CHAPTER 27

170 7 0
                                    

Chapter 27

Ang planong pagbili ng ice cream ay umabot ng mahigit tatlong oras, kung paano ‘yon nangyari? Si Clarise at Petter ay nag desisyong ipasyal ako sa pinakamalapit na parke at doon na lamang kainin ang ice cream. Tutal marami-rami naman ang nakain kong meryenda ay hindi agad ako nagutom. Sa dami ng pasyalan na aming pinuntahan ay talagang hindi namin namalayan ang paglipas ng oras.

Pumunta rin kami sa night market na ang daming tindahan ng pagkain, damit at kung ano-ano. I enjoyed every bit of and I even bought a lot of foods. Hindi naman sa kumakalam ang sikmura ko, sadyang bigla akong nag crave nang maamoy ang mga barbecue.

“Tutal nandito lang rin naman tayo, dito na lang tayo maghapunan. Ite-text ko na lang sila na medyo matatagalan pa tayo.” Saad ni Petter habang kami ni Clarise ay abala sa pagkain ng pork barbecue.

“Okay lang sa ‘kin, ikaw ba Nice?”

Tumango ako. “Ayos lang din sa akin. Gusto ko ring mamasyal pa at kumain.”

“Alright, dito na tayo kumain.”

Habang abala si Petter sa pag text ay hindi na ako makapaghintay sa hita-paa na aking inorder. I was salivating even though I’m eating. Ako ba ‘yong matakaw o si baby? Kasi parang hindi ako nabubusog kahit ang dami ko ng kinain.

“Upo ma muna dito, Nice. Ako na mag o-order ng kanin at iba pang ulam habang wala pa si Petter.”

I nodded and smiled. “Sige, maraming salamat.”

Bitbit ang dalawang barbecue ay umupo ako sa lamesa na tinuro ni Clarise at doon ay nagpatuloy sa pagkain. Ang iba’t ibang amoy ng pagkain sa paligid ay lalo akong tinatakam. I know this is because of my pregnancy but eating too much might be bad for my baby kaya I also need to control my self.

This place feels like a high school life for me. Kung saan palagi kaming ginagabi ni Summer dahil nililibot talaga namin ang bawat sulok ng night market. We save a lot of money at kapag nagkaroon ng oras na pumunta ay pinunpuntahan namin ang lahat ng mga tindahan para tikman ang kanilang niluluto. 

I miss those old days. I miss Summer.

I sighed. Isa sa rason kung bakit ako nandito sa Cebu ay dahil gusto kong magpakalayo-layo muna, pero bakit ngayon ay parang gusto kong umuwi? Gusto kong bumalik sa bahay at hintayin ang aking asawa?

There’s a lot of misunderstandings between us but like what Sarah said, there must be a reason behind it. Gustong-gusto ko ‘yong malaman pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon na alamin ito.

Maybe we need space for a while. Para makapag-isip ng maayos at klaruhin kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin. Maybe this is a sign.

Nawala lang ako sa malalim na pag-iisip nang dumating si Petter at Clarise. Hindi pa luto ang inorder namin pero ang hita-paa ko ay luto na kaya nauna na akong kumain, which is okay, they don’t mind.

“May dumating raw na bisita sa bahay, kakilala mo raw, Nice.” Bigla ay sabi ni Petter kaya tumigil ako sa pagsubo ng kanin.

Kumunot ang aking noo, wala akong maalala na may sinabihan akong iba na sumama sa amin.

“May binanggit bang pangalan?”

“Wala, ang sabi lang sa akin ni Elise may bisita ka raw. Kilala rin ni tita Esme at mukhang close na close. Ayon, nagpapahinga daw dahil sa haba ng biyahe at mukhang pagod.”

Confusion clouded my head, I really don’t know who’s he’s talking about. Alam ko na hindi susunod si Harold at Carol dahil may eskwela sila pero si Summer? Fifty-fifty pero hindi rin imposible.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now