CHAPTER 8

6.3K 115 1
                                    

Chapter 8

Alyssa's POV

Tanghali na ako nagising dahil sa pagplano ko kung ano ang gagawin ko para ngayon kay Den, pero wala eh epic kasi hindi ako nagising. Ayun nung nagising ako, umalis na daw kasama si Kiefer.

Hay!

"Besh, tara na. Baba na tayo para makakain na"

Tumango ako at pumunta sa cr para maghilamos. Wala, nabadtrip na ako. Sayang effort. Bumaba na kami at umupo na ako sa upuan ko.

"Ly, may namatay?"

Inirapan ko lang si Jem. Tch, kitang wala ako sa mood eh

"Bat ka ba badtrip Alyssa?" tanong ni A

Umiling lang ako at sumubo. Naiisip ko kung gaano sila kasaya ngayon parang gusto kong kalbuhin si Kiefer

"Tinatanong pa ba yan? Syempre nagseselos yan kasi may kasamang iab si Dennise"

Napa buntong hininga na lang ako wala akong ganang kumain "Akyat lang ako"

Umakyat ako at narinig ko pa silang nagsisihan. Napa iling na lang ako. Umupo ako sa kama ko at nakita ko yung dapat na regalo ko kay Den.

The scrapbook

Yun ang ginawa ko kasi gusto ko sana doon namin ilalagay yung mga memories namin. Tatlo pa lang na pic ang laman nun. Pero wala eh, parang ayoko ng ibigay. Kinuha ko yun at nilagay sa ilalim ng cabinet ko. Jan na lang muna siya.

Inopen ko yung laptop ko at nag log in sa twitter. Tagal na rin simula nung nag twitter ako, sa ig lang kasi ako active. Madami akong nakitang tweet a bumabati sakin, gusto ko man sila sagutin lahat hindi pwede kasi hindi kaya, ang dami nila eh. Pero may isa akong nakita na tumawag sa pansin ko.

She re-posted yung pic namin ni Den, I uploaded it on IG

@LadyEagles#1

Oh my g! Look the new libero @denniselazaro, together with the Phenom @alyssavladez2. Cute sila diba? Bagay pa, #AlyDen

*insert the pic*

Napangiti ako, madaming nagreact na bagay daw talaga kami at they ship Alyden daw. Buo na sana ang araw ko ng may makita akong isang picture

@ALEOBF

Guys, is this the new libero of ALE @denniselazaro? She's with Kiefer Ravena. I saw them earlier at Trinoma having a breakfast. Sila na ba?

*insert the pic*

Ang sweet sweet nila sa picture. Nagtatawanan pa. Tch, nakakaselos lang. Dahil sa inis nag log out na ako at humiga na lang sa kama. Nakaka inis kasi eh, pwede niya naman akongg yayain mag breakfast, bakit si Kiefer pa?

"Besh"

Bumukas ang pinto at niluwa nun si Ella. Ngumiti siya sakin. Tumabi siya sakin at nanahimik lang kami. Ang weird naman nito, pumunta ba siya dito para makipag kompetensya sa pabilisan ng pag panis ng laway?

"Besh, spoiled brat ba si Besh Den?"

Napatingin ako sa kaniya "Hindi"

"Nagkaroon ba ng awkward moments ang team dahil kay Den?"

Umiling ulit ako. Ano ba problema nito?

"Naiinis ka ba sa kaniya kasi parang nangangapa pa siya kasi bago pa lang?"

Tumingin ako sa kaniya "Hindi"

Ngumiti siya. Okay? Nakakatakot na siya

"Bat ka ngumingiti? Nababaliw ka na ba?"

CHOICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon