Chapter 25
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing nang gabing ‘yon. Sa pinaghalong emosyon ay hindi kinaya ng katawan ko. Siguro ay nakatulog ako dahil dito. Morning came but I’m still not moving to get up and get ready for work. Wala ako sa mood. Pagod na pagod ang utak ko, ang katawan at puso ko para gumalaw at pumunta sa kompanya para mag trabaho. Just for today, I want to rest. Sapat naman siguro ang isang araw na pahinga?
Sa malapad na kama ay mag-isa lang ako. Walang katabi at walang bakas na may tumabi sa akin sa pag tulog. Kumirot ang puso ko sa kaalamang iyon, hindi umuwi si Elijah.
Ayokong mag-isip ng kung ano-ano hangga’t hindi ko siya nakakausap. Hindi ako iresponsableng tao pero sa mga nakita at nalaman ko, parang ayoko nang tanungin siya at baka mas masaktan lang ako ng sobra. Hindi ko ‘yon kakayanin lalo pa’t… may laman na itong tiyan ko.
‘Till now, hindi parin nag si-sink in sa isip ko ang mga nangyari at nalaman. Buntis ako at malaki ang posibilidad na may ibang babae si Elijah. Parang hindi ko kakayanin na masira ang pamilya namin.
A soft knock made me out from my deep reverie and I notice that my cheek is wet, I was crying. Mabilis ko itong pinunasan at umupo sa kama nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Elijah na malaki ang ngiti at bitbit ang tray na may lamang pagkain.
“Good morning—wait are you crying?” Mabilis siyang lumapit at ibinaba ang tray sa kama. Instinctively, I look away when he was about to touch my cheek and wipe my tears away.
“I’m fine.” I sighed. “My head just hurts.”
“I’ll get you a medicine. Wait here, wife.” Tumayo siya at lumabas ng kwarto kaya hindi ko na siya nagawang pigilan.
Napabuntong hininga ako, napatingin sa tray na nasa kama at biglang kumalam ang sikmura dahil sa amoy nito. It’s fried rice with hotdogs, eggs, and bacons. May gatas rin na umuusok pa at mukhang ang sarap inumin.
He prepared this for me?
I sighed. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maligo, o mas tamang sabihin na magpalamig muna para mahimasmasan. He was acting like nothing happen last night. He was acting like normal days we have but I knew better. Hindi niya alam na alam ko ang ginawa niya kagabi at sobrang sakit no’n. Masakit dahil ginagago niya ako ng palihim. Masakit dahil nagawa niya ang bagay na ‘yon kahit kasal kami. Kahit respeto naman bilang asawa?
I don’t know how long I stayed in the shower, I just wanted to be alone. Ayoko muna siyang makita, kung hindi siya aalis dito sa bahay ay ako ang aalis. Probably he’d be busy again, sa ibang bagay nga siguro siya abala at hindi sa trabaho.
I bit my lip when my eyes became teary. Mabilis kong ipinilig ang ulo at tinapos ang walang kwentang pagligo.
Dumiretso ako sa closet at nagbihis. Nang makalabas ay nasa kwarto ko siya at naghihintay, nakabihis at mukhang handa ng umalis para mag trabaho.
“H’wag ka munang pumasok ngayon. I will talk to your director that you’re not feeling well so rest here, alright? Subukan kong umuwi mamaya ng maaga.”
“Sure.” Pagod ko siyang tiningnan, nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na nagtanong. “We’ll talk later. I’m just… too tired. I want to be alone.”
“Sigurado ka bang hindi lang ulo ang masakit sayo? We can go to hospital if you want. Hindi na lang ako papasok ngayon.”
“No.” I shook my head firmly. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tingnan ng matagal. Those images flashed before my eyes and I wanted to cry. “I want to be alone for now. Umalis ka na, kaya ko ng mag-isa dito. Papuntahin ko na lang si mama dito o ako ang pupunta sa kanya.”

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...