CHAPTER 17

152 7 0
                                    

Chapter 17

Everything is prepared. Everything for our wedding is already done. From the venue, invitation gifts, cakes, foods, and such. Sa pagkakaalam ko ay ang wedding gown at tuxedo na susuotin ni Elijah na lang ang kulang ayon kay Tita. Bukod kasi kay Eli, si Tita rin ang nag-asikaso sa kasal namin. I already told her that she don’t need to do it but she really insisted. Nakikita ko naman sa kanya kung gaano siya ka excited kaya hinayaan na lang rin namin.

For the past few weeks, Elijah was still busy pero hindi na kagaya nitong nagdaang araw na minsan na lang kaming magkita at magkasama. He was busy but he prioritize me. 

And I really felt special.

Tuwing wala siya sa kompanya ay nagpapadala siya ng pagkain with a bouquet of roses. Siyempre, kinikilig naman ang lola niyo dahil bakit ba? Wala namang masama.

Si Summer nga na hindi ko na alam ang love life ay kilig na kilig sa ginagawa ni Eli. Kesyo kailan pa raw niya mararanasan ang gano’ng bagay.

“So bukas wala ka dito? Whole day?” Saad ni Summer nang makasakay kaming dalawa sa loob ng elevator.

“Oo. Pupuntahan namin ‘yong boutique nang designer na gumawa ng suot namin. Ayoko sana bukas kasi may trabaho pero alam mo namang malapit na ang kasal namin.”

“Hindi parin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na.” napbuntong hininga siya’t napatitig sa akin. May malambing na ngiti sa labi na para bang nagsasabing nandiyan parin siya kahit anong mangyari. “Parang noon lang ayaw na ayaw mong magka-boyfriend. Pa’no na si Rapahel niyan?”

Mahina akong natawa’t napailing. Totoo lahat ng sinabi niya at aaminin kong natamaan ako. Pero kailangan ba talagang isali sa usapan si Raphael? Sa bagay, siya iyong pursigidong kulitin ako para lang payagan kong manligaw.

“Naniniwala ka ba sa kasabihang people change? Parang gano’n nangyari sa akin. I ended up with Elijah and I didn’t regret everything, Sum.”

“Sure na ‘yan, ah? Siguraduhin mo lang, Nice. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nasasaktan ka. He is your first love. Pero sana naman hindi umabot sa first heartache.”

I sighed. Hindi ko hawak ang tadhana namin ni Elijah. Mukhang hindi ko rin naman maiiwasan ang huling sinabi ni Summer. But deep inside me is silently hoping that it will never get to the point of heartache.

“Hindi ‘yan.” I shrugged it off. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano ngayon lalo pa’t malapit na ang kasal ko. “magtiwala ka lang sa ‘kin.”

“Ayusin mo ‘yan.” She looked at me meaningfully. Nginisihan ko lang siya bago siya lumabas ng elevator nang bumukas ito sa kanyang floor.

Imbes na pumunta sa department ko ay napag-isipan kong puntahan si Elijah sa kanyang opisina para kausapin siya. Sabay kaming uuwi mamaya dahil may family dinner kami kasama ang pamilya ko’t pamilya niya.

And I’m looking forward on seeing my family again. Matagal-tagal na rin no’ng huli ko silang nakita dahil sa sobrang busy ko sa kasal at trabaho. The last time I visited them was Carol’s awarding ceremony.

Akalain mo nga naman, running for valedictorian ang kapatid ko.

I am very proud of her. As a sister, I really look forward to what my sister become in the future. Elijah even offered to give a scholarship to my sister which is very important. Pero pinagsabihan ko na siyang kaya ko namang pag-aralin ang kapatid ko which is nirerespeto niya ng husto.

I’m really lucky to have a man like him. Hindi pa man niya alam ang totoo kong nararamdaman, alam ko namang ramdam niya ito sa kilos at gawa ko.

I just really love him to the point that it scares me too. Pero ayoko na iyong isipin. I don’t want to think negatively about this relationship of us. Marami nga diyang arrange marriage lang pero sa huli nagiging sila naman. They even lived happily.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now