CHAPTER 18

5.5K 99 1
                                    

Chapter 18


Alyssa's POV

Tagaktak na yung pawis namin. Game 2 na ng finals ngayon. Nanalo kami sa Game 1 3rd set na, ahead kami ng dalawang set. At dahil nga sa mahahabang rally kaya kami pinagpapawisan ng sobra. 23-20 yan ang score namin. Ahead sila ng 2. Nagserve na si Cyd, receive ni Ella sinet ni Jem sakin at pinalo ko pero kuha pa rin ni Cienne. Pero dahil sa malakas yung palo malakas din ang kuha kaya tumawid agad ang bola samin. Kinuha ni Den, sinet ni Jem at pinalo ni Dzi.

23-21

Serve namin. Si Jem na yung nagserve. Nireceive ni Cienne set ni Kim at palo ni Aby, namali sa kuha niya si Ella kaya tumalbog ang bola. Hinabol ni Den yun, pero parang nagslow mo ang lahat nung makita ko na nabalik niya yung bola pero ntwist yung paa niya.

"Aaaah"

Rinig namin lahat yung sigaw niya at nakita ko kung paano siya napahiga at kung paano pumatak ang luha niya sa sakit.

"Babe.."

Tinakbo ko siya at sumunod naman yung teammates ko. Tinawag na deadball yung bola kasi may nainjured. Lumuhod ako sa harap niya, nakapikit siya habang umiiyak.

"B..babe it's okay. Magiging okay ka rin"

Hindi siya makapag salita. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Kinuha ko sya ng medics at dinala sa bench. Agad naan syang nilapitan ni Jus. Susunod na sana ako ng pigilan ako ni Dzi

"Ly, let's continue the game. Let's win this for Den"

Napatingin ako kay Den, nakahiga siya habang tine tape yung paa niya at nilalagyan ng yelo. Gusto ko siyang yakapin at sabihing andito lang ako.

"Besh.."

Tumingin ako sa kanila. At tumango. Pinalitan muna ni Bea si Den. Nagserve ulit si Jem, tiningnan ko ulit si Den. Nakatingin na siya sakin, she smiled thats why I mouthed 'I love you'. Nag 'I love you too' naman sya. Hindi nagtagal ang set at nakuha yun ng Lasalle. Inalalayan namin si Den para lumipat sa kabilang court. I carried her in bridal style. Nilapag ko siya sa bench.

"Babe, okay ka na ba? Sabi ni Jus nagpupumilit kang pumasok sa game. Wag na okay? Kaya namin to. Wag mong pilitin"

Tumingin sya sakin "I wont let you do this alone Bal. Team tayo, I'll rest for awhile. Then I'll go back."

"Babe wag na matigas ang ulo"

Umiling sya "No baby. I can do this okay? Just play first, dont think about me."

Nagbuzzer na, signaling that timeout is over. I kissed her on her lips at narinig ko na naghiyawan ang mga tao.

"I love you babe"

She blushed "I love you too Bal"

"Hoy Ate Ly! Pumasok ka na nga sa loob ng court. Nakiki showbiz pa kayo"

Binatukan ko si Jus kaya nagtawanan yung crowd "Patay ka sakin mamaya Justine"

Pumasok na ako sa loob ng court. At nagsimula na yung 4th set. Diit yung score. Makaka point sila, makaka point kami. At ngayon 24-24 na. Magseserve na ang kabila pero biglang pinalitan ang libero namin. Lumapit agad ako kay Den

"Babe, sabi ko naman sayo na wag ka na maglaro diba?"

Tumingin sya sakin "Bal, ayokong maupo lang dun" she kissed me on my cheek "Let's do this"

Bumalik na ako sa pwesto ko. Nagserve na ung kabila at tinarget ang baby ko dahil siguro injured, pero wala eh Best Receiver and Best Digger ang babe ko kaya maayos ang reception. Sinet ni Jem sakin at pinalo ko down the line akala ko mahaba ang palo ko pero biglang bumaba sa linya.

CHOICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon