CHAPTER 31
Akala ko wala ng mas ikakasakit pa no’ng iniwan kami ni papa para mangibang bahay. Akala ko ‘yon na ang pinakamasakit kong mararanasan dahil sinanay ko ang aking sarili na tumayo bilang maging matatag, matapang at hindi madaling masaktan. Ngunit heto ako ngayon at hindi mapigilang mapaiyak sa mga salitang narinig mula sa aking asawa. Ang puso ko ay tila pinira-piraso sa nalaman. I just heard my heart broke into pieces.
“Who are you? Why are you here?” he asked once again as I stared at him painfully. Unable to comprehend the right words. To tell him that I am his wife and we’re having a baby.
Talaga lang, Nice? Parang noon lang ay gusto mo pang ipagkait sa kanya ang anak ninyo.
I closed my eyes tightly as my subconscious scolded me. Pinunasan ko ang aking luha at pinakatitigan siyang maigi.
“I…” I swallowed the lump in my throat and spoke. “I’m in the right room to visit you. Y-You don’t remember me at all?”
Confusion and doubt were mixed in his eyes as he shook his head. “I’m sorry, Miss. But I don’t know you at all. Why am I here anyway? Where’s the doctor?”
Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong muli ang pagkabasag ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ako nakagalaw para sabihan si Clarise tungkol sa nangyari at tumawag ng doktor para tingnan ang lagay ng asawa ko.
It was heartbreaking to witness my husband being clueless and confused with strangers around him. Kaya mas pinili kong lumabas at hayaan sila doon na kausapin ng mahinahon ang aking asawa. Dahil kung naroon ako, iiyak lang ako at masasaktan dahil hindi niya ako maalala. At ayokong maging dahilan iyon para maapektuhan ang anak namin.
Good thing Clarise didn’t followed me when I decided to go to the garden. May iilang tao roon na nagpapahangin at karamihan ay mga bata kasama ang kanilang mga magulang. I thought it would keep me preoccupied from what happened but it’s not.
Masakit parin ang puso ko sa mga nalaman at nasaksihan. Parang hindi ko kayang harapin ang aking asawa sa kaalamang ako ang may kagagawan ng kanyang sinapit ngayon. Even if they said that it wasn’t my fault, I would still blame myself. Kasalanan ko kung bakit ngayon ay wala siyang maalala. Kung bakit hindi niya ako maalala.
Kung hindi pa ako pinuntahan doon ni mama ay hindi pa ako aalis sa lalim ng aking iniiisip. Nakaalalay sa akin si Clarise pagkapasok ko sa aking kwarto habang si mama ay nagpaalam na uuwi muna at babalik lang.
“Nice…” si Clarise na tinawag ako sa mahinang boses at tinabihan sa pag upo. “magiging maayos rin ang lahat.”
“Paano?” muling pumatak ang kanina ko pa pinipigalang luha. “Paano magiging maayos ang lahat kung mas lalo lang lumala ang nangyari? Hindi ako maalala ng asawa ko, Clarise. K-Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito.”
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi mo kasalanan ang nangyari? Hindi mo naman ginusto ang lahat ng ito. Makakaalala man o hindi si Elijah, ang importante ay naroon ka sa tabi niya. Samahan mo siya, Nice. Iparamdam mo sa kanyang maganda ang intensyon mo at parte ka ng buhay niya. Kausapin mo siya kahit masakit na ikaw lang ang nakakaalala sa inyong dalawa.”
I became silent after she said those words that made me think of. Pinaghalong takot at sakit ang pumipigil sa akin na harapin si Elijah. Takot na baka itulak niya ako palayo dahil hindi niya ako maalala. Sakit dahil sa aming dalawa ay ako lang ang nakakaalala ng aming pinagsamahan.
“Pag-isipan mo ito ng mabuti, Nice. Baka sa huli ay magsisi ka pa.” huling paalala ni Clarise bago ako iwan doon para makapag-isip.
Tulala at hindi ko mawari ang kailangang kong gawin. Sa bawat pagdaan ng Segundo ay mas lalong nangingibabaw ang kaba ko.
But I know deep inside that I have to do something. Kailangan kong gumawa ng paraan para ayusin itong sinimulan ko. Taking a huge risk scare the hell out of me but if I won’t take it, it might turn into something bad. To something I might regret at the end. Kaya bahala na ang kontrata, bahala na itong kaba na lumulukob sa aking puso. I need to do something for my man. To someone I love the most.
Sa nanghihinang mga tuhod ay tumayo ako’t inayos ang aking sarili para maging presentable. Nasa mga mata ko parin ang bakas ng pag-iyak pero wala naman akong magawa para alisin ito.
I took a deep breath and held my tummy. “We’re going to your father, be good and strong for us, okay?”
After deciding what I needed to do, I went into my husband’s room. Wala akong narinig na boses no’ng kumatok ako kaya kahit walang permiso ay pumasok parin ako. I found him sleeping peacefully and even though he’s in this state, he remained handsome as usual. Tahimik kong isinara ang pinto kapagkuwan ay hinila ang upuan doon upang maupo sa kanyang tabi. I stayed silent as much as possible, afraid I might wake him up.
Hindi ako konento na ganito lang, pinapanood siyang matulog na parang walang nangyari. Na tila alam pa niyang may asawa siya’t magkakaanak na kami. It hurts to see him like this. But as Clarise said, I just need to show and prove to him that I’m part of his life.
Inabot ko ang kamay niya’t pinagsiklop ito sa ‘kin. The warm of his hand made me smile and contended even just for a little bit. I leaned and kiss it, decided to stare at him for a longer period of time but because of my pregnancy that affected my hormones and exhausting day, I fell asleep while holding his hand.
Nagising lang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking ulo. Napakasuyong paghaplos na tila isa akong babasaging bagay na hindi dapat magasgasan. It felt so good I wanted to sleep again but then I remembered where I am. Napabalikwas ako ng bangon at una kong natingnan ang mga mata niyang masuyong nakatingin sa akin. I can see the longing in his eyes. The sadness and disappointment but I don’t know why.
“Elijah.” Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, yayakapin ba siya o iiyak sa harapan niya sa sobrang saya.
Does he remember me right now? Does my husband know that I am his wife?
“Stop crying. Tears aren’t suited in your beautiful face.”
Hindi ko man lang namalayan na tahimik na pala akong umiiyak kung hindi niya lang sinabi at pinunasan ang aking pisngi. Hindi ko na napigilan, tumayo ako’t niyakap siya ng mahigpit pero sapat lang para hindi siya masaktan.
“Elijah…”
“Shh, I know, I know. It’s not your fault, wife. It’s no one’s fault.”
Marahas akong umiling. Napakagaan at saya ng puso ko na ngayon ay nakaalala na siya pero hindi ko parin matanggap na dahil sa akin ay nangyari ito sa kanya.
“Akala ko hindi mo na ako maalala. Akala ko hindi ka na babalik sa akin.” My voice cracked as I said those words to him. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko pero mas nanaig parin doon ang pagmamahal ko sa aking asawa.
“That would never happen, wife.” I felt him kissed my head. “Hinding-hindi ko kayo iiwan ng anak natin.”
Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng hininga sa sinabi niya. My tears stopped as I let go of him, stared in his eyes with confusion and excitement.
“You knew?” I gasped, paanong nalaman niya na magkakaanak na kami? Did Clarise told him about my pregnancy? I doubt.
He nodded. Masuyo siyang ngumiti at sinakop ang aking magkabilang pisngi. “Before I came here in Cebu, I searched you in the house but you weren’t there anymore. Buong akala ko iniwan mo na ako dahil sa nalaman mo. Gusto kong kausapin ka para ipaliwanag sayong wala namang nangyaring labag sa kasal natin. I would never hurt you, nor cheated on you, wife. Masyado kitang mahal para gawin ‘yon sayo. While staying in our bedroom, I found something precious more than my life.” Bigla siyang lumayo at may kinuha sa drawer ng bedside table. Pinanood ko lamang siya kahit parang lalabas na ang puso ko sa mga binitawan niyang salita. “I found this.”
He showed me the thing he mentioned and it made me cry again. Ang tinutukoy niya ay ang pregnancy test kit na sa pagkakaalam ko ay iniwan ko sa isa sa mga drawer doon sa banyo.
“I know right in then that I need to protect you, love you and stay with you as long as God let me. I don’t care about the contract and inheritance at all. Ang nasa isip ko lang nang malaman kong magkakaanak tayo ay hinding-hindi kita pakakawalan. If you don’t love me, then I’m willing to do anything and everything just so you could reciprocate my feelings. ‘Wag niyo lang akong iwan.”
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng luha na hindi ko mapigilan. Panay ang pahid niya at halik sa aking nuo para patahanin ako. Naghahalo ang emosyon na lumulukob sa aking puso. But despite of these mixed emotions, the love and contentment were overflowing.
“You are my treasure, wife. Thank you for bringing another treasure in my life.” He whispered as he kissed my forehead intently.
Wala na akong nagawa kundi umiyak sa kanyang bisig. Lahat ng pag-aalala at pangamba ay parang bula na naglaho sa kanyang sinabi. Those words were enough for me to be contended. His efforts and care are more than enough reason to stay by his side.
It was my worth I was questioning. Kung talaga bang sa kontrata lang kami magtatapos at wala ng iba or will something might change? And I guess someone answered my prayer for a very long time.
Dahil bawal sa buntis ang mamalagi ng matagal sa ospital ay kinailangan kong umalis at magpahinga sa bahay. Even though I wanted to stay by his side and talk, I don’t want to risk my baby’s health and that’s what also he wants. Kailangan niyang manatili pa ng ilang araw sa ospital para suriin ang kanyang kalagayan lalo na ang kanyang ulo na mas naapektuhan. Bukod sa wala siyang maalala noong una ay wala namang ibang komplikasyon na makakasama sa kalagayan niya.
It was too sudden but everyone in my family knows now that Elijah and I are married. I kept the details hidden because that won’t matter at all right now. May pagtatampo parin si mama dahil sa paglilihim ko pero tanggap at masaya siya sa balita. Lalo na at magkaka-apo na siya.
Things aren’t easy for us especially for Elijah because he was hospitalized and he need to recover as soon as possible. May mga projects pa siyang kailangan asikasuhin pero ayoko siyang madaliin dahil sa kanyang kondisyon. Tumatawag naman sa akin si Summer to keep me updated sa company.
And for that bitch Nadia, I banned her and made sure that she can’t go near my husband again. Kahit makiusap siya sa kanyang ina, wala ‘yong magagawa. Thanks to my friend Sarah, I owe her.
Madalas lang akong makabisita kay Elijah dahil nga buntis ako pero kapag may pagkakataon naman ako ay talagang sinusulit ko. Katulad na lang ngayon, papunta ako sa kanyang kwarto bitbit ang isang basket na prutas. Gusto pa nga akong samahan ni Clarise pero kaya ko naman kaya hindi na siya nagpumilit. Isa pa, maraming aasikasuhin sa bahay dahil bukas uuwi na kami. Discharge na rin mamaya si Elijah kaya sasama siya sa amin pag-uwi.
Malapit na ako sa kanyang kwarto ng lumabas ang isang nurse, ngumiti ito sa akin nang mapansin ako bago nagmamadaling umalis.
My forehead creased. “What’s with her?”
Pumasok ako sa kwarto ni Elijah at natagpuan itong nag-aayos na mukhang aalis na. He faced me and instantly smiled; it made my heart melt.
“You’re finally here.”
“Bakit ka nag-aayos? Mamaya ka pa madi-discharge.” I said and put the basket on the table.
“They discharge me early. The doctor said I can have my recovery in the house. Basta pumunta parin raw ako sa ospital para ma monitor ang kalagayan ko.”
I nodded and walk towards him. “Mabuti naman kung gano’n. Do you want me to call my cousins? Papasundo tayo sa kanila.”
“No need.” He enveloped me in his arms and rested his chin on my head. “Let’s have some moment for a while.”
I smiled and hug him back. His warmth was soothing and I miss this feeling. After a moment of silence, I spoke.
“I’m sorry—”
“Shhh.” He cut me off. “How many times do I have to tell you to stop saying sorry because what happened to me was not fault. I did what I have told to because I know it was your cravings. As a husband and soon to be father, I needed to fulfill your needs. So please don’t say sorry, it hurts me.”
I bit my lower lip to stop myself from crying. Since I am pregnant, I was always too emotional even in small things. I always been praying that this would last forever; if that’s even possible. I don’t want to leave Elijah’s side.
Kumawala ako sa yakap para siya’y titigan. Kahit naka benda pa ang kanyang ulo dahil sa injury ay hindi ‘yon naging sagabal sa kanyang kagwapuhan. He will always be the handsome man in my eyes.
“Thank you. I love you.”
“I love you too.” He kissed my forehead. “I want to start my life with you again, this time, without the agreement.”
Kumunot ang nuo ko na tinitigan siya. “What do you mean?”
He stared at my eyes and smiled. “Will you marry me? Again?”
I couldn’t even think twice at his offer. Medyo natawa pa nga ako sa paraan ng kanyang pagtanong dahil mukha siyang takot na hindi ko tanggapin ang kanyang alok.
“Of course.” I cupped his cheek and smiled widely. “That would be the greatest offer I’d like to accept. Not the agreement.”
Natawa siya sa sinabi ko at binigyan ako ng halik sa labi. “My bad if I can’t give you a ring right now. It was a spur of moment. Ayoko ng pakawalan ka.”
“I still have our ring, though.” Ngumisi ako at pinakita sa kanya ang singsing kung saan kinasal kami dahil lamang sa isang kasunduan. Kung ako ang masusunod, ayoko itong tanggalin. It was the witnessed of our first matrimony even though it was all because of the agreement.
Hindi na kami nag tagal ni Elijah sa hospital dahil bukod sa bawal sa akin ay kailangan na talaga naming umalis. Sinundo kami ni Peter pauwi sa bahay at kahit kakauwi lang ni Elijah ay siya ang nagmaneho sa amin papuntang airport. Staying here was a great time, and I promise Clarise that I would be back with my child.
“Let’s go?” Inakbayan ako ni Elijah papasok sa gate kung nasaan ang kanyang private jet.
I smiled and wrapped my arms around his waist. “Yep, let’s go home.”RHNA24 | rhiena manunulat

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...