Benj's POV
"Tapos sabi pa nga daw nung teacher ko 'non, masyado daw akong.. ano ba 'yun? Nakalimutan ko na eh. Pero, nakakatawa kasi talaga 'yon. Nakalimutan ko na kasi eh tsaka---" Napatingin ako kay Ashton na ang himbing ng tulog. Tinignan ko din si Kezia na nananaginip pa ata.
Ang dami dami kong sinsabi dito, tinulugan na pala nila ko. Hay nako. Pagod na pagod?
Tumayo muna ko at tinitigan sila.
Bigla namang gumalaw si Ashton. At niyakap si Kezia. Hahahahahahahaha! May pagnanasa to sa'kin eh. Akala niya ako pa 'yung katabi niya. O dikayaaa.. alam niyang si Kezia yung katabi niya. Nanananching lang siya. Sabi na nga ba, may gusto 'to kay Kezia eh. Hahahahahahahaha.
Medyo marami ring tao sa paligid. Tapos natutulog sila dito. Hahahahahahahaha wala lang. Masaya lang ako.
Kinuhanan ko sila ng picture bago ako umalis para bumili ng makakain.
Para paggising nila, lalafang kame.
Ashton's POV
Naalimpungatan ako bigla. Ang ingay kasi nung mga bata eh. Teka. Sinong bata?!
Napalingon ako sa paligid, at nakita ko sa kanan ko, 'yung mga batang naglalaro. Sa kaliwa ko naman, nakita ko si Aurora. Si sleeping beauty. Joke lang. Si Kezia 'yon. Sleeping beast.
Maya-maya nagising din siya. "Tinitingin tingin mo diyan?" Bumangon siya at kinusot 'yung mata niya.
Di ko lang siya pinansin. Di ko maintindihan kung panget ba yung tulog ko. O maganda yung gising ko? Ewan.
"Where's Benj?" Tanong niya.
Oo nga noh? Nasan na 'yung siraulong 'yon?
"Baka may pinuntahan lang. Hintayin nalang natin."
Tumayo siya bigla at parang may hinahanap.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko.
"'Yung phone ko, nawawala.." Kinapa niya yung bulsa niya. "I think I left it sa timezone." Nagdirediretso siyang maglakad paalis. Sumunod naman ako.
"Uy teka lang! Dun mo ba talaga naiwan? Naaalala mo ba?"
"I think so."
Tsk. Mahal na mahal neto phone niya. Lutang na lutang eh oh.
Pag dating namin sa timezone, pinuntahan niya na lahat ng arcades na napuntahan namin. Natataranta na siya. Kaya tumulong na ko.
"I can't find it!" Sabi niya. Paiyak na.
"Shh. Tara tignan natin sa Lost and found." Tumango siya tsaka kami umalis.
Hindi siya nagsasalita habang naglalakad. Oo nga. Mahal na mahal niya yung phone niya.
"Bat di ka nalang bumili ng bago?" Tanong ko. Tinitignan ko lang.
"Nooo! I need that phone. Marami akong files 'dun na--" tapos umiyak na siya.
"Wag ka ngang umiyak! Antaray taray mo, tapos parang cellphone lang, iniiyakan mo?" Tumigil siya sa kaka-hikbi.
Napansin kong kamay lang pinapamunas niya sa luha niya kaya inabutan ko siya ng panyo. "Oo na, pangarap mo nang mahawakan panyo ko. Ayan na. Natupad na." Sinamaan niya agad ako ng tingin pero ginamit niya parin yung panyo. Hahahahahahahaha.
"Ashton!" Rinig ko. Napalingon din si Kezia kaya sa tingin ko, narinig din niya.
"Asht!" Narinig ko ulit.
"Asht? It's like 'ah shit.'" Wow. Umiiyak lang to kanina ah? Ngayon, nangaasar na.
Isa lang naman tumagawag sa'kin ng Asht eh. Mga pauso ni Alexandria.
"Ashhhhhttttt!" Paglingon ko, nakita ko nga si Alex. Si Alexandria Bautista. Matagal ko nang kaibigan.
"Ashton! Kamusta naaa?" Lumapit siya at hinarap ako sa kanya.
"Alex! Ayos lang. Kingina ka."
"Kingina ka rin. I missed yoou!" Niyakap niya ko. Yumakap naman ako pabalik.
Si Alex kaklase ko yan 'nung nagaaral pa ko dito sa taguig. Hindi lang kaklase. Katropa pa.
At ngayong pasukan, sa tingin ko magkikita nanaman kami dahil nga dito na ko nakatira, malamang sa malamang, dito narin ako magaaral.
Oy. Grade 10 palang ako noh. Kala niyo sa'kin? Gurang na? Teen palang ako oy.
"Hinayupak ka, ang tagal mong nawala!" Hinampas niya ko ng malakas sa braso.
Aray ha.
"Well, nandito na ko! Ayan. Mapapadalas ang pagkikita natin!"
Tumawa siya tapos tumingin sa katabi ko. "Ay? Sino siya?"
"Alex, si Kezia nga pala. Asawa ko."
Sinabunutan ako ni Kezia. Sabunot na parang nagbubunot ng damo. ARAY.
Lagi nalang ba akong sasaktan ng mga babae?
"Seryoso, Ashton? May asawa ka na?" Nanlalaking mata ni Alex.
"Oo nga-- aaaaaaaahhhh!" Hinila kasi ni Kezia yung buhok ko pababa. Napaka nitong babaeng to. Napakaaaa.
"Joke lang Lex. Eto si Kezia. Basta si Kezia." Sabi ko habang hinihimas yung ulo ko.. Ansakit.
"Ah. Hi Kezia!"
"Hi." Walang emosyong sabi ni Kezia. Tsk tsk.
"Pag-pasensyahan mo na Lex. Nawalan ng phone eh."
"Ay? Ganon? Hahahaha. Okay lang... ay sige Asht. Una narin ako. See you around!"
"Sige!" Pagalis ni Alex bigla namang dumating si Benj.
"Oh? Anong ginagawa niyo dito?"
"Hinahanap namin 'yung phone niya." Turo ko kay Kezia.
Tumawa si Benj ng malakas.
Tinitigan lang namin siya.
Habang tumatawa, may kinuha siya sa bulsa niya.
Phone.
~
BINABASA MO ANG
Home Sweet Hell
FanfictionNever thought the safest place you know, can still bring you trouble.