CHAPTER 9

6K 103 0
                                    

Chapter 9

Denden's POV

"Hoy Alyssa, gumising ka na nga" inaalog alog ko siya

Paano ba naman kasi, ang bigat ng paa niya na nakadagan sakin. Ang bigat bigat, ang laking tao.

Inalog ko pa lalo "Valdez!"

"Hmmmmm"

Tsk, namamanhid na yung paa ko. No choice, but to push her.

*Boogsh*

"Aray!" hawak hawak niya yung balakang niya

Tumayo siya "Ano ka ba naman Den, ang sakit nun ah?"

Napakagat labi ako. Mukhang nasaktan talaga siya, nakasimangot siya na naka upo sa upuan tapos hiihimas himas yung balakang niya

"Hala Ly, sorry. KAsi ang bigat mo kanina eh"

Umismid siya "Tsk"

Lumapit ako sa kaniya

"Valdez, wag ka ng magalit oh? Sorry na, tara lagyan natin ng yelo"

Tumayo siya at pumunta sa kama niya "Wag na"

Nagtalukbong siya at tumalikod sakin. Galit talaga siya, kasi naman Dennise eh. Lumabas ako sa kwarto niya at bumaba para kumuha ng yelo. Baka kasi may bali yun.

"Oh Dennise, para saan yan?"

Lumingon ako, si Fille lang pala "Kay Aly"

"Bakit? Anong nangyari?"

Nilagay ko na yung yelo sa timba "Kasi nalaglag siya sa kama"

"Ha?"

Humarap ako sa kaniya at nagkamot ng ulo "Eh kasi nga I slept in her room because Im scared diba? Tapos nung nagising ako nakapatong yung binti niya sakin, eh namamanhid na kaya tinulak ko. Napalakas ata"

"Naku Den, hala ka. May training pa naman tayo. Paano siya makakapag training pag may bale siya?"

Nag aalala ako lalo "Pwede bang sabihin mo kay coach na hindi muna kami magtetraining ni Valdez?"

"Bat pati ikaw?"

Tumingin ako sa kaniya "Eh kasi nga ako yung may kasalanan. Syempre kailangan kong magsorry at pagalingin yung bale niya"

"Sabi mo eh, sige. Sasabihin ko kay Dzi, dalhin mo na yan kay Aly"

Tumango ako at umakyat. Pagpasok ko sa kwarto niya nag aayos na siya ng gamit niya pang training.

"Valdez youre not going to training"

Hindi niya ako kinibo. Nilapag ko yung balde sa table. At hinila yung bag niya palayo sa kaniya "Den ano ba? May training"

"Nakapag paalam na ako na hindi ka magtetraining"

Sinubukan niya na kunin sa akin pero napa upo siya dahil sa balakang. "See? Paao ka makakapag training niyan?"

"Kasalanan ko ba?"

Nilapag ko yung bag niya at hinawak yung braso niya para alalayan siya papuntang kama "I know its my fault. Tara na gamutin na natin yan"

Hindi naman siya nagreklamo at naglakad papuntang kama. Pinatalikod ko siya sa akin at tinaas ko yung damit niya para malagyan yung balakang niya ng yelo.

"Masakit ba?"

Dahan dahan lang yung pagpapatong ko ng yelo para hindi siya masaktan "Okay lang"

Patuloy lang ako sa paglalagay ng yelo sa kaniya hanggang sa makatulog siya ulit. Binaba ko na yung damit niya at umupo ako swivel chair niya. Lumabas na muna ako para kunin yung laptop ko sa kwarto ko. Pagbalik ko, tulog pa rin siya. Naglaptop muna ako at nagfacebook, matagal na matagal na rin simula ng makapag facebook ako

CHOICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon