CHAPTER 9

197 10 0
                                        

Chapter 9

The first activity was held at four in the afternoon since it’s not so hot outside. Sa dalampasigan isinagawa ang mga laro na pakana ni Eli para naman daw mag enjoy talaga kaming lahat bukod sa pag ligo sa dagat. And everyone must participate kaya kahit ako ay mapapasali talaga kahit mahina ako sa ganitong laro. While Summer on the other hand was really enjoying every time she’s competing. Tuloy ay palaging nananalo ang team niya.

Maraming mga laro ang sinalihan ko at kahit natatalo ay ang importante ay nag enjoy ako. Sa kalagitnan nga lang ay hindi na ako sumali dahil nauubusan na ako ng hininga. That’s why I settle my self in the gazebo not so far away to just watch them instead. Ngayong nakaupo ako ay naramdaman ko na ang pagkirot ng paa ko.

“Do you want some?”

Mula sa pag tingin sa paa ay nag-angat ako ng tingin sa lumapit sa ‘kin. Si Eli. I smiled and get the water in his hands. Nagpasalamat ako saka uminom dahil kanina pa rin ako nauuhaw.

“Ayaw mong sumali sa laro?” Tanong ko dahil minsan ko lang siyang nakikita kanina na sumali. Minsan talaga KJ to, e.

“Nah, I’m exhausted.” Pumasok siya sa gazebo at nakiupo sa tabi ko.

“Exhausted?” I scoffed. “Hindi ka nga naka tatlong laro tapos pagod ka na?”

He laughed. “I’m preparing for the last one.”

Tumaas ang isa kong kilay. “Masyado bang mahirap ang pinakahuling laro para paghandaan mo?”

“Just wait and see.”

I shrugged and watch the other teams played. Hindi ko alam kung ano-anong laro ang pakulo ngayon kaya wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin ni Elijah. Is that something to be prepared of? Mahirap ba? Marami naman kami kaya baka oks lang. By the look on his face, I bet he knows what the last game is.

Gusto kong malaman kung ano ‘to pero h’wag na lang dahil ayokong ma-spoil. If ever na mahirap man ‘to, sana makasama ko siya o si Summer sa iisang team. Hindi ako sporty na tao kaya mabilis akong mapagod. Good thing I participated some of the games earlier.

Nagpatuloy ang laro at kahit pagod na ang karamihan ay talagang gusto pa rin nila. Hindi na ako sumali ulit at nakinood na lang habang hinihintay ang huling laro na sinasabi ni Eli. Kagaya ko, hindi na siya sumali at nakaupo lang sa tabi ko.

Good thing they didn’t looked at us and became suspicious. Talagang kung ano-ano na lang ang ginagawa nitong ni Eli na p'wedeng makapahamak sa amin.

“People may I have your attention please?!” Anunsiyo ng bakla na si Jopay habang pinapalibot ang tingin. Sinisiguro na talagang makukuha niya ang atensyon namin. “ready na ba kayo sa last game?!”

We all said yes in unison. May microphone siyang hawak kaya hindi ko na kailangang lumapit para makinig ng mabuti. The sound systems are complete so it’s not that quiet here.

“Alright! Hindi na natin ‘to patatagalin at sisimulan na natin ang huling laro sa araw na ‘to. Gentlemen, please.”

Mula sa kung saan ay may dalawang lalaki na pumasok dala ang dalawang malalaking kahon. Kasunod nito ang dalawa pa na may bitbit ring kahon katulad no’ng nauna. We’re all curious at what is it but we need to wait. Na-excite ang iba dahil mukhang hindi basta-bastang laro itong gagawin namin ngayon.

“We only need two teams for now and since marami tayo, mas masaya. Among these boxes, make a line and create groups. Each group needs to have twenty-five members and once it’s complete, that’s when we proceed.”

Katulad ng instruction na bigay ni Jopay ay nagsimula na silang pumila at bumuo ng twenty-five members. Tumayo na rin ako at akmang tatakbo sa kinaroroonan ni Summer nang may humuli sa palapulsuhan ko.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now