Chapter 3
Sa sumunod na mga araw ay masasabi kong naging maganda ito. Nasanay na ako sa mga dapat kong trabahuin, kung saan at sino ang dapat kong puntahan, at sa presensya ni Elijah na boss ng kompanya. Naka-get over naman na ako sa kaalamang siya ang CEO dito at ang magiging asawa ko sa papel pagkatapos kong grumaduate. Nung una palagi akong tulala habang iniisip ito, kung totoo ba talagang mangyayari ang bagay na ‘yon. Pero ngayon, hindi ko na namamalayang ngiting-ngiti na ako.
Mababait halos lahat ng empleyado. Ang mga ibang ojt’s naman na kasama ko ay hindi ko alam kung may galit ba sa akin o ano. Hindi ko na lang pinapansin.
Si Summer naman, ayun tuwang-tuwa dahil gwapo raw ang director ng HR tsaka binata pa. Napapailing na lang ako dahil halos araw-araw ay iyon na lang ang bukang bibig niya. Mukha lang siyang malandi pero masipag mag trabaho ang kaibigan ko kaya hindi ako nag-aalala sa kanya na baka ma-kick siya dito.
Ako naman, eto, nag p-pile ulit ng mga natapos nang pirmahan na papeles ni sir Elijah.
Wala siya ngayon dito dahil may conference meeting siya. Pagkatapos naman ay may business meeting ulit sa isang restaurant. Busy ang schedule niya ngayon kaya minsan lang siya dito sa opisina, kaya kadalasan ay ako lang mag-isa ang naiiwan.
Walang kaso ‘yon sa ‘kin, nakakahinga nga ako ng maluwag kapag wala siya, at least hindi ako tensyonado. Pero itong mata at puso ko, gusto siyang makita. Para akong tanga palagi na patingin-tingin sa pinto, nagbabakasakaling papasok siya bigla.
Mabigat akong napabuntong hininga. Tinapos ko na lang ang dapat kong tapusin para makapag-lunch na. Ten minutes bago mag lunch pero gusto ko ng bumaba, kailangan kong puntahan si Summer.
Habang nasa elevator ay nag beep ang phone ko. Mabilis ko itong tiningnan at parang baliw na nakangiti agad ako. It was from Eli.
Elijah:
Off to my business meeting right now. Don’t forget to eat your lunch. Pasensya hindi kita masasabayan ngayon.Hindi ko namalayang kagat-kagat ko na pala ang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala rito. Parang nawalan ng lakas ang mga daliri ko para mag tipa ng reply kaya ibinalik ko na lang ang phone sa bulsa. Naiiling na lumabas ako ng elevator pagkarating sa HR Department.
Dahil busy at marami kaming tinatapos na trabaho ay sabay kami minsan ni Eli na kumain sa opisina. Nag o-order lang siya at mula no’n ay sabay na kaming kumakain. This is his first time that he texted me to don’t forget to eat.
Ayokong may isiping kakaiba dahil likas na mabait si Elijah. Pero hindi ko pa rin mapigilang ngumiti sa mga ina-akto niya.
Binura ko na ang ngiti sa labi nang makarating sa cubicle ni Summer. Abala siya sa pag t-type ng kung ano kaya hindi niya agad ako napansin. Bahagyang kunot ang noo nito na para gigil sa ginagawa.
“Ang talim naman ng tingin mo sa computer.” Kuha ko sa atensyon niya.
Nag-angat siya ng tingin at umismid. “Wala ‘to. Report lang ‘to na hindi ko matapos-tapos.”
“Akala ko ba magaling ka diyan?”
“May sinabi ba ako?” May kinalikot siya sa computer para mai-save ang ginagawa.
Natawa ako sa inis niyang itsura. “Tara na nga, kain na tayo.”
“Heh! Ikaw nga ‘tong hindi ako sinasamahan para kumain, tapos ngayon pupunta ka dito para yayain ako?”

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...