Chapter 28
“Ha? Seryoso ka, wala ka ngang dalang damit tsaka isang tuwalya lang dala ko. May extra naman akong damit dito pero sigurado ka ba talaga? Kakaligo mo lang naman.” Tanong ni Clarise na parang hindi parin makapaniwala sa gagawin ko kaya tumango ako.
“Oo, bakit naman hindi? Hindi mo naman sinabi na maraming tao pala dito sa poso na nililiguan niyo.”
“Unusual nga dahil hindi naman ganito karami ang mga tao dito, lalo na mga babae. Sa tingin mo bakit?”
I sighed. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang alam o kung tinutukso niya ako. Either of those two, I’m not happy about it. Mas sumasama lang ang timpla ko dahil sa ingay na naririnig sa mga kababaehang pinagpapantasyahan ang asawa ko.
Nagtatampo ako, oo. Medyo galit parin ako sa kanya at talagang nasaktan ako pero asawa ko parin siya! That is my husband you freaks!
“Clarise! Maligo pud mo?!”
Napakurap ako at sinundan ang tingin nang may tumawag at natagpuan ito malapit sa poso. Hindi ko kilala kung sino at hindi ko masyasong maintindihan ang sinabi pero sa tingin ko tungkol ito sa pagligo.
“Oo, Dan! Naa pay bakante diha? Maligo ming duha aning agaw nako ba!” (Meron pa bang bakante diyan? Maliligo kami ng pinsan ko)
My forehead creased. I can’t understand what they’re saying.
“Naa pa diri, ali na mo!” (Oo meron pa, hali kayo)
Clarise giggled and thank the man. Nang mapansin niyang nagtataka ko siyang tiningnan ay natigil siya sa paghakbang.
“Tinatanong ko lang kung may bakante pa para doon tayo maligo. Ayaw mo ba puntahan ang bisita mo?”
My irritation is back again. I heaved a deep breath and sighed softly as I smiled, I want to assure her that I’m alright and I don’t want to do what she said.
“Let’s just take a bath, you know?”
“Hm-mm. Sabi mo, e.”
Hinila ko na siya para puntahan ang bakanteng parte malapit sa poso para maligo. Sinadya kong hindi mapatingin sa kabilang parte ng poso kahit alam kong may nakatingin sa amin. From my peripheral vision, I know he’s watching me.
“Bagong mukha, pinsan mo?” tanong ng lalaking kausap kanina ni Clarise at sa pagkakataong ito ay naintindihan ko na siya.
“Oo, galing Maynila. Kahapon lang sila nakarating kaya medyo baguhan pa siya dito. Si Nice nga pala. Ito naman si Dan, dito lang siya nakatira.”
I smiled timidly and greeted him. “Nice to meet you.”
“Nice to meet you rin.” He smiled and glanced back at my cousin. “gwapaha sa imong agaw deay oi, wala man ka nag ingon.”
“Kay ngano? Sus, ayaw pag-ana, Dan. Naa na ni uyab akong agaw. Off limits.”
I was just staring at them cluelessly, I don’t understand what they saying pero medyo naintindihan ko ang huling sinabi ni Clarise. Uyab, nobyo. Bakit niya nasabi ‘yon?
“Asawa gani mailog, uyab pa kaha?" tumawa si Dan at nilingon ako kaya ngumiti na lamang ako kahit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi.
“Ewan ko sayo, Dan.” Clarise rolled her eyes at him and started bathing. Inaya na rin niya ako kaya naghanap ako ng mapaglagyan ng cellphone na hindi mababasa bago sinunod ang kanyang ginawa.
It was actually fun taking a bath outside with a lot of people. It’s been so long since I last did this and I was so young back then. Hindi ko na nga maalala kaya masaya akong nagawa ko ulit ito. Kapag nakabalik ako ng Manila, alam kong hindi ko na magagawa ang mga bagay na ‘to kaya susulitin ko na hangga’t nandito pa ako.

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romansa[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...