Ashton Blue Cassio's POV
7 years later...
Maraming nagbago...
May mga nawala...
May dumating...
Sa simula palang, naging sobrang mapagbiro na ng tadhana.
Hindi na siya nagbago.
Siya lang ata ang hindi nagbabago.
Pitong taon...
Sa loob ng pitong taon na 'yon, marami ng nangyari. Sobrang dami.
Namatay si Papa.
Nagkahiwa-hiwalay ang buong barkada.
Si Clyde at Maddie, wala na kong balita.
Si Kian at si Ericca, sa pagkakaalam ko, ikakasal na.
Si Faye at XC, naghiwalay 'din sila. Ang balita ko, si JM ang nakatuluyan ni Faye. Pero di rin sila nagtagal.
Si Benj? Successful na siyang nagtatrabaho sa ibang bansa ngayon.
At si Kezia?...
Matagal na simula 'nung hindi ko na siya nakakausap.
Nakakausap ko siya.
Pero hindi niya ko sinasagot.
Parang hangin lang ang kausap ko.
Heto nga ako ngayon, paalis na para dalawin siya.
Sakay sakay ng kotse ko, bigla akong hinarang ni Manong Guard.
"Ah, Sir Ashton! Kagaya kahapon, sarado pa'rin 'yung drive in. Sorry ho Sir. Pero gaya ng dati, sa shortcut nalang ho kayo dumaan! Pasensya na ho."
Tumango nalang ako ng walang kaekspre-ekspresyon. Inayos ko ang suot kong reading glasses. At nagdiretso papunta sa shortcut.
Kilala na ko ni Manong Guard sa halos araw araw kong pagpunta dito. Nung isang linggo pa kasi may maintenance kaya hindi maka-pasok sa main.
Kaya wala akong choice kung hindi dumaan sa shortcut.
Kaya eto ko ngayon, iniikot ang kotse ko papunta sa shortcut na 'yon.
Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng sementeryo. Walang parking lot kaya sa tapat talaga ako paparada.
Pagka-baba ko, sumakit agad ang mga mata ko sa mga nakikita ko.
Ang lungkot.
Ang dilim.
Mabigat sa pakiramdam.
Pero eto lang ang daan para mabisita ko si Kezia.
Si Jason ko...
Pumasok ako sa loob ng sementeryo, napahinto ako sa nakita ko.
Nakita ko agad 'yung kapansin-pansin na lapida.
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.