CHAPTER 13
“Welcome to our newly home, my soon-to-be-wife.” He said with utmost happiness.
I was just frozen there. Making sure if what he said was really true. Kung nasa totoong mundo ba ako o baka panaginip lang ‘to. But I know it’s not. Sinubukan kong kurutin ang sarili at nang sumakit ito ay nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa kanyang anunsiyo.
“I know it was too sudden but I can’t wait any longer.” Naglakad siya palapit, marahang hinuli ang kamay ko at doon ipinatong ang susi ng bahay na nasa harapan namin. “it’s better to be ready, don’t you think so?”
Sinubukan kong magsalita pero natatakot akong pumiyok kaya tumango ako. May nagbabadyang luha sa aking mga mata pero bago pa ito tumulo ay naroon na ang kanyang kamay para tuyuin ito.
“I’m sorry I got busy. I just made sure that you will love the house that I pick. Hindi man ikaw ang pumili, hahayaan naman kitang i-organize lahat ng gamit sa loob.” He smiled. “I just thought about it last night and I forgot to inform you so, yeah. Bumili ako ng bahay natin. Kung saan tayo bubuo ng pamilya.”
Hindi ko na napigilang mapahikbi. Ewan ko. Sinubukan ko namang pigilan pero ang emosyon sa dibdib ko dahil sa mga binitawan niyang salita ay sobra na para sa akin.
He hush me and gently embraced me. Umiiyak ako sa kanyang dibdib habang pinapatahan ako na parang bata. Hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko pero hindi ito dahil sa lungkot o sakit. Sobrang saya ko. Napakasaya na naiyak pa talaga ako.
“K-Kaya ka ba busy buong araw?” tanong kong pumipiyok pa dahil sa pag-iyak.
Mahina siyang natawa at pinunasan ang mukha kong puno ng luha. Mahigpit ang hawak ko sa susi na nasa aking kamay, hindi pa rin makapaniwala na may sarili na kaming bahay.
“Yes.” He admitted it honestly. “ayoko ng humiwalay sayo, Rose. I want you to stay beside me. I want us to have a house where you can call it a home. Dito natin palalakihin ang tagapagmana ko.”
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa huli niyang sinabi pero hindi ko ito pinansin. I smiled sweetly and hug him. Walang katumbas ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
“Thank you. Thank you so much, Elijah. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.”
“It’s okay, I know you’re still overwhelmed. But before that, let’s get inside to check the house?” humiwalay siya at sinapo ang mukha ko. Nakangiting pinatakan ako ng halik sa labi nang tumango ako.
“Okay. Let’s go.”
He clasp our hand as we entered the house. Panay ang hininga ko ng malalim, kinakalma ang puso na sobrang bilis sa pagtibok. Halo-halong emosyon ang lumulukob sa akin at nangibabaw doon ang kasiyahan. I am lost for words at what he did. My soon-to-be-husband.
Ipinasok ko ang susi sa keyhole at pinihit ito pabukas para pumasok. An overwhelming feeling welcome me as we step inside. The huge house were empty. At alam kong sinadya ‘yon ni Elijah dahil gusto niyang ako ang mag desisyon kung ano ang mga gamit na ilalagay rito.
The huge chandelier were shining brightly even though it’s not lit. Gawa sa timber ang hagdan patungong second floor at glass ang harang nito. May iilang painting na naroon pero kulang parin sa laki ng espasyo ng bahay. I wanted so see the rooms above but this is enough for me now. Hindi ko nga alam kung saan magsisimula. Talagang napakasaya ko. Sobra.
“Well? You love it?” basag niya sa katahimikang namamagitan sa amin.
Nakangiting pumihit ako paharap sa kanya habang tumango-tango.
YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Любовные романы[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...