Chapter 4
Baliw na ako. Nababaliw na talaga ako.
Hindi ko kayang bawiin ang tingin sa aking singsing kahit panay na ang tilaok ng manok sa labas. Alam kong alas diyes na at tulog na lahat ng tao dito sa bahay pero ako, hindi ako makontento sa nakikita ko.
My engagement ring… it’s shining and it’s supposed to be it.
Wala akong maramdamang antok. Hanggang ngayon parang panaginip pa rin sa akin ang nangyari kanina sa resto. He just proposed to me. Madalian pero ramdam ko kung gaano niya ito pinaghahandaan.
Kahit hindi ganito ang iniisip kong magiging takbo ng kasal ko, sobrang saya ko parin. Itong puso ko, kanina pa mabilis ang tibok. Sa’tuwing naiisip ko ang itsura niya kanina, hindi ko mapigilang mapangiti.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na tulog na sina mama nang dumating ako kung kaya’t hindi nila nakita itong singsing sa daliri ko. Pero bukas, alam kong hindi ko ito matatago. Anong gagawin ko?
Naipikit ko ang aking mata at malalim na nag-isip kung ano ang kailangan at dapat kong gawin bukas. Ngunit dahil sa pagod ay hindi ko rin namalayang nakatulog na ako.
Kinabukasan ay hindi agad ako lumabas ng kwarto. Nag-iisang banyo lang ang meron dito at nandoon ‘yon sa sala. Alam kong ginagamit pa niyon ng mga kapatid ko kaya may oras pa akong manatili dito.
Kaso.. gusto kong tulungan si mama na mag handa ng agahan!
Inis na napabangon ako at mahinang napasabunot.
“Anong gagawin ko?”
Sa huli ay nag desisyon na lang akong hubarin ang singsing at itago ito. Pagkatapos, inayos ko ang higaan at lumabas ng kuwarto para tulungan si mama.
Pero mukhang hindi na kailangan dahil kumakain na ang mga kapatid ko. Handa na silang pumasok sa eskwela at si mama naman ay inaasikaso ang pananghalian nila.
“Magandang umaga, anak. Napatagal yata ang gising mo? Anong oras ka na ba nakauwi kagabi?” Si mama na kumuha ng plato, kutsara’t tinidor at ibinigay sa akin.
“Gabi na masyado, ma. Pero nakatulog naman ako agad.” Kahit hindi naman talaga.
“Baka ma-late ka niyan. Hindi pa pumupunta si Summer dito para samahan ka.”
“Siguro nauna na ‘yon. Maaga pa naman, may oras pa ako bago pumasok.”
“O, siya. Kumain ka na at nang hindi ka ma-late.”
Tumango lang ako at nagsimulang kumain. Mayamaya rin ay nagsimula na ring kumain si mama. Nauna nga lang ang dalawa kong kapatid dahil tapos na sila at kailangan na nilang pumasok.
Ako ang nag hugas kahit ayaw ni mama dahil baka ma-late ako. Pero panatag naman ako na hindi kaya wala na siyang nagawa sa kakulitan ko.
After I was the dishes, I went to my room to get my towel and took a quick bath. Mabilisan ang bawat galaw ko dahil alam kong traffic papunta sa kompanya. Nag-text rin si Summer na nauna na siya dahil napatagal ang gising niya.
Mabilis kong kinuha ang bag at nagpaalam kay mama na aalis na. Mabuti na lang at mabilis akong nakasakay ng jeep sa kanto kaya hindi ako na-late. Naabutan ko pa si Summer na papasok sa elevator kaya tinawag ko at sumabay sa kanya.

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...