Chapter 8
Everyone was so busy preparing for the team building that even Eli and I can’t spare our time to be alone together. Which was the reason of him being so moody these past few days. Every Departments has now its fifteen representative and after settling everything, we are waiting for the final day which is tomorrow.
Kaya maaga akong umuwi kinahapunan at nag text lang kay Elijah na hindi ako makakasabay sa kanya dahil kasama ko naman si Summer. We’re going to buy beach clothes since we both got chosen to this team bulding.
Sobrang saya ko nga nang malaman kong isa siya sa makakasama sa mga ojt. Bukod sa aming dalawa, meron ring napili pero hindi ko na alam kung sino. What’s important for us right now is to get preared for tomorrow. Nag-text nga si Tita na gusto nilang sumama ni Tito pero may iba silang lakad. Kung kaya ng oras nila, susunod na lang daw sila.
“Ano pa bang gusto mong bilhin bukod sa beach clothes?” saad ni Summer habang naglilibot kami sa loob ng Mall para maghanap ng magandang boutique.
“Sunscreen and such? Basta ang kailangan ko lang talagang bilhin ngayon ay ang susuotin ko.”
“Ayaw mo mag bikini?”
Napangiwi ako’t napailing. “No, no, no. Ayoko. Mag su-summer dress na lang ako kaysa sa mag bikini. Nakakahiya at maraming tao.”
“Bakit naman mahihiya ka?” She scoffed. “ang ganda ng katawan mo, Nice. Sexy ka at porselana ang kutis, manang-mana kay Tita Rochelle. Ayaw mo bang subukan?”
Ilang beses akong umiling sa kakulitan niya. “Hindi nga. Baka ikaw gusto mong subukan?”
“Sure, why not?”
I rolled my eyes at her silliness. Ni kahit kailan ay hindi pumasok sa isip kong mag two piece o one piece sa isang beach. Yes, we hang out a lot with our classmates in some beaches but I never got to try it. Nagsusuot sila at talagang namamangha ako dahil sobrang taas ng self confidence nila. Not that I don’t have self confidence, it’s just that it feels embarrassing.
Nakakamangha na kahit iba-iba ang kutis nila, hugis ng katawan at ang kanilang laki ay nagagawa nilang maging confident sa sarili. And I admire those people. I salute them because I know how hard to build confidence knowing that everyone around us has the freedom to judge and spit words they want as they see you.
Pumasok kami sa isang Hawaiian boutique at namili ng mga dress na natipuhan. Mostly I bought those spaghetti strap dress that I liked. Tinukso pa nga ako ni Summer nang mapadaan kami sa bikini area. They have a lot and different designs. Ako na lang ang nahihiya sa laki ng boses nitong kasama ko.
“Bili ka na, Nice. Bibili naman ako kaya support mo na ‘ko. Please?” she’s holding my hand while pleading to buy too.
Napatingin muli ako sa mga bikini at napangiwi. Hindi naman talaga masamang bumili at magsuot. Knowing na private island naman ang pupuntahan namin, alam kong may parte doon na walang katao-tao at kaming dalawa lang ni Summer. In that way, I can wear these bikinis.
Kaso masyado naman sigurong revealing itong nahintuan namin?
“Pero magsusuot ako ng cover up, okay?” Ani ko para manahimik na ang gaga. “bibili ako pero hindi ako nangangako na kaya ko itong suotin sa harap ng maraming tao.”
Her face lit up as she nodded. Para bang sapat na ang sinabi ko para maging buo ang araw niya.
“Game!”
I bought three pieces of bikinis that’s not too revealing. ‘Yong natatakpan naman kahit papaano ang kaluluwa ko at hindi ‘yong luwang-luwa talaga ang hindi dapat makita. Hindi ko nga alam na sa kakarampot na telang ito ay nagkakahalaga pa ng milyones.

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...