PROLOGUE

641 14 0
                                    

Finally after the long wait😭 nakapag-edit na rin ako sa wakas! Enjoy reading readers! ♥️

Prologue

“Nice! Congratulations!”

Naiiyak na sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Summer nang magkita kami sa harapan ng gate. Maraming estudyante na napatingin sa amin pero wala kaming pakialam kahit pagtinginan kami.

Ilang araw ko rin siyang hindi nakita dahil sa sinalihan kong competition na kahapon lang natapos. Sa sobrang busy ay hindi ko na siya nagawang i-update.

“Thank you, Summer. Salamat sa walang sawang suporta mo sa akin.”

“Sus, walang anuman ‘yon. Ang saya-saya ko na nanalo ka talaga. Well, hindi naman talaga nakakagulat.”

“Ang dami ko kayang kalaban na magagaling,” lumayo ako para tingnan siya. “hindi ko ‘to ine-expect, Sum.”

“Hindi mo ine-expect pero as long as may tiwala ka sa kakayahan mo ay talagang expected mo na ‘to. Hindi lang ako ang proud na proud, Nice, pati buong eskwelahan.”

Good mood na good mood ako sa umagang ‘yon kahit wala akong almusal at kape lang ang nainom. Kahit kumakalam ang sikmura ko sa klase ay hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi. Hindi ko kayang indahin ang gutom at bahagyang pananakit ng ulo dahil ramdam ko ang saya ng mga kaklase ko para sa akin.

This is a huge achievement for me. Hindi lang ito ang nag-iisang panalo ko pero hindi parin ako sanay sa kanilang paghanga sa akin. Nakikita at nararamdaman ko kung gaano sila ka-proud sa akin

“May competition ka na naman bang sasalihan before sa OJT natin?” tumabi ng upo sa akin si Summer matapos ang huling klase namin sa tanghali. Sabay kaming kakain at sa suki na naming karenderya sa labas.

“Sa tingin ko wala na. Kailangan ko na rin kasing mag fucos sa OJT dahil sa susunod na linggo na ‘to gagawin. Hindi pa nga ako nakakapag-apply, ‘di ba?”

“H’wag mo na ‘yang problemahin. Sabay ka na lang sa ‘kin. Tumatanggap naman ng OJT ‘yong na apply-yan ko.”

Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Hindi pa ba ako huli?”

“Hindi ‘yan,” ilang ulit na umiling siya. “samahan kita sa biyernes after ng klase natin.”

Dahil mukha namang maganda ang kompanya na sinasabi niya ay pumayag na ako. Wala na rin akong choice dahil wala na akong oras para maghanap pa ng ibang kompanya. Karamihan pa naman dito sa amin ay hindi tumatanggap ng OJT.

Habang pasakay ng jeep ay kinuwento sa akin ni Summer kung saan itong kompanya ka sinasabi niya. Napapatango na lang ako dahil pati ako ay kombinsidong-kombinsido.

“Tsaka ang gwapo ng boss nila naku! Kung kasama mo lang talaga ako do’n, baka pati ka kikiligin.”

Nangunot ang ilong ko sa sinasabi niya. Pumara na kami at bumaba ng jeep dahil kailangan na lang naming maglakad papunta sa pakay namin.

“Baka naman nag apply ka lang kasi gwapo ang boss nila?”

“Hindi!” natawa siya sa sarili. “well, pwede rin. Pero maganda ‘yong kompanya nila sinasabi ko sayo. Hindi ka magsisisi.”

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now