CHAPTER 11

153 8 0
                                    

Chapter 11

Our first day was a blast. I enjoyed a lot especially that it’s just the two of us. Hinayaan niya akong magliwaliw sa dalampasigan habang abala siya sa pagluluto ng hapunan namin. And while he’s busy preparing, I changed into my two piece clothes na hindi ko nasuot noong pumunta ako sa team building. And what surprised me while I was swimming was he joined with me wearing his board shorts.

And oh god.. ang laki ng pasasalamat kong biniyayaan ako ng katulad niya. I got to enjoy my hottest view.

Bukod doon ay naisipan naming mag night swimming at konting inuman habang nasa ilalim ng madilim na kalangitan. At siyempre, dahil ang sobrang ganda ng atmosphere ay hindi nakapagpigil ang lolo niyo.

He kissed me.

And thankfully it’s just a kiss. Dahil kapag hindi tumigil si Eli sa paghalik sa akin ay hindi ko alam kung saan kami aabot. I was so fascinated and lost while he was kissing me that I don’t know if I wanted to stop it or what. Nagtatalo ang isip at katawan ko sa totoong kagustuhan ko.

I didn’t regret it, tho.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising para maghanda ng agahan dahil may pupuntahan kaming lugar na nais niyang puntahan at hindi ko alam kung saan ‘yon. When I woke up, he’s nowhere to be find. Nang bumaba ako ay agad akong dumiretso sa kusina. Isang tingin pa lang sa nagluluto na walang ibang suot sa pang-itaas kundi apron ay busog na ako. May pandesal na at ulam, kanin na lang ang kulang.

“Eyes up here, sweetie. Baka matunaw ‘yan.” His chuckled echoed throughout the room.

Ngumuso ako’t inirapan siya bago naupo sa stool na naroon.

“Ano ba ‘yang niluluto mo? Nakakagutom ang amoy.”

“Fried rice with ham. Malapit na ‘tong maluto kaya hintay ka lang.”

I nodded. Nang tumalikod siya para pagtuunan ng pansin ang niluluto ay napatitig ako sa malapad niyang likod. He’s not that bulky but he has a lot of muscles. Tamang-tama lang para sa height niya. Ang malalaki niyang braso ay kayang-kaya akong balibagin sa isang iglap. Every time he move, his muscles were moving as well. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras.

Now that I got to look at him closely and surely, he’s really tall. Kung tatabi ako sa kanya ay hanggang dibdib lang siguro ako. I am confident at my height but when I’m with him, I felt so little. Ang dali lang niya akong akbayan dahil sa height difference namin.

Mayamaya pa’y tapos na siya sa pagluluto at mukhang iyon na ang panghuli dahil pinatay na niya ang stove at naghanda ng mga plato’t kubyertos. Tutulong sana ako pero naunahan na niya ako at naglakad palapit sa akin.

He then lean and kiss my forehead like he always does

“Good morning, Rose.” He greeted.

Pinigilan ko ang sarili na mamula dahil sa ginawa at sa halip ay nginitian siya.

“Good morning.”

He flashed his sweet smile as he sat beside me. Para akong naparalisa nang ilang sandali at hindi nakagalaw. ‘Yong puso ko.. oh my god ‘yong puso ko! Kaya pa ba heart?

“You okay? Don’t you want to eat?”

I looked at him. Nakatingin siya sa akin, nagtataka at nag-aalala ang mukha kaya mabilis akong umiling.

“I’m fine. Let’s eat.” Sabi ko at mabilis na kumuha ng pagkain para kumain. I know he’s confused right now but I hope he won’t ask me anything.

At mukhang narinig ni Lord ang hiling ko dahil hindi na ulit siya nagtanong habang kumakain kami. Panay kwento lang siya kung saan kami pupunta at siguradong magugustuhan ko raw doon.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now