CHAPTER 5

302 12 0
                                        

Chapter 5

“Nice Siranny! Hindi ka sasabay sa ‘kin?” Sumalubong sa akin si Summer pagkalabas ko pa lang ng elevator. Sinabihan ako ni Elijah na sa labas maghintay dahil nasa parking ang kanyang kotse. Ayoko sana dahil alam kong maraming makakakita pero naka-alis na siya, hindi ko na napigilan.

Maayos na isinukbit ko ang bag saka ko siya nilapitan. “Hindi muna. Baka bukas na lang.”

“Eh? May lakad ka ba? Akala ko sabay tayo.”

“Sorry na. Promise, bukas talaga sabay tayo.”

“Oo na,” napa-asik siya at umangkla sa braso ko. “pero bakit hindi ka makakasabay? May lakad ka?”

“Sasabay ako kay boss.” Mahinang bulong ko habang papalabas kami.

“Luh, seryoso? Akala ko ba uwian na?”

“Uuwi nga.” Nilingon ko siya. “si sir Elijah ang maghahatid sa ‘kin.”

I motioned my hand to shut up when she was about to exclaimed. Nanlalaki ang mata niya habang nakatitig sa akin pero ngiting-ngiti lang ako. I know she’s curious but she’s also speechless. Bahala na siyang mag-isip, at least nasabi ko sa kanya ang tungkol sa ‘min.

“Nice seryoso nga!” 

Tinawanan ko lang siya dahil halatang marami pa siyang katanungan. Mabuti na lang at huminto sa tapat namin ang kotse ni Elijah kaya may dahilan ako para tumakas kay Summer.

“Mauna na ako. Ingat sa pag-uwi mo. Bye!”

I smiled and bid my goodbye. Nagpapadyak sa inis si Summer pero wala na rin itong nagawa dahil nakasakay na ako.

“What happen?” Elijah curiously asked. Habang inaayos ang seat belt ay sinagot ko siya.

“Sinabi ko sa kanyang ikaw ang maghahatid sa akin. Ayun, nagtitili dahil ayaw niyang maniwala.”

“Really?” napatawa siya bago pina-andar ang kotse. “mabuti naman at sinabi mo.”

“Ayos lang sayo?” Nilingon ko siya para makita ang kanyang reaksyon. Sa totoo lang, kinabahan ako nang sabihin ko ‘yon kay Summer. Pero naiiba siya, may tiwala ako sa kanya.

Ayoko lang kasi na mag-iba ang tingin nila kay sir Elijah kapag nalaman nila ‘to. Ayokong may ibang isipin ang mga tao sa kanya kahit wala naman itong kasalanan. Pero ‘yon ang hindi ko kayang pigilan, ang opinyon ng ibang tao.

“Oo naman. It’s fine for me. Besides, she’s your best friend. After your graduation, I’m planning to announce our engagement. Nang sa gano’n, hindi sila manghihinala na kontrata lang itong meron sa ‘tin. Don’t you think it’s great?”

Biglang pumait ang panlasa ko sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin para itago ang lungkot na bumalatay sa akin.

“That’s great.” I said. “mas maayos pa nga kung gano’n.”

Totoo ang sinasabi ko. Mas maayos na makilala ako ng karamihan na fiancee niya pagkatapos ng graduation ko. I don’t know what he was planning but I’ll go with it. Ayoko ring ilagay sa alanganin si Elijah. Ang dami ng naitulong nito, ito na lang ang p’wede kong gawin para bumawi sa kanya.

HIS LOVELESS PROPOSALWhere stories live. Discover now