taas?" Sigaw ko Habang pababa ako ng hagdan
"Oh. Sorry. I forgot!" Lumapit siya sa speaker at lalong nilakasan.
"THERE YOU GOOOO!" Sigaw niya para marinig ko siya.
Ginulo ko yung buhok ko sa inis. Nako! Kung di lang to babae? Matagal ko na 'tong nasapak.
Ansakit sa tenga. Bingi ba siya?
Dumiretso nalang ako sa kusina para kumain ng almusal. Tumingin ako sa wallclock.
HAYUP, 3:00 AM PALANG?!
Iniwan ko yung cereals ko at nagmadaling pumunta sa sala.
Pinatay ko yung speaker.
"What was that?!"
"Three o'clock palang ng umaga! Ang aga aga mong mambulabog! Antok na antok pa ko! Galangin mo naman yung tao!"
"Tao ka pala?" Pachix pa siyang kunwaring nagulat.
Ginulo ko ulit yung buhok ko sa inis. Konti nalang, mawawarak na yung ulo ko.
Tumawa siya tsaka ako tinulak sa balikat.
"Good night baby!" Kelan niya pa nagustuhan yung endearment na 'baby'?
ANONG PROBLEMA NG BABAENG 'TO?! SA TOTOO LANG?!
Nagdirediretso na siyang umakyat sa taas habang tumatawa.
"And by the way!" Lumingon siya. "Mahiya ka nga. May kasama kang babae sa bahay, nakabrief ka lang?"
SHIT.
PUTA OO NGA!
Inangat niya yung phone niya at nakakita nalang ako ng ilang flash. Humalakhak siya tsaka tumakbo sa kwarto niya.
KINGINAAAAA! Ano yoooon?!
Bigla nalang nagring yung phone ko.
Benjamon Calling...
"Benj?"
(Brad! Bukas na yung semi-finals. Asahan kita dun ah!)
"Woah! Oo nga pala! Oo naman. Punta ko sa condo mo. Anong oras?"
(Uhm, mga four o'clock ng hapon bro! Sige! Salamat!)
May sasabihin pa sana ako kaso pinatay niya na yung phone. Okay.
Babalik na ko sa tulog.
Sus. Yung picture?! Pagnanasaan lang yun ni Kezia. Tsk tsk.
Kezia's POV
Medyo boring ang summer. Good thing may maaasar ako dito sa bahay. Bwahahahahaha!
Oh. Sorry. Natutuwa lang ako pag nagagalit siya hahahaha!
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
Fiksi PenggemarNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.