CHAPTER 30

179 6 2
                                    


Chapter 30

Siren of the ambulance, vogue screams of fears and panics, someone's calling my name and my world were spinning and everything went black. That was all I remembered before losing my consciousness.

Puting kisame at amoy ng iba't ibang gamot ang sumalubong sa akin. Nanlalanta ang aking katawan at tila wala akong lakas para gumalaw o bumangon. My throat is dry and I want to drink some water. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari matapos mahulog ni Elijah at mabagok ang ulo sa matigas at malaking ugat.

Hindi mag sink in sa utak ko. Hindi mag sink sa akin ang nangyari sa aking asawa.

"Nice, gising kana pala."

Ang pamilyar na boses ni Clarise ang dahilan kung bakit ako napalingon sa kanyang kinaroroonan. Sa sobrang okupado ng utak ko ay hindi ko napansin ang kanyang pagpasok.

"Clarise."

"Bumili ako ng pagkain para sayo. Alam kong hindi ka kumain ng maayos kaninang umaga at kaninang tanghali dahil sa nangyari." She smiled but I can see that it didn't reach her eyes. She may be disappointed at what I did. It was my fault.

"Gusto mo ba ng tubig? May dala rin ako para sayo." Alok niyang muli at sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumanggi.

Dahan-dahan akong bumangon para maupo kahit medyo masakit pa ang aking ulo. Napahawak ako sa aking tiyan nang mapagtanto ang huling nangyari sa akin. Wala naman sigurong nangyaring masama sa aking anak, hindi ba?

"Heto, insan. Uminom ka muna bago kumain."

Nag-angat ako ng tingin kay Clarise at inabot ang isang basong tubig, sa uhaw ko ay naubos ko ito.

"Wala namang nangyari sa baby ko, hindi ba Clarise?" I asked. Hiindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kahit panatag naman akong wala talagang nangyari.

She pulled the chair and sat beside me before answering. "Good thing walang nangyari sa'yo at sa baby mo. Sadyang nahimatay ka lang talaga sa shock at stress."

I nodded. Huminga ako ng malalim sa takot na malaman ang susunod kong itatanong.

"H-How about Elijah? Anong... anong nangyari sa kanya?" my heart is pounding inside my rib cage. Para akong maiiyak pero tinatagan ko ang aking sarili.

"He's fine." She said. "For now. Under comatose parin siya pero stable na ang kanyang kalagayan. Kasama niya ngayon si Peter na siyang nagbabantay sa kanya, baka sakaling magising siya bigla. The doctor said to wait until he wakes up. Pero magmula pa kanina hindi pa siya nagigising. Masyado raw malakas ang pagkakabagok niya sa ugat."

Tila ako tuluyang nabingi sa narinig. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang malamang comatose ang aking asawa. What happen to him was my fault. Kung sana hindi umiral ang pag-iinarte ko, wala sana siya ngayon sa hospital at nakahilata. Sana nasamahan ko pa si mama sa huling sandal niya kay lola.

"M-Magiging maayos naman siya, 'di ba?" my voice cracked. My eyes started watering and before I know it, I was crying so hard. Clarise stood up and hug me to calm me down but it was not effective at all.

My heart is breaking. My world feels like it would stop spinning. I just can't accept what happened to him.

"Everything will be okay, Nice. Alam kong matapang na tao si Elijah. He will fight, hmm? Baka nga mamaya magigising na 'yon."

"Sana nga, Clarise. I really hope so..." My eyes started to get hurt but I don't care.

Ang isip at puso ko ay nasa aking asawa na wala paring malay. I am feeling guilty pero para saan pa itong pagsisisi ko kung nangyari na ang hindi dapat nangyari kung hindi lang ako nag-inarte. Kung sana... nakinig lang ako kay Clarise.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now