Chapter 19
“Ang ganda-ganda naman ng anak ko.” Mangiyak-ngiyak na pahayag ni mama habang pinagmamasdan ako.
Nasa isang kwarto kami na napupuno ng mga make up’s at kasuotan. Ako at si mama ang tanging nandito dahil kanina pa natapos ang pag-aayos sa akin. Mula sa mukha ko, sa buhok at sa maging suot ko. It was all done. Hinihintay na lang namin si tita na pumunta rito para pupunta na kami sa simbahan.
“Ma, h’wag nga.” Napanguso ako nang mag-init ang kabilang sulok ng aking mata. “kapag ako umiyak at masira ang make up, ikaw talaga ang may kasalanan.”
“Hindi ko mapigilan, e.” suminghot siya’t pinunasan ang luha. “hindi parin ako makapaniwalang ikakasal ka na.”
Kahit ako, ma. Kahit ako ay hindi rin makapaniwalang ikakasal na. Parang kailan lang na abala pa ako sa pag-aaral at paghahanap ng pag o-ojt-han pero ngayon, maglalakad na sa altar kung saan naghihintay ang lalaking matagal ko ng mahal.
“Halika nga rito.” Hinila ko siya at pinalapit para mahigpit na yakapin. “Kahit naman ikakasal na ako, hindi ko parin kayo makakalimutan. Palagi parin ko po kayong pupuntahan.”
“Alam ko naman ‘yon, nak. Sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala.” Huminga siya ng malalim at pinatakan ng halik ang nuo ko. “maging masaya ka sa bago mong pamilya anak ko.”
Napapikit ako sa lambing ng boses niya. Sunod-sunod ang pagtango ko dahil kahit ako, gusto kong maging masaya ang bago kong pamilya. It will be my new future. It will be my stepping stone for the new tomorrow.
A soft knock made us stop from being dramatic. Kasunod nito ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni tita.
“I hope I did not disturb you two.” She smiled apologetically.
Mabilis akong umiling. “No, tita. Hindi niyo po kami inistorbo.”
“Kailangan na ba nating umalis?” saad ni mama at pasimpleng pinunasan ang luha.
Napangiti ako at inayos na rin ang sarili ko dahil ayokong mag mukhang bruha sa kasal ko.
“Yes, that’s why I came here. Ready na sa ‘baba ang sasakyan.”
Tumango ako at huminga ng malalim. “I’m ready too.”
They smiled at me lovingly. Ang dalawang ina ko ay sinamahan ako sa ‘baba at tinulungang makasakay ng maayos sa kotse. Si tita at si mama ay magkasama sa kabilang kotse na nasa unahan namin. Hindi ko nga namalayang umandar na ang sasakyan dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Mahigpit ang hawak ko sa equadorian rose na galing pang ibang bansa. Tita was able to get this and I don’t know how. Nanlalagkit na ang kamay ko sa sobrang pamamawis. Kahit aircon naman ang loob ay hindi nito napigilan ang pamamawis ko.
I am nervous. Habang palapit kami ng palapit sa simbahan ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong aatakihin sa puso. My mind went blank. Pero kahit gano’n, ang kasiyahan sa puso ko ay namutawi parin.
I took a deep breath to calm my nerves. Tumingin ako sa labas ng bintana para tanawin ang mga nagtataasang gusali sa labas. Para kahit papaano, makalimutan ko kahit sandali ang kabang nararamdaman ko.
But time feels like magic. Hindi ko namalayang nakarating na kami sa malaking simbahan. Kaliwa’t kanan ang mga sasakyan at mga organizer ay labas pasok para masigurong naaayon sa plano ang lahat.
It makes me happy. Everything is going so smooth. It was perfect. They did everything as beautiful as ever.
Nang tuluyang huminto ang kotse sa tapat ng simbahan at pagbuksan ako ng pinto ay dahan-dahan akong lumabas. Hindi gaanong mabigat ang suot ko, pero natatakot parin akong gumalaw masyado dahil baka matanggal bigla ang mga diyamanteng nakakabit sa gown ko.
YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romance[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...