CHAPTER 17

6K 110 1
                                    

Chapter 17


Alyssa's POV

"Bal, what if we lose againts Lasalle?"

Napatingin naman ako sa kaniya. Andito kami ngayon sa kwarto. Gusto lang magsolo. Kung nasa baba kami, makikigulo nanaman yung mga ugok.

"Babe, ayan nanaman ang pag oover thinking mo. Wala pa nga oh? Bukas pa yun"

She hugged my waist so I put her head on my arm to be her pillow "Eh bat hindi tayo nagtetraining?"

"Gusto ni coach na magrelax tayo at wag mabugbog sa training lara naman hindi mukhang mga lantang gulay bukas"

Tumango siya "I'm really hoping na sana manalo tayo. If ever man, I'm sure you'll be the finals mvp"

"I'm not thinking about that. Enjoy na lang moment natin together"

Tumingin siya sakin, kaya napatingin din ako sa kaniya "Bal, punta tayong mini court sa garden"

"Bakit?"

Tumayo na siya at pumunta sa pinto ng kwarto ko "Basta, wear mo yung pangtraining ha?"

Tas lumabas na siya. At dahil masunurin ako, sinunod ko naman yung prinsesa ko. Pagbaba ko, wala pa si Den. Nakatingin silang lahat sakin ng nagtataka

"Oh Ly? Bat naka pangtraining ka?" tanong ni A

Nagkibit balikat ako "Ewan ko kay Den. Sabi niya punta daw kami sa mini court tsaka magbihis daw ako ng pantraining"

"Bal tara na"

Napatingin ako sa hagdan at naka pangtraining na din siya. Pumunta kami sa mini court. Naka set na yung net doon. Sumunod din samin si Jem. Naka pangtraining din.

"Ano ba gagawin natin babe?"

Ngumiti siya "Pumalo ka lang ng pumalo. I'll train my defense. Para walang malaglag na bola bukas sa floor"

"Oo nga Ly. Gawa na rin tayo ng plays" sabat ni Jem

"Oh? Eh bat kayo lang? Syempre join kami"

Napatingin kami sa pinto ng mini court andun silang lahat naka pangtraining.

"Asan si Jus?" tanong ni Den

Kumuha ng bola si Dzi tsaka sinagot si Den "Pumuntang Admu may ipapasa daw eh"

Nagsimula na kaming lahat. Set lang set samin si Jem. Nasa kabilang court kami, si Den din nasa kabila. So far so good kasi lahat ng baon naming tira kuha niya. Magaling naman kasi talaga tong baby ko eh. Pinagbreak muna kami ni Dzi kasi isang oras na kami nagpapaluan. Kinuha ko yung tumbler ko at umupo sa tabi ni Den.

"Babe, water oh"

Kinuha niya yung tubig at uminom. Kinuha niya rin yung towel ko at pumunta sa likod ko "Bal, okay ba defense ko kanina?" tanong niyw habang pinupunasan yung likod ko

"Oo naman babe. Wala ngang namamatay na bola eh" sabi ko

Nilagay niya na yung towel sa likod ko at bumalik sa tabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya "Bal, may naging girlfriend ka na ba or boyfriend?"

"Bat mo naman natanong baby?"

Tumingin sya sakin "Just answer it"

"Oo naman. I had girlfriend"

Tumango sya "Ah. Bat kayo nagbreak?"

"Nakakasawa na kasi yung dynamics naming dalawa. Parati na lang kami nag aaway."

CHOICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon