Chapter 1
Sobrang ingat. Napaka-ingat ng bawat pagdampi niya sa maligamgam na bimpo sa aking na-sprained na paa. Hindi ko kayang gumalaw para istrobohin siya. Para akong estatwa na nakaupo sa malambot na sofa habang pinapanood ang bawat galaw niya. Sobrang lapit niya at naamoy ko ang bango niya, parang ang sarap niyang singhutin pero pinipigilan ko lang ang sarili.
Ayokong maisip niya na creepy ako.
Papadilim na at hindi ko alam kung naiinip na ba si Summer kakahintay sa akin. Wala rin akong natatanggap na text o sadyang wala lang talaga siyang load pang-text.
“Magpahinga ka muna saglit dito. Sa tingin ko hindi mo pa kayang maglakad.”
Napakurap ako at tumitig sa kanya na tumayo. Ang paningin niya ay nasa paa ko parin.
“K-Kung hindi nakaka-istorbo, ayos lang ba?” kandautal ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Para akong mababaliw. Ano bang nangyayari sa ‘kin?
“It’s fine. Besides, it’s my fault. Kung hindi ako busy mamaya, ako na ang maghahatid sayo.”
Mabilis akong umiling kahit gusto kong ihatid niya ako pauwi. Hindi ko man tanungin ay sa tingin ko’y nagtatrabaho siya dito. Nakasuot siya ng formal attire at mukhang may meeting siyang pupuntahan mamaya.
“Mawawala rin ang sakit nito mamaya dahil sa paggamot mo. Kaya ko naman. Tsaka, hindi naman masyadong malayo ang bahay namin.” Sinubukan kong ngumiti ng tipid kahit parang ayaw makisama ng labi ko.
Tinitigan niya ako ng matiim. Ngayong nakatitig siya sa ‘kin ay saka ko lang napansin na kulay tanso ang mga mata niya. Matangos ang ilong nito at ang impis na labi ay mamula-mula. Ang kinis ng balat at mestiso, ang buhok nito na medyo magulo ay mas bumagay lang sa kanya.
Bakit napaka-gwapo niya?
“Are you sure?” Paninuguro niya na dahilan para alisin ko ang pagtitig sa kanya.
Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi sa kaalamang nahuli niya ako sa ginawa ko.
“I’m sure. Hindi mo naman kasalanan kaya ako nagkaganito, sadyang magugulatin lang talaga ako.” I said. “and thank you for treating my sprained. Ang bait mo.”
May dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya pero agad ring naglaho kaya hindi ko natukoy kung ano ‘yon.
“Anyway, I haven’t seen your face here before. Aplikante ka ba?” kinuha niya ang first aid kit at isinauli ito sa lalagyan. Ang tingin ko ay palaging nakasunod sa kanya.
“Mag a-apply sana ako para sa OJT. Ang kaso nasa maximum applicants na ang kompanya kaya hindi ako naka-abot.”
“So you’re a graduating student.” Napatango-tango siya. “Gusto mo ba talagang mag OJT dito?”
Bahagyang nangunot ang noo ko sa tanong niya pero hindi na ako nag-usisa pa. Baka kasi p’wede niya akong matulungan na makapasok dito. Baka lang naman.
“Oo naman. Bukod sa nandito ang kaibigan ko, sigurado akong magiging maganda rin ang experience ko dito. Matagal ko na ring pangarap na makapagtrabaho sa isang malaking kompanya. Tsaka malay mo, ‘di ba? Baka dito rin ako magtatrabaho pagkatapos kong grumaduate.”
YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...