CHAPTER 43

4.7K 88 4
                                    

Chapter 43

3 months had passed. And still, the leukemia is a big secret that Den could ever had. Naramdaman niya na ang paghihina ng katawan niya. She didnt take chemo therapy. Umuwi na rin sila ni Aly sa Pilipinas. She has night sweats, she lost appetite, and also weight. She has swollen nymph nodes and pain in the joints and bones. Pero lahat yun nanatiling secreto kay Aly.

Pero hindi tanga si Aly para hindi mapansin ang nararamdaman ng asawa niya. Alam niyang nagtatago si Den tuwing may nararamdaman ito pero palihim niya itong nasisilip. Kinakabahan siya sa nangyayari sa asawa niya. Hindi naman ito nagsasabi sa kaniya, sobrang payat na ni Den. Namumutla, at panay na ang suot nito ng blazer kahit natutulog. One night she took it off while Den's asleep and Den's bruises welcomed her. 

And now, kitang kita niya ang sakit sa mga mata ng asawa. Napapa sigaw na rin ito sa sakit. Nakahawak ito sa gilid niya. Lumuluha na si Den at hindi na alam ni Aly ang gagawin niya.

"B..babe, d..dont cry okay? P..pupunta na tayong hospital baby. We will go to the hospital"

Agad niyang binuhat si Den. Nanginginig na siya pero agad niyang nabuhat ang asawa at dali daling pumunta sa sasakyan. Tinawagan niya ang mommy nila at kaibigan nila. Pagkarating sa hospital agad na inasikaso si Den at sinugod sa emergency room. Naka upo si Aly, habang umiiyak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila. Nanginginig ang mga kamay niya.

"Aly, aly. Where is Den?"

Agad siyang napatingin sa mga taong paparating "N.nasa loob po er."

"Shh, dont cry anak. She will be okay"

Tumango si Aly. Inabot ng 2 oras sa loob ng emergency room si Den. Lahat sila kinakabahan lalong lalo na si Aly na halos mamugto na ang mata kakaiyak. And finally, lumabas na ang doctor. Agad na lumapit ang lahat sa pangunguna ni Alyssa.

"Doc kamusta ang asawa ko?"

"She is now stable. But, she lack of platelets and her bone narrow doesnt function well. We have examined her for a cancer tests and she is positive. Your wife has a acute lymphocytic leukemia. We should settle her chemo therapy immediately para maagapan. The good news is we have a bone narrow and platelets here that matched your wife so we can do a transplant already"

(P.S: Transplant ay parang dextrose lang po yan. Parang salin lang ng dugo, hindi po yan operation :D)

Umalis ang doctor sa harap nila. Parang binagsakan ng langit at lupa si Aly. Parang nadurog na nga ang puso niya inapak apakan pa. Leukemia, may leukemia ang asawa niya. Unti unti siyang napa upo. Walang lumalabas na luha mula sa mga mata niya. Agad siyang tumayo at dali daling umalis

"Aly saan ka pupunta?" -Fille

Pero hindi niya iyon pinansin. Sumakay siya sa kotse niya at nagdrive papuntang bahay nila. Pumunta siya sa kwarto nila at binuksan ang cabinet nila ni Den, may nakita siyang envelope na nakabalot sa damit. Agad niyang kinuha iyon at binuksan. Nabasa niya lahat doon. Tungkol sa sakit ng asawa niya na nilihim nito sa kaniya. Para siyang sinaksak ng paulit ulit. Nakita niya ang Sto. Nino sa kwarto nila. Kinuha niya ito at binasag

"Bakit si Den pa?! Bakit ba lahat ng mahal ko gusto mong kunin?! Bakit?!!"

Napaluhod siya sa sakit. Namamanhid ang katawan niya. "Bakit ang asawa ko pa?"

Nagagalit siya sa lahat. Nagagalit sa sarili niya dahil hindi man lang niya inalam na may sakit na pala ito, hindi man lng niya dinamayan ito sa sakit na naranasan nito. Bigla niyang naisip na baka magising na ang asawa niya. Agad siyang sumakay sa kotse niya at dali daling pumunta sa hospital. Nakarating siya at nandoon ang lahat.

"Aly, kumain ka muna"

Umiling siya "No"

Umupo siya sa tabi ni Den. Tatlong malalaking karayom ang nakatusok sa kamayng asawa niya. Parang gusto niyang tanggalin ito at ilipat na lang sa kaniya. Naramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Den.

"Besh!"

"Den"

"Ate"

"Anak"

Nagisingna si Den. Nakatingin lang siya sa asawa niya, gustong gusto niyang yakapin ito para sana mawala ang sakit. Gusto niyang hawakan lang ang kamay nit dahil natatakot siya na baka hindi niya na magawa iyon. Pero hindi mamamatay ang asawa niya, hindi pwede.

"Anak may masakit ba? Ano? Nagugutom ka ba?"

Natawa si Den "Ma, okay lang ako. Sumakit lang ang tiyan ko"

Natahimik lahat. Wala silang alam na alam na pala ni Den ang lahat bukod kay Aly.

"Why didnt you tell me?" 

Napatingin siya kay Aly "Na alin?"

"Dont fool around Dennise! Bullshit!"

Kinabahan si Den. Natatakot siya na baka alam na ni Aly ang lahat. Nagtataka naman ang kasama nila.

"B..bal"

"Asawa mo ako! Matagal mo ng alam na may leukemia ka pero hindi mo sinabi sa akin! Den naman! What were you thinking?! Dapat nadamayan kita sa bawat sakit na nararamdaman mo, dapat napagamot kita kaagad. Edi sana hindi na tayo umabot sa ganito!"

"I.. Im sorry"

Den is crying, lahat naman ay napatalikod. Kitang kita nila ang sakita sa mata ng mag asawa "Sorry? Hindi mo alam kung gaano kasakit na makita ka noon na nasasaktan habang ako walang alam kung ano na ang nangyari sayo. Kung hindi ko pa naisipan na dalhin ka dito hindi ko pa malalaman? Kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag wala ka na?! Den! Mahal na mahal kita, at nasasaktan ako kasi tinago mo sakin to kahit hindi naman dapat"

"Oo tinago ko. Oo hindi ko sinabi sayo at oo pinili ko lahat na ilihim sayo. Hindi para pagmukhain kang tanga Ly."

"Eh para saan? Sabihin mo dahil gulong gulo na ako!"

"Dahil natatakot ako na baka mamatay ako at maiwan ko kayong nasasaktan lalong lalo ka na! Ayokong saktan ka, ayokong pag nalaman mo ang lahat itutuon mo ang lahat ng oras sa akin at masanay ka na andito ako lagi. I'm dying. Mamamatay ako Ly! Hindi ako nagpagamot dahil natatakot ako na baka mas lalo akong humina at hindi ko na masulit pa na makasama ka!"

"Tangina! You will not die!"

Lummabas si Aly ng kwarto. Narinig nila ang pagsuntok nito sa pader. Iyak lang ng iyak si Den kaya agad siyang niyakap ng mommy niya.

"Mommy, mali ba ako? Ayoko lang siyang saktan"

"Shh. Hindi ka mamatay okay? Magpapagamot ka, we will do everything. Nasasaktan lang yun"

Sinundan ni A at Gretta si Aly. Umiiyak ito sa terrace ng hospital.

"Aly"

"Alam niyo hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng mahal ko sa buhay gustong gusto niyang kunin. Naging masamang tao ba ako?"

"Aly, hindi lahat ng tanong natin masasagot ngayon. Don't mind the answers in your questions, isipin natin si Den. Gagaling siya Ly. Hindi siya mawawala. Magtiwala ka lang"

Gusto niya sanang maniwala. Pero paano kung hindi? Paano kung hindi siya gumaling? Paano na?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

2 updates ha? I know pangit hehe

CHOICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon