CHAPTER 16
“Let’s talk about our wedding.”
Pinakatitigan ko siyang maigi, hinanap sa kanyang mata ang pagbibiro ngunit wala akong makita. His stares were too serious that I don’t want to talk. Ang tingin niya ay nagsusumigaw na kailangan talaga naming mag-usap tungkol dito.
Why now? I mean, he have the chance all the time but why now? Hindi naman sa ayokong pag-usapan ito ngayon pero hindi ko lang inaasahan. I was just waiting for him to open up this topic and now, he really did.
“This night, let’s talk about our wedding. The preparations, everything. I need your opinion and decision. Don’t leave me hanging in this, sweetheart.” Hinaplos niya ang pisngi ko habang tumatango ako. Para akong naliligaw sa tingin niya at hindi alam kung anong gagawin.
My heart were beating so loudly that I can almost hear it. Umayos ako ng upo at seryoso siyang pinakatitigan.
“Do you really want to talk about it?” He nodded. “I’m all ears.”
He smiled and kiss my forehead. “thank you. I thought you might be uncomfortable talking about this that’s why I’m not opening this topic. But I’m an impatient man, sweetie. So impatient when it comes to you.”
Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi.
“Anong gusto mong unahin? The date? The theme or what?” ani ko habang abala siya sa paghaplos ng pisngi ko. Ang tingin niya ay hindi parin inaalis sa akin. Nakakalunod pero gustong-gusto ko ang ginagawa niyang ito.
“Kung ano ang gusto mong unahin. Tell me everything you wanted and I’ll prepare it.”
Hindi ko napigilang ngumiti sa sinabi niya. Parang hinaplos ng kung ano ang puso ko dahil ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. No pain. No doubt. Just happiness and contentment.
“Then let me tell you everything.”
I started talking to him everything that I wanted. Lahat ng kagustuhan kong mangyari sa pinapangarap kong kasal ay sinabi ko habang siya ay matiim lang na nakikinig. He didn’t contradict anything about what I said. Sa halip ay tumatango siya, sumasang-ayon sa nais kong mangyari at natutuwa akong gusto niya rin ang kagustuhan ko.
Naiisip ko lang ito noon. Pinagkakatuwaan namin ni Summer sa’tuwing kinukwento ko sa kanya ang kasal na gusto ko. Kasi alam kong matagal pa namang mangyayari at baka hindi pa nga matupad pero mapaglaro talaga ang tadhana at pinakilala niya sa ‘kin si Elijah.
Siguro kakaiba ang pagkikita namin at pagkakilala pero wala akong pinagsisihan miski isa do’n. I didn’t even regret accepting his proposal. That’s how I wanted to be with him.
Hindi namin alam kung anong oras na kami natapos pero wala kaming pakealam doon. Kahit nasa kama na kami at nakahiga, patuloy parin ang pakikinig niya sa mga kagustuhan ko.
I’ve never been this excited before but knowing that it’s my wedding, I can’t stay still. Pinagtatawanan pa niya ako pero nakikita ko naman sa mga mata niyang nasisiyahan siya’t hindi rin makapaghintay.
Kinabukasan ay maaga kaming natapos para asikasihin ang dapat asikasuhin dahil sa susunod na mga araw ay magiging abala na naman kami para sa preparasyon ng kasal namin. Pero bago ang kasal, lilipat na kami ni Eli sa bahay para less hassle na rin. At least pagkatapos ng kasal, may uuwian na talaga kaming bahay.
Dahil sa sobrang busy ay hindi na kami masyadong nagkakasama ni Eli sa kompanya. Minsan naman ay nakakapago-overtime ako kaya kadalasan ay diretso ako tulog pag-uwi. Tuwing tanghilan ay si Summer ang palagi kong kasama but that’s okay. I understand him. Palagi naman siyang nagte-text at nag-uupdate kaya hindi ako nag-aalala. Pareho kaming dalawa na busy pero hindi namin nakakaligtaang paalalahanin ang isa’t isa. Lalo na no’ng dumating ang isang bigating investor galing California kaya mas lalong naging busy si Eli. Mas lalo kaming hindi nagkakasama at nagkikita.

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...