Chapter 20
“Are you ready to go?” My husband asked me for the ninth time while I was finalizing the things I needed to bring.
Dalawang maleta lang ang gusto kong dalhin para less hassle. Kahit private plane ang sasakyan namin ay ayokong magdala ng maraming damit. ‘Yong mga kakailanganin lang talaga at mga importante.
“I’m ready. Okay na ‘tong lahat, final na.” tinapik ko ang maleta at mabilis niya itong kinuha para isakay sa kotse.
“Let’s go then.”
I nodded. Sinundan ko siya palabas at mukhang hindi naman niya kailangan ng tulong dahil yakang-yaka niyang dalhin ang dalawang maleta.
Nauna akong sumakay sa kanya dahil pinapasok pa niya ang gamit sa compartment. Nasa bahay na kami ngayon namamalagi pero dahil aalis naman kami ay hindi kami magtatagal dito.
Last night was a blast, though. I mean, last night in the reception. It was already midnight when we get home and I was fast asleep.
Maraming nangyari sa isang gabi lang at kahit medyo lasing na ako no’n ay naaalala ko pa naman ang mga nangyari. It was so nostalgic and everyone were so happy. And it was also became naughty. Elijah became naughty to be exact.
Alam kong naka-inom siya ng konti pero iba pala kapag nalalasing siya. He was so clingy last night. Ayaw niyang umalis sa tabi ko at gusto ay yakap lang ako. Kahit mawala ako sa paningin niya ay ayaw niya. Medyo mahirap pero nakaya ko namang i-survive ang lahat.
Hindi lang doon nagtatapos ang lahat. Nang makauwi ang pamilya namin at naiwan na lang ang mga kaibigan ay mas lalong naging wild ang gabi. Elijah did a body shot on me. On my cleavage and neck! Sa dami ng nangyari ay hindi ko na alam kung sino ang naka saksi. I was anticipating to see Sarah until midnight but she has things to do so she got home early.
Nahihiya ako dahil ang daming nakakita pero aaminin kong nag enjoy naman ako. We’re husband and wife, nothing’s wrong with that, right?
“Your face is red. Are you alright?” Elijah said.
Napakurap ako at mabilis na umiling. Masyado akong nadala sa iniisip at hindi ko man lang namalayang nakapasok na siya.
“I-I’m alright.” I cleared my throat when I stuttered. “mainit lang siguro.”
“Are you sure?” inabot niya ang mukha ko para kapain ang nuo ko. “akala ko may sakit ka.”
“Ayos lang ako.” Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop ito sa ‘kin. “tara na.”
He was hesitant for a while but I smile to reassure him I am okay. Siguro dahil lang ‘to sa iniisip ko kaya namula ang mukha ko. Ayoko namang mag-alala siya at baka hindi pa kami matuloy sa Japan.
He already worries too much and I don’t want to add up. Gusto kong pasayahin siya ngayong kami lang dalawa ang magkasama.
Hawak ko parin ang kamay niya kahit umandar na ang kotse. Mabuti na lang at maaga kaming umalis kaya walang traffic. Agad kaming nakarating sa airport at dahil private plane naman niya ang gagamitin ay naging smooth na ang lahat. Nakaupo na ako sa eroplano at tinatanaw ang labas habang hinihintay itong lumipad.
“Mom texted me to bring her some souvenirs.” Elijah stated as he sat beside me. Pinakita niya sa ‘kin ang text ni tita at natawa ako dahil totoo ngang nagpapabili ito.
“Let’s bring her something then. Marami naman tayong mabibili sa Japan.”
“Mom is just being dramatic. Gusto lang no’n mapansin mo siya.”

YOU ARE READING
HIS LOVELESS PROPOSAL
Romansa[COMPLETED ✔️] Nice Siranny Rose Billones is an achiever. When it comes to her studies, always an A for effort. Hangad ni Nice ang magandang kinabukasan para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang takbo ng buhay niya ay palaging naaayon...